KABANATA V "PUT@NG ITIM"

699 45 22
                                    

KABANATA V

Ndi nakagalaw si aegon ng makita ang isang malaking itim na pusa na nasa harap na nya "ah buset! Wala ba itong katapusan? Bulong ni aegon sa sarili, sasakmalin na sana nito si aegon ngunit nagawa naman gumulong ng binata pakanan at bigla nitong binato ang ang karambit at tumusok sa kanan bahagi ng halimaw. Sumingasing naman sa sakit at sa galit ang halimaw habang si aegon ay dahan dahan tumatayo.

Muling nag-anyong tao ang halimaw at binunot ang nakabaon karambit sa tagiliran nya "matigas ka talaga! Sisguraduhin kong papatayin kta sa pinaka masakit na paraan!" galit na wika no borek at bigla nitong sinugod si aegon, hinalihaw nito ang kamay nya kay aegon ngunit naiilagan naman ito pero isang sipa sa sikmura ang nakalusot at nagpataob kay aegon.

"!ARGHH" halos masuka na si aegon sa sobrang sakit ng natamo nya ngunit tumayo pa din ito at muling naghanda, nanlalabo na ang paningin ni aegon kaya ndi nya namalayan na nasa harap na nya si borek at binigyan siya nito ng isang suntok sa muka na tumama sa sa pisngi nito at nagpabagsak sakanya "hahaha hanggang jan ka lang pala! Walang kwenta ang lahi nyo!! PWE!! "wika ni borek at dinuraan pa nito si aegon at sinipa ng malakas kaya gumulong ito sa lupa at halos mawalan nan g malay.

"APO!! Tulungan nyo sya!!" sigaw ni alfredo sa mga kamag-anak nya, agad namang pinuntahan ng iba si aegon at tinutulungan nitong tumayo si aegon at pinalibutan nito si borek at may hawak ang mga itong itak at sibat, nang akmang aatakihin na ng mga ito si borek ay..."SANDALI!, ibalato nyo na po sa akin yan ipapakilala ko sa kanya kung sino tayo!" wika ni aegon at paika-ikang naglakad papunta sa harap ni borek.

"kaya mo pa ba apo?"nag-alalang tanong ni alfredo, tinignan lamang nito si alfredo at ngumiti "masyadong mataas ang tingin mo sa iyong sarili bata, ang mga katulad mo ang madaling mamatay halika lumapit ka sa iyong kamatayan" wika ni borek, bigla namang humawi sa daanan ang mga kasama ni aegon at pinadaan ito.

"ndi ka na muling makakatama sa akin hayop ka!"wika ni aegon at dinapot ang karambit sa lupa at biglang tumayo at pumikit, bigla itong yumuko at tumagilid at iniligay ang kanang kamay sa tapat ng dibdib habang ang kaliwa naman ay sa tapat ng tiyan.

Nagulat naman si arnulfo sa nakita nya alam nya ang tindig na un ndi sya pdeng magkamali "un ang..." ndi natapos ni arnulfo ang sasabihin nya dahil, "arnulfo ndi ba natin tutulungan ang bata?, mapapatay sya ni borek! Kelangan natin syang tulungan " wika ng isang kasama, napangiti naman si arnulfo na ipinagtaka ng mga kasama nya.

"ndi na kailangan, dito na magtatapos ang laban at dito na din magtatapos si borek" naka ngiting wika ni arnulfo habang nakatitig kay aegon "biglang sumugod si borek at sinuntok si aegon sa mukha ngunit sinangga ito ni aegon at sinuntok ang braso nito, sumuntok muli ito at ganun muli ang ginawa ni aegon at sinipa ito sa sikmura kaya napaatras ito at napaluhod at sumuka.

"WRUKKA!! HAH! MAGBABAYAD KA!!" wika ni borek, naging malaking pusa ulit ito at tumakbo pasugod kay aegon ng makita ito ni aegon ay tumakbo din ito pasugod dito na labis na ikinagulat ng lahat dahil sa sobrang bilis nito, dinamba ni borek si aegon ngunit bigla itong yumuko kaya lumampas ito kay aegon, nang akmang pipihit na ito paharap kay eagon ay nagulat ito ng isang sipa ang sumalubong sakanya at tinamaan siya sa katawan.

Sa lakas ng pagkakasipa ni aegon dito ay tumilapon ito at ilan beses gumulong sa lupa kya hirap na hirap itong tumayo, biglang sumigaw si borek at nagbago na naman ito ng anyo muka na itong gorilya at may may matatalas na pangil! Bigla itong sumugod ngunit nagulat ito at pti na ang lahat ng nanood ng biglang naglaho si aegon sa pwesto nya.

Nagpalinga linga pa ito hanggang sa may tumapik sa balikat nya "hinahanap mo ba ako?" wika ni aegon, paglingon nya ay isang malakas na suntok mula kay aegon ang natanggap nya. napa subsob ito sa lakas ng suntok, muli itong tumayo at susugod na sana ngunit isang sipa naman ang tumama sa mukha nya at gumulong na naman ito sa lupa. Sa pagkakataong ito ay si aegon naman ang tumakbo pasugod dito, nang makita ito ni borek ay bigla din itong sumugod.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ultimo AlbularyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon