KABANATA IV "TUYONG"

361 28 4
                                    

KABANAT IV

MAY MGA ATWANG!! Yan ang tigaw este sigaw ni potot ng biglang maglabasan mula sa dilim ang limang aswang, 4 na lalaki at 1 babae ang mga aswang na ito at nanlilisik ang mga mata, bagama't nagulat at kinabahan ay pumunta sya sa harapan ng kanyang lolo at tiyo habang si potot naman ay nakatago sa likod ng kanyang lolo "Lo, tiyo" umakyat na muna kayo pipigilan ko muna sila tulungan nyo na lang ako pagnakakuha na kayo ng itak" wika ni aegon "kaya mo ba yan pamangkin baka mapahamak ka magpapaiwan na din ako" sagot naman ng tiyo badong nya.

"sige po tiyo, lo, sige na umakyat ka na muna hagisan mo ang tiyo dito ng sandata nya"sagot naman ni aegon at kinuha sa bulsa ng pantalon nya ang karambit na labis namang ikinagulat ng tiyo badong nya. "s-saan nang-galing yan pamangkin!?, itay ito bay un?"tanong naman ng tiyo ni aegon "oo anak tama ka" sagot naman ng lolo ni aegon.

"mga kaibigan, nagkamali ata kayo ng bakuran na pinasok? Kilala nyo naman siguro kung sino kami sa bayan na ito? At pano kayo nakapsok ditto ng ndi naming nararamdaman? Wag nyong sabihing nagpasa-ilalim na din kayo sa mga engkanto? Tanong ng lolo ni aegon sa mga aswang "kilala namin kayo tanda kaya nga kami naririto upang subukan kung totoo ang balita tungkol sa inyo" sagot naman ng may kalakihang katawan na aswang.

"kung ganon ay wag na kayong umasang makakalbas pa dito ng buhay! Anak, apo! Patayin nyo ang mga hayop na yan!" sagot ng lolo ni aegon at mabilis itong tumakbo sa itaas ng bahay "tingnan mo tong lolo mo akala mo siya ang lalaban! Eh karipas naman ng takbo paitaas"natatawang sabi ng tiyo ni aegon.

Napatawa naman si aegon sa ginawa ng lolo nya at sinabi ng tiyo nya "ndi talaga mawawala ang kalokohan sa pamilya naming ito" bulong ni aegon sa sarili nya sabay ngiti, biglang sumugod ang isang aswang papunta sa kanilang magtiyo at ang isa naman ay lumundag at mukang gusto nitong pumasok sa loob subalit ng makahawak na ito sa bintana ay bigla itong humiyaw at bumagsak sa papasugod na sanang aswang sa kanilang magtiyo.

Napatingala ang magtiyo at nakita nila ang lolo ni aegon na may hawak na buntot pagi, hinataw pala nito ang aswang kaya ito bumagsak at namimilipt ito ngayon sa sakit "Anak, saluhin mo!, oras na para papuntahin dito ang buong angkan!" wika ng lolo ni aegon sabay hagis ng buntot pagi at nagpaputok ng flare gun na siyang senyales ng buong angkan kapag kailangan ng tulong.

Dahil sa liwanag ng flare ay biglang may aninong lumitaw sa lupa at ng tingalain ito ng tiyo badong ni aegon ay nagulat ito dahil may isa pang aswang sa bubong ng bahay "itay! Isarado nyo ang bintana meron pang aswang sa bubong" sigaw ng tiyo ni aegon, agad namang isinara ng matanda ang bintana "Jupol!, bantayan mo ang asawa mo!, Anghelina pumunta ka sa kwarto ni jupol samahan mo sila May asawang daw sa bubong" sigaw ng lolo ni aegon.

Biglang sumugod ang tatlong aswang sa magtiyo, ang unang paparating ay hinataw ng buntot pagi ng tiyo ni aegon at tinamaan ito sa kaliwang pisngi ng mukha, nagsisigaw at namilipit ito sa sakit. Ndi naman natinag ang dalawang kasama nito at dumiretso pa din sugod, ang isa sa dalawang aswang na natira ay biglang lumundag sa tiyo ni aegon ngunit nakita ito ng binate kaya sumugod na din sya bago pa nito masagpang ang tiyo ni aegon ay nahawakan na ito ni aegon sa sa kamay, dahil sa pwersa ng aswang na pabagsak ay iwinasiwas ni aegon ang kamay nito kaya ito umikot sa ere at humampas ito sa lupa ng una ang likod at napa-igik ito sa sakit.

Ang isang pasugod naman ay ang aswang na malaki ang katawan, si aegon ang puntirya nito at gamit ang matatalas ng kuko ay hinalihaw nito ang binata ngunit ndi ito tumama dahil nakatalon paatras si aegon.ndi naman tinantanan ng aswang si aegon at balak muling atakihin nito ang binate ngunit biglang yumuko si aegon at sinalubong nito ang aswang.

Dahil sa ndi inaasahan ng aswang ay ndi ito nakapaghanda sa ginawa ni aegon nagkaroon ito ng pag-aalinlangan na ndi naman nakalagpas sa paningin ni aegon, dahil nakayuko sinuntok nya sa sikmura ang aswang at nagside step ito para makapunta sa likod nito at nag-iwan ng malaking hiwa sa tagiliran ng aswang at sinipa nya ito sa tuhod na naging dahilan ng paglagutok ng buto nito.

Ultimo AlbularyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon