KABANATA II "KEPS"

578 20 1
                                    


"IIIEEHHHHHHH!!!" napabalikawas sila Aegon, Abyy at Danie dahil sa irit na un! "Aegon ano yun!?" takot na tanong ni Abby sa binata, napaisip ako, "eto na kaya yung sinasabi sakin ni Dua lipa este ni Maria Makiling sa panaginip ko? Totoo nga kaya yung panaginip ko?" bulong ng binate sa kanyang sarili, "tara labas tayong tatlo, sa likod ko lang kayo kahit anong mangyari wag kayo lalayo" sabi ng binata sa mga kasama nya,

Lumabas ang tatlo sa tent at nakita nila ang ibang kasama nila na nasa labas na din "ano yun mga brad?" tanong ko sa kanila "mukang sa kabilang campers nagmula kuya eh" sagot naman ni alexis "tara puntahan natin dalhin nyo ung mga lamp at flashlight nyo" sabi ko sa kanila at sumunod naman sila hanggang sa makasalubong namin ang isang babae na tumatakbo, agad ito sinalubong ng mga kasama nya "anong nangyari bakit kayo umiirit!?" tanong nun isang kasama nila, ung babae hinihingal pa magsasalita na sana yung babae kaso...

"IIIIEEEEHHHH!" may umirit na naman, kinakabahan na talaga ko! Baka totoo nga ung panaginip ko. Hanggang sa dumating na yung isa pang babae "ano bang nangyari bakit sumisigaw kayo!" tanong ulit nun kasama nila "ano kasi IIIEEEHHHH!!!! Ang daming frog Dun sa kabila natakot kami naglundagan kasi sila!" sabi nun babae, muntik ko ng sabunutan ung dalawa sa iniis ko, kinabahan ako sa hayop na mga yan! "tara na nga balik na tayo! Napaka O.A naman ng mga yan!" galit na sabi ni abby, ahahah atleast ndi totoo ung panaginip ko, bulong ng aegon.

Nung pabalik sila sa camp nila napatingin si aegon sa relos nya, 3am pa lang pala, ang sabi sa mga napanuod koi to ung tinatawag nilang devil's hour, alam nyo kung bakit? Kasi nun namatay daw si jesus ay 3pm naman ng hapon, yan ang sabi nila. habang naglalakad ang grupo nila aegon napansin ng aegon na mabigat ang bulsa ng cargo pants nito, kinapa nya ito at nagulat sa natuklasan, "may kutsilyo sa magkabilang bulsa ng pants ko! Pucha ano toagad tumakbo ang si aegon pabalik ng kanilang tent upang Makita ang laman ng kanyang bulsa. "Aegon!! Bakit!?" takang tanong ni danie "saglit lang may kukunin lang ako!" sagot naman ng binate , nun nakapasok na ito ay nilabas nan i aegon ang dalawang kutsilyo at tinapat ito sa liwanag ng lamp....." ito nga ung binigay ni Makiling sa panaginip ko!", halos matumba ang binate sa pagkabigla sa natuklasan.

Habang hawak hawak nito ang karambit sa magkabilang kamay at naka titig lang dito,( ang karambit ay pinananiniwalaang nagmula sa Sumatra, isang bayan sa Indonesia, ang nagging insipiration sa paggawa nila dito ay ang claw ng tigre, kaya naman ang bawat pag-atake nito maikukumpara mo sa atake ng tigre, isa ito sa pinaka lethal weapon at kung may alam ka sa KALI eh mas delikado ang buhay ng kalaban mo (nakalagay naman un pic ng karambit so dko na explaine itsura nya ha ahaha).... Oo nga pala, ang KALI nga pla ay isang FMA o FILIPINO MARTIALS ARTS marami ng mga foreign movies ang isinasama ang KALI sa mga fight scences. Ang astig kasi!)

ndi nito napansin nasa loob na din pala si Abby "Aegon ok lang? namumutla ka oh!? At ano yang hawak mo? knife?" takang tanong ni Abby kay aegon "ha!? w-wala , ano lang pang self-defense, ito ung ginagamit namin sa KALI, tara sa labas nandoon pa ba sila? Nawala antok ko eh" sabi ko na lang kay Abby "oo nandun pa nagulat kami bigla ka tumakbo eh, sure ka ok ka lang? namumutla ka talaga eh" sabi naman nya "oo ok lang ako tara-tara" at bigla ako lumabas ng tent.

"Guys pack up na tayo, tara na imisin nyo na gamit nyo" sabi ko sa kanila na ikinalaki ng mata nila "ok ka lang pre? 3am pa lang oh! Madilim pa! ndi natin makikita ang daan! Mamaya na tayo umalis pagmaliwanag na" inis na sagot sakin ni JP "may lamp at flashlight naman tayo eh! Tara na!" sagot ko naman sa kanya "kahit kelan ang baduy mo pre! Umandar na naman yang takot mo!"tatawa-tawang sabi ni JP "ndi naman pre, ano kasi eh may napaniginipan kasi ako parang totoo kasi eh" sagot naman ko naman.

"hay naku, wag mo pansinin un! Panaginip lang un!, kakapanood mo lang yan ng horror" sabat naman ni reynelle.

Natahimik naman si aegon "Baka nga totoo ang sinasabi nila pero pano nila ipapaliwanag tong karambit na nasa bulsa ko wala naman akong dalang ganto nun umakyat kami dito eh!" bulong nito sa sarili. "mabuti pa matulog na lang ulit tayo, tara na ang lamig oh!" sabi naman ni JP. Isa lang ang paraan, ipapakita sa kanila ang karambit at ikukwento ko sa kanila na binalaan ako ni makiling, tama yun ang gagawin ko, ngunit bago pa lang ako magsalita "WAAAAHHHHH" sabay sabay napalingon ang magkakaibigan at nakinig, hanggang sa dumami na ang mga sumisigaw.

Ultimo AlbularyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon