KABANATA III "ATWANG"

470 26 7
                                    


KABANATA III

Sa pagbukas ng mata ni aegon wala na sya sa bundok, nasa loob na sya ng isang kwarto at base sa dextrose na nakalagay sa kamay nya ay nasa ospital sya, gulong gulo ang isip nya kung bakit nasa ospital sya samantalang kanina lamang ay nasa bundok sya at nakipaglaban sa mga maligno at impakto. "anong nangyari bakit ako nandito?, nasaan na si makiling at si..." ndi na natapos ni aegon ang pagiisip ng biglang may magsalita sa kanyang tabi.

"Aegon!!, buti naman at nagkamalay kana 2 days ka na nandito sa ospital girl!" tuwang tuwang sabi ni abby. "GIRL!! Bakit ako nandito? Nasaan na si makiling at ung matanda!? Kamusta ang paa mo maglaling nb" takang tanong ni aegon, "anong pinagsasa-sabi mo jn? Wala naman nangyari sa paa ko ah, may masakit ba sayo? naalog ata ulo mo nun nadulas ka eh? Naghahalucinate ka girl!?" tiningnan lang siya ni aegon ng tinging nagtatanong.

"nun pababa na tayo girl nadulas ka tapos nagpagulong gulong ka, ang layo nga ng pinag-gulungan mo e ah nakakapag taka nun lapitan ka namin wala ka naman sugat kaya aun dinala ka namin dito. Pagpapaliwanag ni abby "pano nangyari un! eh ang huling ko naalala e nakahandusay lahat sila sa bundok at kinalaban ko ung engkanto tapos bigla ako sinuntok nun matanda, panong nangyaring nadulas daw ako't dinala nila ako dito sa ospital" tanong sa sarili ni aegon.

"ok ka lang ba talaga aegon?, nag-alala ko sayo pti sila tita nasa canteen sila kumakain kaya ako na muna ang nagbantay sayo" nagaalalang wika ni abby "oo ok lang ako girl salamat,si danie kamusta sya? Ok lang ba sya? Wag mko pansinin bk nga nananaginip lang ako" sabi ni aegon "ok naman may lakad lang sila nila tito kaya ndi nakasama" sabi ni abby at at hinawakan ang kamay ni aegon at nagtitigan sila, nagkaroon ng katahimikan sa kanilang dalawa at ndi naalis ang titig sa isa't isa hanggang sa....

"oh kamusta bata? Mabuti at gising kana? Mabuti na bang pakiramdam mo? Tanong ng doctor kay aegon, ndi naman nakasagot si aegon dahil nagulat sya sa nakita nya, kamukha kamukha kasi nito ung matandang tumulong at sumuntok sa kanya "check ko lang po un BP nya doc" sabat naman ng nurse. Lalong nagulat si aegon pagkakita sa nurse dahil kamukha ito ni makiling.

"Ah iha ichcheck lang namin tong boyfriend mo ha mamaya na ang holding hands" sabi ng doctor kaya abby na biglang bumitaw sa kamay ni aegon at pulang pula ang mukha. "n-ndi ko po sya b-boyfriend doc b-bestfriend ko lang po sya" sagot naman ni abby "ah kaya pala magkaholding hands at nagtiti-tigan kayo kanina haha?" nagaasar na wika ng doktor " ah-ah eagon puntahan ko sila tita ha sabi ko gising kana" sabi ni abby at lumabas na ito ng kwarto.

"ikaw si makiling ndi ba?" tanong nito sa nurse at ngumiti naman ito, bigla namang lumingon si aegon sa doktor "at ikaw ung matandang tumulong at sumuntok sakin ndi ba? Ikaw si mang kep..." ndi natapos ni aegon ang sasabihin dail sumabat na ang matanda, "Woah! Woah! Woah! Subukan mong banggitin ulit ang pangalan binaggit mo at susuntukin ulit kita!, KEPWENG ang ngalan ko bata! Tandaan mo KEPWENG! Maliwanag!?" sabi ng matanda, ndi naman nakasagot si aegon at iniisip ang sinabi nito na binggit nyang pangalan nito.

"ah mawalang galang na po mang kepweng ndi ko kasi maalala eh ano po bang tinawag ko sa inyo?" tanong ni aegon kay kepweng "ayos na un wag mo ng isipin" sagot naman nito "sige na mang kepweng ndi kasi ako mapapalagay pag ndi nyo sinabi eh" pilit naman ni aegon. Sumama naman ang tingin nito kay eagon at tinignan naman nito si makiling na biglang namula ang mukha at umiwas.

Napalunok ng laway si kepweng at namula ang muka nito "eherm ibubulong ko na lang sayo" at "KEPY@S....." bulong nito kay aegon nanlaki naman ang mata ni aegon at namula, hiyang hiya sa narinig nya "s-sinabi ko po yun!? P-pasensya na po!" "bueno, wag na natin isipin ang nakaraan,naparito kami para sa mahalagang bagay" sabi naman ni kepweng "sandali mawalang galang na po, maari nyo po bang ipaliwanag sakin kung bakit ndi maalala ng kaibigan ko ang mga nangyari sa bundok at sinabi nitong nadulas ako at gumulong? Pano nangyari un?" takang tanong ni aegon kay kepweng.

Ultimo AlbularyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon