KABANATA I

646 15 3
                                    



Ako nga pla si Achiles Grayson Macareza, but you can call me "Aegon" for short, isa akong mag-aaral sa kursong inhinyero sa isang pribadong paaralan dito sa laguna. ang bigat diba? Deym! ang bigat tlga! lalo na ang mga subject ko ang bigat din, sakit sa ulo!, lalo na ang differential calculus at calculus na laging pinapahanap ang value ng X!!, eh puchabels naman oh! X n nga e!! bakit hahanapin pa ang value db? Kya mo nga iniwan or iniwanan ka ng x mo kasi wala ka o syang value db? Narinig mo n un db? wag ka tumanggi!! I've been there na brad!, Ahahaha!!

Isa ako sa mga tipikal na estudyane na maituturing, tipikal n pumapasok,makulet at joker, lumiliban sa klase pagminsan, tumatambay sa compshop, nglalaro ng games, napapa-inom ng alak minsan at syempre napagtitripan at napapa-away!, oo ganun ang tipikal na estudyante di mo maeenjoy ang kolehiyo pag ndi mo nagawa ang mga sinabi ko, Nerd k! pag ndi mo nagawa ang ilan sa mga ginagawa ko Ahaha. Pero yan ang totoo di nyo yan maalis sa isang kabataan! Wag kayo magmalinis!! ahahaha

So ayon nandito ako sa classroom namin at nakatunga-nga sa bintana pinamamasdan ang mga puno at halaman bakit kailangang lumisan? Pamilyar? Kinanta mo no? ahahaha. Iniisip ko pa din kasi yung napanaginipan ko kagbi e, lagi ko ung napapanaginipan cgro mga 2000.34 times n e pakiramdam ko kasi ako yung nasa panaginip ko e, Habang nasa gitna ako aking pagmumuni-muni bigla ako makarinig ng malakas na pagtawag ng pangalan ko "AEGON!!!!" yung prof ko na pala yun!,.

pagtingin ko bigla kumilos ung mga kamay ko, bigla ako ng peace sign pero paturo ang direksyon nito at BOOM!! Sakto! Binato pala ako ng prof ko ng marker at nasalo ko ito ng aking dalawang daliri!. Astigin diba? Itry mo pagsasambot ka ng yosi gnun ang gawin mo ang cool nun! Ahahaha, at itoy nagging sanhi ng tawanan ng boung classroom namin, madalas kasi itong gawin ng prof ko sakin eh ang dahilan?, mahigit limang beses nya ako tinatawag pero dko sya pinapansin, bakit ba? e dko alam e! nakalutang ang isip ko pero kahit minsan ndi sya nagtagumpay ahahahahaha pero sa totoo lang ndi ko alam pano ko nagagawa yun prang kusang gumagalaw katawan ko e.

"Mr. Macareza!! Nakatunga-nga ka na naman!! Saan ka na ba nakarating jan sa iniisip mo ha!" galit na tanong ng professor ko na si Mr. manalang "eh sir pasensya na ho nasa edsa na ho ako natrapik lang kya dko nakabalik agad" sagot ko, na nasimulan naman ang malakas na tawanan sa loob ng room."yan jan ka magaling!! Siguraduhin mong masasagot mo tong board work na ito! Pumunta ka dito sa harapan" galit na sabi ng prof ko.

Tumayo naman ako at sinagutan ang sample problem nyang nakasulat sa board na ididisscuss pa lang sana nya ngayon araw pero dahil mahilig ako sa math, nakapag advance reading and exercize na ako last week kya ang resulta nasagutan ko sya! Galing no!? pero ndi ako genius ha! katulad mo lang din ako!! Magaling sa chamba! Ahahaha pero mahilig tlga ako magbasa ndi ko din alam kung bakit basta, ang hilig ko sa books lalo na pagtungkol ito sa mga kababalaghan at mga bagay na ndi maipaliwanag ng science.

Alam mo kung bakit?, Dahil sa buhay ko ay may mga pangyayari at nakikita ako na ndi ko maipaliwanag kya tumitingin at nagbabasa ako ng mga libro or sa net baka sakaling magkaroon ako ng kasagutan, ano bang mga pangyayari at mga kakaibang nakikita ko? Simple lang naman nagsimula ito nun 14yrs old pa lang ako ng mghiking kami ng mga classmate ko noong highschool sa mount Makiling , tandang tanda ko pa, nasa gitna na kami ng bundok papuntang peak 2 noon, ayun ang pinaka mataas na bahagi nitong mount makiling ng biglang umulan at may nakita akong babae sa madawag na parte ng bundok, pumikit pa ko ng ilang beses para masigurado ang nakikita ko. 

Pano ko na sabing babae? Kasi naka duster sya ng bulaklakin oh db? Gulat ka no? ahahaha, ang puti nya grabe, tapos kulot na kulot ang mahaba nyang buhok sobrang ganda pa! kamuka nya si DUA LIPA kilala mo sya ndi ba? oo!? Ganun sya kaganda!

Ultimo AlbularyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon