1: The Escape Plan

820 27 10
                                    

WINTER

"WINTER MONTECILLO COME BACK HERE!"

Parang walang naririnig na nagpatuloy lang ako ng lakad palabas ng mansion. Kung alam ko lang na sa ganito mauuwi ang pag-uusap namin ng tatay ko ay hindi na sana ako umuwi. I'd rather stay at my apartment and stare at the ceiling all day.

This has been my life since my mother passed away. Ako ang buntunan ng tatay ko ng lahat ng sama ng loob niya sa mundo. Para lang akong inodoro. Kahit kailan ay walang bagay na nagkasundo kami, kaya nga pagka-graduate ko ay nagdesisyon na akong bumukod.

Ito ang pinakamabigat na bagay na iniuutos niya sa akin. Utos, dahil alam naming pareho na wala akong ibang pagpipilian. Ipinagkasundo niya ako para sa kapakanan ng negosyo namin--este, niya. Iyon lang naman ang mahalaga sa kanya eh. Ang pinakamamahal niyang Montecillo Estates.

Sumakay ako sa pinakamamahal kong motorbike. Pagkatapos mag-helmet ay pinaharurot ko na iyon.

"BAKLA KA TALAGA! Warla na naman kayo ni pudang?"

Inirapan ko si Brandy. Ang bestfriend kong closet queen. Nangungupahan kami sa iisang bahay.

Classmate ko siya since grade school. Hanggang mag-college ay iisang course ang kinuha namin. Pareho din kami ng drama sa buhay. Both of our fathers are dominating. Kaya nga kami pareho ng course eh dahil din sa mga tatay namin. Business course. Boring.

Ang pinagkaiba nga lang namin ni Brandy eh kaya siya bumukod ay para mas lalong maitago sa pamilya niya ang totoong gender preference niya. Sigurado kasing kakatayin siya ng tatay niya once na malaman nito ang totoong katauhan niya. Iilan lang kaming nakakaalam ng sikreto niya. Ako, ang landlord namin, at ang mga naging boyfriends niya.

"Ay naku 'te! Ang shogal shogal na nating mag friendship wiz mo pa rin getlak ang iniisplok ng mga gandarang lips ko?"

Dinampot ko ang pinakamalapit na bagay na pwede kong madampot. A flower vase.

"Bebe ko 'wag 'yan! Mawawasak ang fezlak ko diyan."

I smiled evilly. Ayaw ko kasing mag-gay lingo siya kapag ako ang kausap niya. Puputok ang ulo ko sa pag-intindi sa mga salita niya.

He is fond of calling me 'bebe ko'. Noong nanood kasi kami ng pelikula ng crush niyang si John Lloyd na ang ka-partner ay si Sarah eh napagkamalan kaming mag-boyfriend, since then ay tinatawag na niya ako ng ganun.

"Ipapa-rebond ko na nga 'tong dila ko for you." Nakasimangot na umupo si Brandy sa tabi ko.

I took in a deep breath. "Arranged marriage."

Saglit na natigilan si Brandy. Parang hirap na i-digest ang sinabi ko. Slowly his eyes widened. Exaggerated pang naitakip niya ang kamay sa bibig.

"Huwat?! Ay naku 'te! Over na 'yang si pudang mo ah! Gora na! Mag-strike tayo sa front ng mansyon niyo." Umuusok ang ilong at nanlilisik ang mga matang sabi niya.

"Sa halip na manggalaiti ka d'yan Brando, tulungan mo na lang akong mag-isip ng magandang paraan para makawala sa plano ng tatay ko."

Pareho kaming nanahimik at nag-isip.

Nagulat pa kami nang biglang may nag-doorbell. Tumayo si Brandy para tingnan iyon.

"Sir Brando para po kay Ma'am Winter."

Naitampal ko sa noo ko ang palad ko nang marinig ko ang boses ng delivery boy ng flower shop na pag-aari namin ni Brandy.

Not again?!

"Salamat Enchong. Kamusta kayo ni Erich sa shop?"

I rolled my eyes. Talagang pinanindigan na ni Brandy ang binigay niyang palayaw sa mga empleyado namin.

"Okay naman po. Pogi pa rin po ako. Una na po ako boss." Pakikisakay naman ng delivery boy sa trip ng amo.

I heard Brandy dismiss 'Enchong'. Inabot niya sa akin ang isang malaking bouquet. "Pustahan tayo galing na naman 'yan kay oh-so-hot stalker mo."

Padaskol na kinuha ko 'yung card na kasama nung mga bulaklak at binasa.

My Winter,

I can run away with you if you want me to. I can save you from your current situation. Just say the right words honey.

Your Summer

Gusto kong masuka sa ka-corny-han niya.

Nagtititili naman ang nakasillip na si Brandy. Natanggal yata pati nananahimik kong earwax nang dahil sa tili niya.

"Patulan mo na 'yan 'te! Winner! Parang knight in shining armour lang ang peg."

Inirapan ko siya.

Si Helios, classmate ko since grade school, ang taong hindi nagsasawang kulitin ako, my oh-so-hot-stalker according to Brandy, my oh-so-infuriating-stalker para sa akin. Honestly, he is quite a looker. 'Yun nga lang hindi ko talaga siya gusto.

Ngayon ko lang hiniling na sana may boyfriend nalang ako. 'Yung pwede kong iharap sa tatay ko. 'Yung siguradong maiinis s'ya ng todo todo. 'Yung tipong kayang balewalain ang powerful presence ni ama at kaya akong ipaglaban.

Naiinis na pabagsak akong humiga sa sofa. Ugh! What will I do?!

"Eh kung kontratahin mo na lang si Helios 'te? Magpanggap lang kayo na mag-jowa. Sigurado ako go na go si pudra mo dahil good catch si fafa Helios."

Tiningnan ko ng masama si Brandy. Dagdag problema lang 'yun sigurado! Napakatuso nun ni Helios. Sigurado rin akong hindi siya papayag nang walang kapalit ang pagtulong niya. Baka mamaya hilingin pa niyang maging kami ng totoo eh 'di mas lalo akong napahamak. One more thing, I can't stand being with him. He's such an annoying guy.

Then a brilliant idea popped inside my head. I'm sure my father will be fuming mad.

"Brandy ayusan mo nga ako. Magbo-boy hunting tayo."

"Ay! Wagi 'yan 'te! Dapat kanina mo pa sinabi 'yan eh."

Napangisi ako.

I will look for a guy that my father will surely hate.

Unfaking Mr. Good Boy[SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon