2: Boy Hunting

498 26 20
                                    

WINTER

"BAKIT TAYO NAGPUNTA DITO?" Sabi ko kay Brandy habang nakatingin sa mga taong dumadaan.

"Eh 'di ba boylet hanap mo? Oh, ayan. Madaming boylet dito. Mamili ka nalang."

Nakamaang na muli kong inilibot ang tingin. Nasa university belt kami ngayon.

Pinalo ko siya sa braso. "Bakla ka. Hindi booking hanap ko. I need a grown up man who will be mature enough to accept my terms."

Nag-isip naman saglit si Brandy. "Mamaya na tayo maghanap bebe ko. May naisip na ako kung saan magandang maghanap pero mamaya pang gabi 'yon mag-o-open."

Pagkarating sa apartment compound ay nakasalubong namin ang landlord namin. Agad na namilipit sa kilig si Brandy. Palibhasa gwapo at maganda ang katawan ni Jet.

"Hi Jet!"

Natatawang tiningnan ko si Brandy. Hindi niya maharot si Jet kahit alam na ng lalaki ang tunay niyang katauhan. Palibhasa may mga kapitbahay kaming nasa labas ngayon na maaaring makakita sa kaya.

"Hi Brandy." Ubod ng tamis ang ngiting inakbayan ako ni Jet. "Hi my beautifully white Winter snow."

I rolled my eyes. Sanay na ako kay Jet. Sinasabi niya lagi na crush niya ako, parang teenager lang 'no? Pero kahit kailan ay hindi ko sineryoso, mukha rin kasing hindi siya seryoso sa tuwing sinasabi niya 'yun.

"Nasa bahay si Windy. Bili lang akong meryenda, pumasok na lang kayo sa bahay."

Nagpasalamat lang ako kay Jet sabay sugod sa bahay niya. What the f*ck is she doing here? Ugh! Please, not another bad news!

"Windy anong masamang balita ang nagdala sa'yo dito?" Nadatnan namin siya sa harap ng laptop ni Jet habang nanunuod ng kung ano roon.

"Mamaya na ate. I'll just finish watching my future husband's performance."

Napailing na lang ako. I really can't believe I have a sister like her!

Naramdaman kong kinukurot na ako ni Brandy habang nakatingin din sa screen ng laptop. Kilig na kilig ang bakla! Hindi lang siya makatili dahil kasama namin ngayon si Windy.

Napatingin na rin ako sa screen. A band is performing live. Hindi ako masyadong mahilig makinig ng music kaya wala akong ideya kung sino sila. In fairness, maganda ang boses ng vocalist nila.

"Ang gwapo talaga ng husband-to-be ko." Windy said. Hinaplos haplos pa niya ang screen habang naka-focus ang camera sa vocalist.

Napaismid ako. "Saan ang gwapo? Mukha ngang bakla 'yan oh. Ang lamya lamya, ang puti puti pa."

"Hindi kaya!" Sabay na sabi nina Brandy at Windy.

"Anong hindi? Baka nga talo pa kayo niyan sa kaartehan sa katawan."

Inirapan ako ng malditang kapatid ko. "May lahi kasi siyang chinese kaya siya maputi. Saka hindi siya malamya. Baka kapag nakita mo siya sa personal malaglag 'yang panty mo ate. Hindi ko 'yan pupulutin para sa'yo. Tse."

Wala na akong nagawa kundi makinood na rin lang. I must say the band does sound good. The vocalist looks so clean for a rock band. Mukhang boy next door lang. May taste din pala 'tong kapatid ko kahit papaano. Gwapo eh but I wouldn't admit that to her. Mas masarap siyang asarin eh.

"Magmeryenda muna kayo." Bungad ni Jet. May dala siyang softdrinks at tinapay.

Dumampot si Windy ng tinapay. Isusubo na sana niya iyon ng pigilan ko ang kamay niya.

"Ate!"

"Speak now. O baka gusto mong umuwi ng gutom?" Napangisi ako. Bukod sa mga crush niya, pagkain ang isa pang kahinaan ni Windy.

Unfaking Mr. Good Boy[SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon