7: Yes, 'tay

563 25 26
                                    

WINTER

"WALA AKONG ALAM DAD." Bored na bored na sagot ko sa tatay ko.

It's only six in the morning. Tinawagan niya ako at tinaranta. Emergency raw. Pagkarating ko naman dito sa bahay namin ay tulog pa s'ya. Pinagising ko pa s'ya sa mga maids. Si Windy pala ang dahilan ng pagkabalisa n'ya.

Well, that's a change. Tuya ko sa sarili ko. Ang alam ko kasi ay ako lagi ang problema n'ya.

"I'll try to find her. Just don't bother calling me, I'll be the one to call you." Geez! I feel like an employer interviewing an applicant.

Walang paalam na tumalikod na ako. Kagabi pa raw kasi hindi umuuwi ang kapatid ko. I feel worried but I know my sister. Mas matapang pa nga sa akin 'yun eh.

"Sige. Thanks Winter."

I just raised my hand while still walking towards the door. Nagulat man ako na nagpasalamat s'ya ay hindi ko na lang pinuna. Mahirap na, baka bawiin pa eh.

Sumakay na ako sa motorsiklo ko at isinuot ang helmet. Habang palabas ng subdivision ay nag-iisip na ako kung saan maaaring nagsuot ang kapatid ko.

Nagpa-ikot ikot ako sa loob ng subdivision nila. Sunod ko namang pinuntahan ay ang university na pinapasukan niya, I even saw one of her friends pero hindi raw pumasok si Windy. Now, I'm starting to feel worried. Nagpunta ako sa mga lugar na madalas niyang puntahan pero wala. I tried calling her pero hindi niya sinasagot.

It's almost lunch time and I still can't find her. Huminto muna ako sa isang community mall na nadaanan ko. I was about to enter the mall when someone grabbed my arm.

"What the hell are you trying to do? Gusto mo bang patayin ang sarili mo?!"

"Oh, hi! It's good to see you too Jackie." Todo ngiti pa ako. Trying my best on ignoring how handsome he looks even with knotted forehead. Bakit pakiramdam ko ay nawala bigla ang bigat sa dibdib ko dahil sa paghahanap sa kapatid ko? I'm still worried though.

Tinitigan niya ako. Wala pang ilang segundo ay nag-iwas na ako ng tingin. His piercing eyes are starting to make my heart beat a little wilder.

"Look at me lady. Gusto mo bang magpakamatay?!" Tumaas na ang tono ng boses niya.

Napamaang ako, ano bang sinasabi niya? Nang wala akong makuhang sagot ay tinitigan ko na lang ang mga kuko ko. "Gwapo nga may sayad naman yata." Bulong ko sa sarili ko.

"I heard you."

Paglingon ko sa kanya ay nakangiti na s'ya. May sayad nga yata talaga, kanina galit, ngayon naman pang-toothpaste commercial na 'yung ngiti.

"What?" Maang maangan ko na lang.

"Sabi mo gwapo ako."

I rolled my eyes. "Para namang wala pang nakapagsabi sa'yo kung gaano ka kaguwapo."

"Well, it's different since it came fr--"

Then my cellphone rang. Nice, a chance to get away from another embarassing situation because of this distractingly handsome man. Pagtingin ko sa screen ay ang tatay ko ang tumatawag. Natampal ko ang sarili kong noo, nakalimutan ko na s'yang tawagan!

Nagpasintabi ako kay Jackie bago ko sinagot ang tawag.

"Any news Winter?"

"Wala pa. Nagpunta na ako sa school pero hindi raw s'ya pumasok."

"Oh God! Saan kaya nagpunta ang kapatid mong 'yon? I'll call you again later. Don't forget to eat your lunch first."

Bago pa ako makasagot ay naputol na ang linya. I bet he is in the middle of a meeting again. Pero kahit ganoon ay hindi ko maitatanggi na dalawang beses na niya akong ginulat ngayong araw. Ang una ay nung magpasalamat siya sa akin kanina, ngayon naman ay dahil ipinaalala niya sa akin na mag-lunch muna ako. He is acting very weird today.

Unfaking Mr. Good Boy[SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon