8: Sino'ng Bakla?

520 17 13
                                    

WINTER

"WE'RE FINALLY HERE." Jackie announced.

Bumaba kami ng sasakyan. Nandito na kami ngayon sa labas ng apartment na tinitirhan ko. Pagkahatid kay Windy ay umalis na rin kami agad. Ayaw kong magkita pa kami ni papa. I just hope he won't scold my sister. Kaya pala siya hindi umuwi ay may ginawa silang school project at nabanggit n'ya rin iyon sa tatay namin. Malamang ay natabunan na naman sa utak ni papa na nagpaalam sa kanya ang kapatid ko. He always forgets things like this. Hindi s'ya pumasok sa school ngayon dahil wala naman pala s'yang pasok.

She also admitted missing me and our mother. Inasar pa nga kami ni Jackie na bawal mag-iyakan sa kotse niya. Yes, sa kotse niya kami sumakay pauwi. Nakasunod pala sa amin 'yung tinawagan niyang driver noong nasa parking lot kami. Wala akong nagawa kundi sumunod kay Jackie. Ang driver niya ang nagdala ng motor ko.

"Kuya Jay mag-taxi ka nalang. Iwan mo na 'yung kotse." Sabi ni Jackie sa driver niya bago ito abutan ng pera.

Patagong ngumiti ako. He seemed like he really care about his driver. Kanina nga nagpaalam pa siya kay Kuya Jay kung okay lang dito na ito ang magdala ng motorbike ko. His driver looked thrilled actually. Bakit nga naman hindi eh ang ganda kaya ng motor ko!

"Hey. Bakit ngumingiti kang mag-isa d'yan?"

Muntik na akong mapatalon sa gulat nang bigla akong akbayan ni Jackie.

"Hindi ba ako allowed na akbayan ang girlfriend ko?" He frowned.

Nag-iwas agad ako ng tingin. I never thought this would feel so awkward. Masyadong malapit ang mukha niya sa mukha ko. His scent is enough to distract the hell out of my brain.

"So, sinabi at inisip mo talaga na bakla ako?" Inalis niya ang kamay sa balikat ko at hinapit ako sa baywang palapit sa kanya.

Lumingon lingon ako. Halos lahat ng kapitbahay ko ay nakatingin sa amin ni Jackie.

Tiningnan ko siya ng masama. "Tsansing na 'yan kuya."

"Bakit iniiba mo ang usapan? Kung iniisip mong bakla ako eh 'di dapat wala lang sa'yo 'tong mga ginagawa ko."

"Iba ka tingnan sa loob ng monitor ng computer at iba ka sa personal. Satisfied?" Tinaasan ko siya ng isang kilay at pasimpleng tinanggal ang kamay niya sa baywang ko.

Pero sa halip na bitawan ako ay hindi niya pinakawalan ang kamay ko. He even intertwined his fingers with mine. Pagtingin ko sa kanya ay ngumisi lang siya.

"Ano ba'ng hitsura ko sa screen?"

Biglang sumulpot sa utak ko 'yung pinapanood ni Windy na video dati. Napalunok ako bigla. Come to think of it wala akong maisip na dahilan kung bakit ko sinabi kay Windy na mukhang bakla si Jackie doon bukod sa gusto ko lang inisin ang kapatid ko.

Tumingala ako at ang guwapong mukha ni Jackie ang sumalubong sa akin. Lalo tuloy akong walang maisagot. There's just nothing gay in him! He looked boyishly handsome in the video but now, his looks are more on the rugged side.

"Hindi ka na nakasagot."

At sa tingin ko ay hindi ko kayang sumagot. Ugh! Diyata't kasing kulit ni Windy ang crush niya.

Please, someone distract Jackie!

"Snow! May ipinapabigay si Brandy sa'yo." Sabay pa kaming napalingon ni Jackie kay Jet na kalalabas lang ng bahay niya. "Ay, sorry. May kasama ka pala."

"Okay lang Jet." Pigil ko sa kanya. Ang lakas ko talaga kay Batman, dumating agad ang 'distraction'. "Jet si Jackie. Jackie si Jet. Ano 'yung ipinapabigay ni Brandy?"

Unfaking Mr. Good Boy[SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon