6: It's a Yes

533 20 26
                                    

WINTER

SPELL BADTRIP? W-I-N-T-E-R.

Bakit? Parang walang mangyayari sa pangungumbinsi ko kay Jackie. Ngayon na ang pangalawang araw at wala pa rin akong naiisip na rason. Nasayang lang 'yung isang araw ko kahapon. Aaminin ko na nag-enjoy ako sa pagsama sa kanya. Makukulit 'yung mga kaibigan niya eh. Pakiramdam ko nga close na ako kaagad sa kanila. Ako na feeling close.

"Winter! Nandito na ang prinsipe mo." Namimilipit sa kilig na sumilip sa pinto ng kwarto ko si Brandy.

"Bakla lagot ka sa sisteret mo. Knowing ba n'ya na inahas mo ang soon-to-be jowa n'ya?" Tanong ni Brandy habang pababa kami ng hagdan.

"Ano? May boyfriend na si Windy?" Masyado pa rin akong abala sa pag-iisip ng isang magandang rason para mapapayag si Jackie. Ayaw tuloy ma-process ng maayos sa utak ko ang gay lingo ni Brandy.

"Ay waley 'te! Basta kapag nag appear na kayo in front of your pudra be ready na makatay ng sisteret mo."

Ha? Ano raw? Bakit naman ako kakatayin ni Windy? Minsan talaga mahirap sakyan ang takbo ng utak ni Brandy eh.

Katulad kahapon ay hindi kami nagtagal sa bahay. Nagpaalam kami agad kay Brandy dahil mahuhuli na raw kami sa video shoot. May mga kailangan pa raw kasi kaming daanan. Tulad nalang ng fan nila na si Jackna nakilala namiin sa isang fast food chain.

Habang nasa byahe ay wala kami halos imikan. Jackie seemed to be bothered by something. Ibinaling ko nalang ang atensyon sa dinaraanan namin.

"Anong araw ngayon?" Bigla niyang tanong matapos ang mahabang katahimikan.

Gulat na hindi ako nakasagot kaagad.

"Anong araw ngayon?" Ulit niya.

"U-uh. W-wednesday?"

"Thanks." Jackie glanced at me and smiled.

And I suddenly wished for world peace. Bakit ba kasi ang lakas makahawa ng ngiti niya?

"Aia?"

Napalingon ulit ako kay Jackie. Nakasuot na siya ng headset. Mukhang may kausap s'ya sa phone. Pinilit kong ibaling ulit ang atensyon sa daan pero hindi ko magawa. Nakinig ako kahit ang mga sinasabi lang ni Jackie ang naririnig ko.

"Whoa. Parang na-miss mo ako ng sobra ah?"

Napaismid ako. Binabawi ko na ang wish kong world peace! Halatang kinikilig ang hudyo sa kung sino mang kausap niya.

"Alam kong coding ang sasakyan mo. Gusto mo bang sunduin kita?"

Dapat pala maling araw ang ibinigay ko sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit pero naiinis ako. Pinisil pisil ko ang sarili kong mga daliri, doon ko ibinuhos ang pagkainis ko. Mannerism ko 'to kapag naiinis o nagagalit.

"Sige. Ingat ka."

I tried so hard to supress myself from making any bad facial expression. Mahirap na. Baka mamaya kung ano pang isipin ni Jackie.

MULA SA MALAYO AY PINAGMAMASDAN KO SI JACKIE. Madalas na nakatingin siya sa babaeng 'Aia' raw ang pangalan, ayon kay Jack. A temporary member of Jackie's band. Muntik na raw kasing maaksidente si Aia, in an attempt to save her Jackie got himself injured. Tingin ko ay siya rin 'yung pinag-uusapan nina Jackie kahapon.

Lalo tuloy nagpuyos ang kalooban ko. Parang gusto kong awayin si Jackie. Pero for what reason?

Only one reasonable answer keeps on popping inside my head. Pero ayoko nang sagot na 'yon. It will lead me to trouble. Ibinaling ko nalang ang pansin ko kay Jack, na hindi na yata tumigil sa kadadaldal simula nang dumating kami dito. He is indeed a super fan if this band. Lahat na yata ng trivia ay alam n'ya.

Unfaking Mr. Good Boy[SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon