5: Unang Araw

458 20 30
                                    

WINTER

MAAGA AKONG BUMANGON. Sabi sa akin ni Jackie ay susunduin niya ako at exactly eight in the morning. May rehearsal raw kasi sila ng banda niya at gaya ng napagkasunduan ay isasama niya ako.

Sa totoo lang ay wala pa akong matinong plano. Hindi ko alam kung paano ko siya makukumbinsi na sumang-ayon sa gusto ko.

Bahala na si Batman!

Naligo na ako. I slipped myself into my usual clothes. Simple shirt and jeans. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Parang nagsisisi tuloy ako kung bakit hindi ako naging katulad ng ibang mga babae. I'm not girly. Nagiging babae lang ako kapag inaayusan ako ni Brandy. Tough luck, hindi umuwi ang bestfriend ko kagabi.

Teka nga lang. Ganun na ba ako kadesperado na makuha si Jackie at pati ang sarili ko eh willing akong baguhin? Natigilan ako. Hindi kaya crush ko na 'yung mukhang intsik na 'yun?

Wow, Winter! Teenager lang? Crush talaga?! Parang gusto ko tuloy batukan ang sarili ko. Mukha akong tanga.

Noon ko narinig ang katok sa pinto. Nagmamadaling bumaba na ako. I combed my still dripping wet hair with my hands.

Parang teenager lang talaga Winter ah? First date mo 'te? Natatawang tuya ko sa sarili.

I opened the door.

Jackie immediately took my breath away. Medyo mamulamula ang pisngi niya dahil siguro sa init sa labas. Still gorgeously unshaven. He's just wearing a simple black v-neck shirt and faded jeans. Nakita ko na pasimple niya rin akong pinasadahan ng tingin. Oh, how I wished I wore something nicer.

Dati ang tingin ko sa lahat ng mapuputi eh bakla. Ngayon, parang may una na akong exception to the rule. I sighed. Mukhang kailangan ko nang masanay na laging kinukulang sa hangin kung si Jackie ang magiging 'boyfriend' ko.

"Maganda sanang ideya ‘tong ginagawa nating titigan, I’m really loving this. Kaya lang kailangan na nating umalis. Baka mahuli ako sa rehearsal."

Lalo akong napatulala sa kanya nang mapansin kong ang ganda ng ngiti niya habang nakatitig sa akin. His eyes are full of admiration.

Huwag mong sabihing nagagandahan siya sa akin? Imposible!

Nagulat pa ako nang ikaway kaway ni Jackie ang isang kamay sa tapat ng mukha ko.

"Gising ka na ba Winter? Pwede namang bumalik ka na muna sa pagtulog. Anong oras na rin kasi kita naihatid kagabi eh." Nag-aalala niyang sabi.

"Hindi. Okay lang ako. Tara na." Lalabas na sana ako nang pigilan niya ako sa braso.

And there goes that feeling again. May lahing live wire yata 'tong lalaking 'to. May mumunting boltahe ng kuryenteng dumaloy mula sa paglapat ng balat niya sa balat ko.

"Wala kang dalang bag?" Amused na nginitian niya akong lalo.

How stupid Winter! Nakakita ka lang ng gwapo nagiging palpak ka na?

Hindi nalang ako sumagot. Niyaya ko nalang siyang pumasok muna pero tumanggi siya. Nagmamadali na raw talaga kami. Pumasok ako sa bahay at kinuha ang bag ko sa loob ng kwarto. Paglabas ko ay siya namang pagdating ni Brandy. Nanlalaki ang mga mata niya habang palapit sa akin.

"Bebe ko! Anong ginagawa ng asawa ko sa labas?" Pabulong pero kilig na kilig na kinurot pa niya ako sa tagiliran.

"Sinong asawa?"

"Ay shunga! Nalunok mo na utak mo 'te? Ang aking chinito prince! Sinusundo na niya ako."

Pasimpleng binatukan ko siya. "Akin 'yan bakla! Halika, ipapakilala kita. Nagmamadali na rin kami eh."

Unfaking Mr. Good Boy[SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon