4: One Reason

489 24 17
                                    

WINTER

NAPAPANGITING BINASA KO ANG CALLING CARD NA IBINIGAY SA AKIN NI MR. BAD BOY. Jack Jack Lee Jr., Vocalist/Guitarist, Rocket Launcher. Maingat na itinabi ko iyon sa bag ko. Mahirap na baka may makapulot pang iba eh maunahan pa ako.

Bumalik na ako sa table namin ni Brandy. Pagkakita sa akin ng bestfriend ko eh bigla siyang tumayo at sinalubong ako.

"Bebe ko una na ako. May emergency raw sa bahay." Hinalikan niya ako sa pisngi.

"Gusto mo samahan kita?" Nag-alala ako bigla. Malapit rin kasi ako sa pamilya niya.

"Hindi na. I want you to enjoy the night. I'll see you later or kung hindi man ako makauwi eh tomorrow. Mag-taxi ka pauwi ha, baka gumana na naman pagiging kuripot mo. Don't forget to lock the doors. Dala ko naman ang mga susi ko."

Natawa ako. "Minsan lumalabas rin 'yung pagiging lalaki mo eh. Thanks 'tay."

"Yuck! Kadiri ka. Call me mother kung gusto mo." Natatawang bulong niya sa akin pagkatapos ay umalis na siya.

Bagsak ang balikat na naupo ako ulit. Paano kaya ako mag-eenjoy nito kung wala na akong kasama?

"Looks like we are both ditched by our dates."

Napatingala ako. Parang nakarinig ako ng mga anghel na nag-aawitan dahil biglang nasa harap ko na ulit si Mr. Bad boy.

"Hi Jack Jack." Halos mapunit ang pisngi ko sa lawak ng ngiti ko.

"Just call me Jackie. Ikaw? What's your name?" Naupo siya sa tapat ko.

"Winter. Nice meeting you." Iniabot ko ang palad ko sa kanya na tinanggap niya naman agad. "You have a very weird nickname."

"It's a long story. Next time ko na lang ikwe-kwento."

I smiled. Ibig sabihin may next time pa eh.

"Nasaan na 'yung kasama mo?"

"Bakit ka iniwan nung ka-date mo?"

Natawa kami nang sabay pa kaming nagtanong.

"Ladies first. Bakit ka iniwan ng ka-date mo?"

"Unang una, hindi ko siya date. Tingin mo tatanungin kita kanina ng ganung tanong kung may ka-date na ako?"

Nagkibit lang siya ng balikat as he leans back on his seat. His eyes never leaving mine.

"Second, and to answer your question. May emergency sa kanila kaya umalis na siya." Kahit kailan ay hindi ako naging fan ng mga chinito pero habang tumatagal ang paghara ng lalaking ito sa unahan ko eh nagsisimula ko nang magustuhan ang mga mata niya. They were almost in slits as he silently watched me. "Ikaw? Nasaan na 'yung kasama mo?"

He sighed. "This is not the right place to talk about that. Wanna go some place else?"

Tinitigan ko siya. Parang hindi maganda ang dating ng sinabi niya ah.

"What?" Natatawang tanong pa niya nang mapatagal ang pagninilay nilay ko. "Ngayon ka pa nagdadalawang isip na sumama sa akin pagkatapos mo akong ligawan kanina?"

Natawa na rin ako. Oo nga naman.

"Well, I've had my shares of problems this week at ayokong bigla na lang mababasa ng pamilya ko sa headline ng dyaryo ang pangalan ko." Tumikhim ako at pinalaki ang boses nang nagsalita ulit. "Isang babae patay matapos sumama sa isang 'di kilalang lalaki."

Lalo siyang natawa. I just watched him as his eyes turned into slits again as he is laughing his heart out. Ngayon ko lang nalaman na masarap palang manood ng isang lalaking tumatawa.

Unfaking Mr. Good Boy[SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon