Chapter 3

23 2 0
                                    

August , 2011

"2nd year College , Mass Communication Student. Rubicon Northon , 19 year old."

"Yiehhh pwede ko din ba makuha ang no. nya ?" Tanong ng makulit na babae kay Karl.

"Ay 'di ka naman r- reply- an nyan ni Northon." Sabi nya sa babae.

"Ayos lang po---"

"Loza! Tara na!" Tawag ko kay Karl.

"Ay sige Miss , tsaka mo na lang kunin no. ni Rubicon." Sabi ni Karl at nilayasan na ang babae.

"Hoy! Northon ah! Laki na ng utang mo samin." Natawang sabi ni Lex.

"Bat naman?" Sabi ko sa kanila , habang nag d- driball ng bola.

"Ang dami daming nagtatanong ng information tungkol sayo!" Sigaw nilang lahat sakin. Siraulo din tong mga 'to eh. Eh kung hindi kaya nila pinag iimik yung mga babae na yon 'edi sana wala silang reklamo sakin.

"Wag nyo na lang sagutin , para 'di kayo nag rereklamo sakin!" Pasigaw ko 'din sabi at nag 3 point shoot. Shoot naman sya hahaha baka pag di nag Shoot mawala yung angas ehehehe.

"Grabe! Iba ka talaga Northon!" Sabi nila at isa isa nila kong pinag dadamba. Natawa na lang ako tinulak tulak sila.

Pffffftttt !!

Pito yon ni Coach kaya dali dali kaming humarap sa pinanggalingan non.

"ANG SABI KO MAG PRACTICE ! HINDI MAG HARUTAN!PARA KAYONG MGA BABAE AH!?" sigaw ni Coach samin kaya napa yuko kaming lahat. Pahamak 'tong mga 'to eh. Nag p- practice naman talaga ako eh! Nagka taon lang na nag ligalig 'tong mga Tukmol na 'to. May nag hagikgikan naman sa likod ni Coach. Nilinga ko ang ulo ko para matignan ang tumatawa samin.

Dalawang babae na hanggang balikat ang buhok at mga chinita, Parang may mga lahing Chinese. Yung isa matangkad , samantalang yung isa naman parang Elemtary sa liit. Natawa ako ng bahagya doon.

Nag salubong ang mata namin ng matangkad na babae. Naningkit lalo ang may pag ka chinita nitong mata habang naka tingin sakin. Agad akong umiwas ng tingin. Baka isipin non interesado ako , ganyan pa naman mga kababaihan ngayon tsk tsk.

"Oo nga pala! May papakilala ako sa inyo." Sinenyasan ni Coach na lumapit yung dalawang babae. Tumabi naman sila kay Coach. May bitbit 'tong dalawang babae na mga folder. Inabot ng maliit na babae yung folder na hawak nya kay Coach. "Papakilala ko sa inyo ang Student Assistant ko. Si Marianne, " turo nya sa maliit na babae.

 Si Marianne, " turo nya sa maliit na babae

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
RubiconTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon