Chapter 6

40 3 0
                                    

"Aba Northon? Ang aga natin ah?" Si Adrian.

Kararating nya lang , samantalang ako kanina pa ako dito. Maaga ako pumasok , dahil tuwing papasok ako dati andito na agad si Marianne at Ellejay. Gusto ko syang makita na paparating ..

"Maaga nagising eh.." Sabi ko at ngumiti sa kanya.

Tinignan ako ni Adrian na para akong isang himala , tsaka ngumiti ng nakakaloko at nag slow clap. "Ganyan!" Sabi nya at tumuro sakin. Natawa naman ako sa kanya. Praning talaga. "Ganyang itsura ng mga may Jowa na! Hahaha" sabi nya na tuwang tuwa. Siraulo talaga!

"Gago! 'mana himik ka!" Sabi ko na natatawa.

Nanlaki naman ang mata nya at lumapit sakin. "So meron?" Nanlalaki'ng mata nyang tanong.

"Tangina ka! Wala!" Sigaw ko sa kanya ng natatawa parin.

"Anong nangyayare dito?"

Si Nolan na kakarating lang. Sinalubong agad 'to ni Adrian at inakabayan.

"Bro! Binata na si Northon! May Jowa na! Hahaha" tuwang tuwang kwento nya kay Nolan. Siraulo talaga 'tong si Adrian. Alangan! Binata na ako! Tingin nya sakin Bata!?

Napa iling iling na lang na lang si Nolan at natawa dahil kay Adrian. Lumapit sakin si Nolan at tinapik ako sa balikat.

"Congrats Bro. Binata kana nga hehehe." Simple nyang sabi , tsaka ako nginisihan. Isa 'din 'tong siraulo eh!

Kaya pagdating lahat ng Teammates ko , agad kinuwento ni Adrian na may Jowa na daw ako. Kaya ang mga Tukmol kong Teammates , ito kanina pa ako ginugulo. Lahat sila siraulo!

Pero lahat 'din sila nagdatingan na. Wala padin sila Marianne at Ellejay. Tsk! Baka 'di sya pumunta a!? Gumising pa ako ng maaga para lang sa kanya a!?

Nag sipag ayos na kami dahil andyan na si Coach. Tsk! Bat kaya hindi rin hinahanap ng mga Tukmol kong Ka Teammates sila Ellejay?! Kanina pa nangangati yung dila ko na magtanong kaso baka kung anong isipin nila at alam ko na pag nagtanong ako , makakarating yon sa kanila.

"Oh! Wala tayong Practice ngayon diba? Kasi gagamitin 'tong Gym. Pero mag m- meeting tayo saglit." Sabi ni Coach. Walang Practice!?

Bat parang ako lang walang alam? Kinalabit ako ni Nolan. Tinignan nya ako na tipong nagsasabi na 'di mo alam?'

"Gago kayo! 'Di nyo ba sinali si Northon sa GC?" Bulong ni Nolan sa katabi nyang si Karl.

"Huy! Sinali ko yan. Ako panga nag Add sa kanya 'don eh." Depensang sabi ni Karl.

RubiconTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon