Chapter 5

19 2 0
                                    

"Northon! Tara na! Kain na tayoooo!!" 'yaya ni Air sakin. Kanina nya pa ako niyaya na kumain , dahil wala syang kasabay. Lahat kasi ng Teammates ko may Klase pa at kami lang dalawa ang Vacant kaya andito kami sa Gym. Ako nag p- practice syempre , samantalang 'tong si Air , pagkain na agad ang mukang bibig mula ng dumating dito sa Gym.

"I'm not hungry." Simple kong sabi at uminom ng tubig. Pawis na pawis na ako dahil kanina pa ako nag P- Practice.

Bumusangot lang si Air at pumadyak padyak ng Paa. "'Di ka naman kakain e! Ako lang Bro! Samahan mo lang ako!"

"Bat ba 'di ka makakain mag isa!" Inis kong tono. Pero natatawa talaga ko. Dinaig pa babae sa pag t- tantrums eh.

"Bro! Kaya nga 'di ako kumakain ng walang kasama diba. Kasi laging andon sa Canteen yung Scary kong Stalker!" Kinikilabutan nyang sabi. Muntik ko tuloy mabuga yung iniinom ko dahil natawa ko sa reaksyon nya.

"Hoy Air!"

Napatingin ako sa babaeng sinigaw ang Name ni Air. Tsk si Marianne .
'tong babae na 'to , ang liit liit ang lakas ng boses at sobrang siga.

Tumakbo naman si Air na tipong parang hulog ng Langit si Marianne , dahil naka amba sya na yayakapin si Marianne.

"Subukan mo lang dumikit sakin! Sasapakin kita!" Sabi ni Marianne na masama'ng naka tingin sa papalapit sa kanya na si Air. "Bayaran mo na bente na utang mo! Tangna ka! Wala kong pang Lunch."

"Sakto!" Sabi ni Air na naka ngiti ng malaki. "Doblehin ko pa utang ko sayo at treat pa kita!Samaham mo lang ako kumain." Pagmamakaawa ni Air kay Marianne. Hinawakan 'pa nito ang kamay at nag Puppy eyes. Kadiri!

"Bakit ba ha!? 'Di kaba makakain ng walang kasama at handa kapang mag bayad para lang samahan ka!?" Inis na tono ni Marianne. Pero sa expression ng face nya halata na nagtataka.

"Gagahasain ako pag kumain ako sa Canteen ng ako lang mag isa!" Naka busangot na sabi ni Air. Parang sobra naman yung gagahasain.

"Ayy? Sobrang Gwapo mo naman non ah!?" Mataray na sabi ni Marianne. Napatingin naman sya sa banda ko. Agad akong umiwas at nilagay na yung tubig sa bag ko.

"Oh? Andyan naman si Tisoy--" Nakakainis na yung kaka Tisoy nila! "--- pasama kana lang dyan. Ayoko ma issue! Tayo lang dalawa eh!" Sabi ni Marianne.

RubiconTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon