Chapter 7

14 0 0
                                    

"Rubicon, kahapon pa balik balik dito ang mga Kaibigan mo. Sinasabi ko na lamang na nasa Trabaho ka." Ani ni Nanay Tising.

Hindi pa ako nagpapakita kila Miko at Marianne mula ng umalis ako sa Reunion Party namin. Hindi ko alam kung anong mukhang ihaharap ko sa kanila pagkatapos ng nangyari.

Nawala ako sa tamang pag iisip. Nadala ako ng emosyon kong matagal kong kinikimkim.

Hanggang ngayon hindi padin ako makapaniwala. Hindi ko matanggap lahat ng nangyari. Hanggang ngayon tingin ko trinaydor ako ng lahat. Hanggang ngayon hindi padin ako nakakalimot.

Hindi ko alam kung bakit silang lahat ay nakalimot na, naka ahon na. Samantalang ako hanggang ngayon hindi parin at lubog na lubog padin.

Napahilamos na lang ako ng mukha ko. Ang sakit sakit ng ulo ko dahil sa pag inom ko kagabi. Hindi. Halos araw araw akong nainom.

Pero tangina! Yung sakit hindi mawala wala.

Napabalikwas ako ng bangon ng biglang bumukas ng pagkalakas lakas ang pinto ng kwarto ko.

Si Marianne na galit na galit na nakatingin at lumalapit sakin ngayon.

Pak!

Isang sampal ang inabot ko sa kaniya.

Napalunok lang ako at nakatagilid ang ulo dahil sa pagkaka sampal niya.

Galit na galit siya. Hindi ko siya masisi kung sasampalin niya ako ng paulit ulit.

Yung sampal niya halos wala akong naramdamang sakit. Manhid na ata buong pagkatao ko.

"YANG SAMPAL NA YAN PARA MAGISING KA NA!" sigaw niya ng ubod ng lakas.

"Rubicon naman! Kalimutan mo na siya! Parang awa mo na!"

Napatingin ako sa kaniya. Maluha luha na siya at puno ng awang naka tingin sakin.

Bakit ang daling sabihin para sa kanila na kalimutan ko na siya. Bakit ang daling sabihin para sa kanila na tama na.

Tangina! Ang sakit sakit! Gustong gusto ko naman makalimot! Gustong gusto ko! Kaso hindi ko kaya! Gigising ako na siya ang naaalala ko. Lahat ng gawin ko siya ang naaalala ko. matutulog ako at hanggang panaginip ko andon pa rin siya.

Putangina! Mahal na mahal ko kasi eh! Na hanggang ngayon hindi ko matanggap yung nangyari samin.

"Nakalimutan ko na siya. Don't worry about me. Nakainom lang talaga ako." Simple kong sinabi sa kaniya at hinilot ang sentido ko.

Sa lahat ang ayaw na ayaw kong makakakitang nasasaktan na naman ako ay si Marianne. Tama na yung noon na halos dala dala niya din lahat ng sakit ng nararamdaman ko.

"For christ sake! Wag mo ko lokohin Northon! Sige nga? Bigyan mo ko ng matinong sagot bakit mo sinapak si Carlos huh?"

Napahilamos ulit ako ng mukha ko.

"Ano? Hindi ka makasagot?"

Umupo siya sa paanan ng Kama at inabot ang kamay ko.

"Rubicon, tama na. Sinasaktan mo lang yung sarili mo. Maawa ka naman." Halos nagmamakaawa niyang sabi sa akin.

Hinigit ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at niyakap siya. Parati ko na lang nasasaktan ang babaeng ito.

"Ayos lang ako. Hayaan mo hindi ko na ulit gagawin yon. Nakainom lang ako kaya ko nasapak bigla si Carlos." Bulong ko sa kaniya ng mahinahon.

Narinig ko naman siya na suminghap. Agad kong tinanggal ang pagkakayakap ko at sinilip si Marianne. Naiyak.

"Bat ka umiiyak?" Natatawa kong tanong sa kaniya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RubiconTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon