Chapter 4

11 2 0
                                    

"Nanay tising! Pasok na po ako!" Sigaw ko at nag mamadaling kunin ang gamit ko. Shit! Bat naman kasi ako tinanghali ng gising eh!

"Hijo! Mag almusal 'ka muna!" Rinig kong sigaw ni 'Nay tising mula sa Kusina.

"'Di na 'Nay! Late na po ako eh!" Sabi ko at lumabas na at agad na , at pumunta sa Kotse ko at mabilis na pinaandar.

Pffttt!

Pito 'pa lang ni Coach ay rinig ko na mula sa labas ng Gym , at ito ako nanakbo papunta don. Inayos ko muna ang sintas ng sapatos ko bago pumasok , kaya huminto muna ako. Pero habang inaayos ko ang sintas ko may tumama sa ulo ko. Ang sakit!

"Aray!" Inis kong sabi at tumingin sa kung sino man ang tumama sakin o ano.

"Hala! Sorry Kuya!" Sabi ng isang babae na nasa harap ko. Naka Ponytail ang mahaba nitong buhok at naka salamin sya. Ngumiti na lang ako ng pilit at sinenyasan sya na okay lang. Pero 'di talaga ako okay. Ang sakit kaya!

"Sorry talaga ah.. " sabi nya na pa. Nginitian ko na lang ulit sya at tinanguan. Tumayo na ako. "Sige!" Sabi nya at tumakbo na papuntang Gym? Oo gym.

Pag pasok ko palang nakita ko na ang mga Teammates ko na nag P-Push ups. Shit! For sure ako din. Napa lingon naman ako sa gilid at nakita ko 'don yung babaeng naka bunggo ko , kausap nya si Ellejay at Marianne? Tsk Tropa nya pala.

"NORTHON!" Sigaw ni Coach, kaya biglang napatingin sa side ko si Ellejay , Marianne at yung babae. Saglit kaming nag katitigan ni Ellejay , bago ko nilingon si Coach at patakbong lumapit sa kanya.
"You're late!" Sigaw sakin ni Coach. Tsk alam nya na palang late ako kailangan pang sabihin. Nasabi ko na lang sa sarili ko.

"50 Laps! Now!" Galit na sabi ni Coach. Magrereklamo sana ko , kaso mukang G na G si Coach kaya wag na lang. Baka dagdagan nya pa.

Agad akong nag Push Ups. Tumabi ako kay Nolan na bagong pasok lang. 'Tong mokong na'to bihira lang talaga um-attend ng Practice eh.

"Hoy bat ngayon ka lang?" Tanong ni Nolan.

"Eh ikaw bat ngayon ka lang nag Practice?" Sarcastic kong sabi sa kanya.

"Gago ka!" Sabi nya at sinamaan ako ng tingin. Matawa na lang ako at natawa din sya.

"SABI KO MAG PRACTICE! HINDI MAG CHISMISAN!" Sigaw ni Coach. Kaya dali dali kami na nag focus sa pag P- Push Ups. "Oo nga pala! Sila Marianne at Ellejay muna ang titingin sa inyo. May meeting kaming mga Coach. Mag Practice kayo ah!" Sabi ni Coach. Sabay sabay naman kami na tumayo at sumaludo na parang sundalo , sabay sabing "AYE, AYE , COACH!"

Lumapit si Coach 'dun kila Ellejay at may mukang sinabi lang at umalis na. Lumapit naman samin si Marianne , tsaka yung babaeng naka bangga ko. Samantalang si Ellejay naman mukang may tinataguan samin, dahil naka tago sya sa likod nung naka bangga ko.

"Sales!?" Biglang sabi ni Carl dun sa nakabangga ko. Kaya yung iba ko pang Teammates napatingin nadin.

"Hala! Oo nga. Musta na Sales?" Sabi din ni Adrian at inakbayan pa yung naka bangga ko na ang Pangalan? Ay sales?

"Sales ka ng Sales! Rosemarie kasi!" Reklamo naman ng Sales na sabi nya Rosemarie daw. Hirap mag explain!

"Hate na hate lang ang Surname?" Sabat naman ni Lex.

"Hoy Playboy! Manahimik ah!" Sigaw ng si Rosemarie pala kay Lex at dinuro duro pa ito.

Natawa na lang ang lahat dahil biglang bumusangot ang mukha ni Lex.

"Di na ako Playboy!" Sabi ni Lex.

"Hahaha wala na kasi ang Panget mo na." Asar ng Rosemarie.

"Bakit ? Maganda ka?!" Sabi naman ni Lex at nilapitan na si Rosemarie.

"Ganda ko! Angal!?" Sabi nito sa mismong mukha ni Lex. Natahimik lang si Lex at medyo gulat.

"Yiehhh. Still? Affected parin talaga 'to si Lex kay Rosemarie pag lumalapit na hahaha." Sabi ni Jimwel.

"H-Hindi ah!" Reklamo ni Lex at umiwas ng tingin. Tsk mukang may Past yung dalawa.

"Kasama mo pala Pamangkin mo." Biglang sabat ni Nolan. Naka tingin sya ngayon sa babaeng nasa likod ni Rosemarie. Si Ellejay.

"Lah ? Pamangkin? Sino? si Ellejay? Sya ba yung pamangkin mo na nag bibigay ng Love Letter kay Nolan ng High School tayo?" Sabi ni Karl na medyo gulat. Ngumisi lang si Nolan na parang nag sasabi ng 'Oo'. Samatalang si Ellejay naman ay napatakip na lang ng muka.

Hah! Love Letter!? Corny!

"Hala totoo ba?" Sabi naman Jimwel.

"M-Mag P-Practice na nga kayo!" Biglang sigaw ni Ellejay at tumalikod na sa amin at umupo na ulit sa Bleachers. Pero dahil dakilang mga Chismoso ang mga ka Teammatamates ko ay sinundan nila si Ellejay. Samantalang yung Tita nya ata na si Rosemarie (na mas matangkad pa si Ellejay) at Marianne ay natawa lang. Si Nolan naman ay lumapit banda sakin para kunin ang Bola.

"M-Magkakilala kayong lahat no?" Sarcastic kong tanong kay Nolan.

"Yup! Di ka kasi dito nag High School kaya..." tumingin sya sakin bago nya diniriball ang bola at nag shoot ng bola. "...ganyan wala kang alam.." Sabi nya at tumingin sakin ng naka ngisi at pumunta na sa Teammates ko na mukang ini- interview si Ellejay. Tsk! Edi ako na walang alam! As if i care!

"Hoy! Tama na nga yan kaka tanong nyo!" Sigaw ni Marianne na natatawa sa mga Ka Teammates ko. "Pag di kayo tumigil pa susumbong ko kayo kay Coach."

"KJ naman nito! Alam mo ba sobrang misteryoso samin kung ano itsura ng Admirer na Pamangkin ni Sales!" Sabi ni Karl.

"Pake ko!?" Pang asar naman na sabi ni Marianne.

Sumimangot naman si Karl."Ang taray mo naman!"

"Hah! Talaga!" Mayabang na sabi ni Marianne.

Yabang nito! Ang liit liit nya naman tao!

"Hoy! Sige na daw! Mag Practice na kayo! Baka silaban kayo ng Apoy nyan ni Ellejay!" Turo ni Rosemarie kay Ellejay na naka upo padin at masama na naka tingin sa mga ka Teammates ko. ".. At uuwi na ako!Hahaha! May kinuha lang talaga! Bye Guys!" Masiglang sabi ni Rosemarie at nag beso beso na kay Ellejay na naka simangot padin at Marianne.

"Bye bye! Sales! Pasabi na lang sa iba natin na Classmates ng High School na Reunion naman tayo!" Sabi ni Jimwel.

"O sige!" Sabi ni Rosemarie at tumingin .. Sakin!?

"Bye Tisoy! Sorry kanina ah!" Sabi nya sakin at ano daw tawag nya sakin!? Tisoy!? Ang panget ah!

Di na naman ako naka react dahil na nanakbo na'to palabas ng Gym na akala mo may humahabol sa sobrang bilis tumakbo.  Tsk !

RubiconTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon