Chapter 2

32 2 0
                                    

(Rubicon)

-

--
"Rubicon naman! Ba't di ka sasama!? Nasabi ko na kila Charlene na naka uwi kana! Kaya sinabi ko na sasama ka!" Naka tayong sigaw sakin ni Miko.Nasa harap ko sya habang naka hawak ang dalawang kamay sa bewang. Habang ako naman ay naka 'di kwatrong naka upo sa sofa at tamad na hawak ang remote at pinaiikot ikot.

"M- May appointment nga ako!" Sabi ko sa kanya at iniwas ang tingin.

"Appointment mo muka mo! Hoy! Kilala na kita mula dulo ng hibla ng buhok mo , hanggang dulo ng kuko mo sa Paa!" Sigaw nya sakin ulit. Galit na galit talaga sya na 'di ako pupunta. Nilapag ko ang remote sa lamesa at tumayo na.

"Busy ako sa araw na yon." Simple kong sabi sa kanya at tinalikuran sya.

"Tsk! Bitter ang Puta!" Inis nyang bulong. Agad akong humarap sa kanya at simamaan sya ng tingin.

"'DI AKO BITTER!" Sigaw ko sa kanya.

Nag kibit balikat sya at ngumisi. "Patunayan mo Bro! Pumunta ka!" Naka ngisi nyang sabi sakin.

"HAH! Ulol ka! Di mo ko mauuto no!? Tsaka kanino naman ako ma b-bitter!? Aber!?" Sabi ko sa kanya.

Tumawa lang sya habang nangaasar na naka tingin sakin. "Gusto mo ba talaga na banggitin ko pa ang Pangalan nya huh?" Sabi nya habang nakangisi padin at may pag taas baba pa ng kilay nya.

"S-Sino ba!?" Inis kong sabi at iniwas ang tingin sa kanya.

"Hahaha bro! Grabe ah! Alam mo na naman talaga kung sino , pero gusto parin talaga na pabanggit ang pangalan ah!" Natawa nyang sabi.

Tinalikuran ko na sya. "Ewan ko sayo! Bahala ka! Di talaga ko pwede!" Padabog kong sabi.

"Ellejay"

Simple nyang sabi. Pero nag pahinto sakin. Pag lingon ko kay Miko , seryoso na ang muka nya habang naka Cross arm at diretsong naka tingin sa mata ko.

"Ano na? Pag di ka sumama iisipin ng lahat na ikaw na lang sa inyong dalawa na ang 'di pa nakaka limot o baka nga lahat limot na , kahit sya. Ikaw na lang ang hindi." Seryoso nyang sabi. Napayuko na lang at napakamot sa batok ko.

RubiconTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon