Natapos ang lunch namin at nagbalikan na kami sa kanya kanya naming departamento. Marami akong iniisip pero alam kong hindi naman makakasagabal sa pagta-trabaho ko.
Pagpasok namin sa office ay nakita kong namumugto ang mata ni Miss Maki at katabi rin niya si Miss Boom na umaalo sa kanya. Napatingin din sa akin si Ayi na nagtatanong ang mga mata. Sinagot ko rin siya ng kibit-balikat.
Lumabas na si Miss Maki dala ang kanyang mga gamit at pagdaka'y lumapit sa amin si Miss Boom at tumabi siya sa upuan namin ni Ayi.
"Anj can we talk for a while if you don't mind," malumanay niyang wika niya sa aming dalawa.
"Anj, iwan ko muna kayo," ambang tatayo si Ayi para makapag-usap kami ni Miss Boom pero hindi ako pumayag at hinawakan ko siya sa braso.
"Ayi diyan ka lang hindi mo kailangang umalis." sabi ko sa kanya at lumingon kay Miss Boom. "Eh Miss Boom okey lang sa akin kung nandiyan ang kaibigan ko. Sa bandang huli rin kasi ay malalaman din niya ang napag-usapan natin kaya mas makakabuti kung nandiyan lang siya. Huwag kang mag-alala, kung gaano man ka-importante ang pag-uusapan natin ay mananatiling lihim sa aming dalawa."
Sorry po pero may apat pang makakaalam niyan, piping bulo sa sarili ko.
"Ah ganoon ba," tumingin sa aming dalawa at ngumiti ng bahagya saka nagsalita.
"Ten minutes pagkalabas niyo dito ay dumating si Sir Andre at hinahanap ka Anj." tumingin siya sa akin ng may ngiti sa mga labi na tila nanunukso. "I said both of you went for your lunch." huminga siya nang malalim at muling nagsalita. "He asked us if there is a chance that we talk about yesterday. I mean yung pagdating ni Ma'am Nick at yung eksena nila sa lobby na maaring narinig mong pinagkuwentuhan namin sa kuwartong ito... Pero walang sumagot sa amin," tumingin siya sa aming dalawa at muling suminghap.
"Ano po ba ang ibig niyong sabihin Miss Boom? Maaari po bang diretsuhin niyo na?"
"Ayaw kasi ni Sir Andre nang tsismis lalo na kung tungkol sa private life niya ang pinag-uusapan. Alam ko ring narinig niyo ang pag-uusap namin ni Miss Maki kaninang umaga at yun ay tungkol sa dalawa, pero makikiusap sana akong huwag niyo nang mabanggit kay Sir Andre ang bagay na yon," malungkot niyang sabi.
"Bakit naman po Miss Boom?" tanong ni Ayi sa kanya.
Tumingin siya kay Ayi at muling tumingin sa akin.
"Hindi kasi magdadalawang-isip si Sir Andre na magterminate ng tao kapag nalaman niyang narining mo sa amin ang kuwentong nangyari sa kanila kahapon ni Ma'am Nick." malungkot niyang saad sa amin.
"Kaya po ba namumugto ang mata ni Miss Maki?" tanong ko sa kanya.
"Oo Anj, yun ang dahilang nang pag-iyak niya. Kahit naman ako ay madadamay, sangkot na rin ako dahil kaming dalawa ang nag-usap."
"That serious?" di makapaniwalang tugon ni Ayi.
"Yes Ayi, it happened from the past. Hindi ko na i-i-elaborate ang tungkol doon." tumingin siya sa akin nang ang mga mata'y nakikiusap, "maaari ba Anj?"
Napakaliit na pakiusap, kayang kaya ko namang pagbigyan. Hindi ko maatim na may mawalan ng trabaho nang dahil sa akin kung puwede namang magawan ng paraan.
Ngumiti ako sa kanya bilang pagsang-ayon. "Makakaasa po kayo Miss Boom, hindi niya malalaman."
"Salamat Anj," nakita ko ang relief sa mukha niya sa natanggap niyang sagot mula sa akin.
"May isa pa siyang sinabi kanina na siguro ay makakabuting malaman mo," masaya niyang turan.
"Ano po yun Miss Boom?" naiintrigang tanong ko.
BINABASA MO ANG
Locket by enjell
RomanceAng tunay na pag-ibig ay hindi nasusukat sa agwat ng edad, sa lahi, sa kaanyuan, sa antas ng buhay na kinabibilangan sa lipunan o maging sa layo ng kanilang distansiya sa isa't isa, kung hindi ito ay nakasalalay sa dalawang taong tapat at buong-puso...