Angela
Mabilis ang oras sa umaga, hindi ko na namalayan ang paglapit ng alas dose. Maraming guest ngayon dahil biyernes at maraming ring reservation sa Steakhouse at Posto Bello. Mas maganda na rin yun, natigil ako sa pagninilay-nilay ng napipintong pag-alis ni Andre. Kahit papaano ay nalimutan ko ang kalungkutang nagsisimula ng kumalat sa sistema ko.
"Anj, you can go for your lunch break. Sir Andre will pick you up soon," tawag sa akin ni Miss Boom.
"Thank you Miss Boom," ganting ngiti ko sa kanya.
Nilingon ko si Ayi at kahit busy siya sa kakatipa sa keyboard, saglit niya akong nilingon at nginitian.
"Enjoy Best."
"Thank you, see you later," ngiti ko sa kanya.
Binigyan niya ako ng matamis na ngiti at sabay kinindatan.
Napapangiti ako sa ginawi niya. Bago ako tumalikod ay nakita ko pa ang paghanga sa lalaking nasa harapan niya ngayon. Nakapaskil ang ngiti sa kanyang labi habang pinagmamasdan niya ang nakayukong si Ayi. Marahil ay naramdaman niya ang mga matang nagmamasid sa kanya, mula pagkakayuko ay sinalubong niya ang aking mga titig at nag one more time pa, tulad ni Ayi, kinindatan niya rin ako!
Mabilis akong tumalikod at doon ko inilabas ang pinipigilan kong ngiti. Charming and friendly si Ayi, pero ayaw niya sa lalaking masyadong poging-pogi sa sarili, in short hambog!
Pumasok na ako sa loob at nagsimulang bitbitin ang baon kong damit pamalit sa aking uniporme. Kagabi ay binanggit ni Andre na sa labas kami magla-lunch. Dahil doon ay nagdala ako ng simpleng semi-formal dress upang hindi naman ako mailang sa aming pupuntahan, although wala naman siyang sinabi na may dress code ang venue na iyon.
Palabas na ako sa lobby ng makita ko sa aking harapan si Andre na aktong hahawakan ang sedura ng pintuan. Nagkatawanan kami at hindi ko napigilan ang mapasinghap sa kanyang kaguwapuhan.
Ampopoy ang pogi!!!
"You are so beautiful my Ela," hinagod niya ako ng paningin na nanuot sa akin kalamnan.
Pagtangi ang nababanaag ko sa kanyang asulang mga mata. Tumugtog sa utak ko ang This Girl is on Fire sa techno beat kasabay ng pagtambol-tambol ng puso ko at pagrambol-rambol ng mga main stay kong dragon sa tiyan ko.
Nyahahaha, ang ganda-ganda ko!
"Thank you Andre. Ikaw din," 'makalaglag panty ka' gusto ko sanang idagdag pa,"napakapogi mo," 'ever' landing bulong ko sa sarili ko.
"Let's go," ginawaran niya ako ng pang-famas award niyang ngiti.
Napakapit ako sa balakang ko baka malaglag na ang panty ko. Tumango ako sa kanya at ngumiti. Sabay kaming lumabas sa hotel lobby at tumungo sa likuran papuntang carpark.
"Where are we going?" tanong ko sa kanya sa magkaagapay naming paglalakad. Halos magkatabi lang kami at kitang-kita ko ang ang kabuuan ng kanyang mukha.
Ano ba naman 'tong lalaking ito, wala man lang pores! Ang kinis ng kutis.
Nabatubalani ako sa angkin niyang kaguwapuhan at nakalimutan ko na ang pagkurap.
"I'm so flattered on the way you look at me," nakangiti niyang wika na nagpabalik sa aking wisyo.
Wink.
Wink.
Wink.
Ouch! Ampopoy ang tagal kong hindi kumurap, ang hapdi sa mata!
BINABASA MO ANG
Locket by enjell
RomansaAng tunay na pag-ibig ay hindi nasusukat sa agwat ng edad, sa lahi, sa kaanyuan, sa antas ng buhay na kinabibilangan sa lipunan o maging sa layo ng kanilang distansiya sa isa't isa, kung hindi ito ay nakasalalay sa dalawang taong tapat at buong-puso...