Chapter 34 - Graduation Day

55 6 3
                                    

After five months

Angela

Graduation day, limang buwan na ang nakalilipas mula ng huli naming pagkikita ni Andre. Datapwa't hindi lumipas ang araw na hindi kami nagkausap sa skype, nagpalitan ng mensahe mula pagkagising hanggaang sa pagtulog, nalulungkot pa rin ako dahil wala siya ngayon sa araw ng aking pagtatapos. Pero naiintindihan ko...

Nagsisimula na ang graduation march song. Napakasaya ng bawat isa. Bawat estudyante at magulang ay may ningning sa kanilang mga mata at wagas ang ngiti sa kanilang mga labi.

"Cum laude, Angela Ross Montemayor. Bachelor os Science in Business Administration Major in Management," tawag ng host sa akin.

Nagpalakpakan ang mga tao at tumayo akong may ngiting wagi kasabay sa pag-akyat ang aking pinakamamahal na ina. Nakikipagkamay kami sa mga kagalang-galang na mga bisita at Dean sa entablado.

Itinawag na rin ang iba pang mga estudyante na nakakuha ng cum laude, magna cum laude kung saan tinawag si Ayi at summa cum laude kung saan naman napabilang si Athan.

Nagpataasan sa ere ang aming mga toga hudyat ng pagtatapos ng seremonya at napakalakas na hiyawan ng mga estudyante.

"Anj, Ayi, Athan 'lika bilis picture na!" sigaw ni Vette.

"Halika na, ay sus hirap maabot ng mga friends! Puro mga laude!" sigaw nang natatawang si Che.

"Ingay mo talaga Cheriray!" mahinang saway ni Athan kay Che at amba pa niyang pipitikin ang bibig nito. Nagtakip naman kunwari ito ng bibig.

"Hahaha!" tawanan naming lahat.

"Boi ganoon talaga, be proud. Grand slam ang laude sa grupo. Mula cum laude, magna cum laude at summa cum laude! Wow, so high!" Kinikilig na sabi ni Joy.

"Siyempre naman eh hyper lagi 'yan si Che, ha, ha, ha!" patutsada ni Vette.

"Tse, palibhasa ikaw naman ay aligaga!" sagot ni Che.

"Hahaha! Alumpihit ang puwet! Paano, amoy na amoy ang simoy ni Troy! Hahahaha!" hagalpak sa tawa ni Joy at napa-palakpak pa.

"May tomoh ka Joy!" susog ni Che.

Naghagalpakan pa ng tawa ang dalawa at ngingiti-ngiti lang kami nila Athan at Ayi. Kasama ko kasi si Nanay Flora at Troy as my parents. Sambakol naman ang mukha ni Vette sa patutsada ng dalawa.

"Hahaha!" malakas na tawanan ulit namin. Kakaloka kasi ang hilatsa ng pagmumukha ni Vette sa pagkapikon.

"Heto na guys, group selfie na!" ayos ni Che sa phone niya. "Say cheese!" malakas na sigaw nito.

"Cheese!" sigawan naming lahat.

Click!

"Sa phone ko namam guys, bilis!" hirit ni Joy. "Say Sex!" mahinang sambit nito.

"Sex," mahinang sambit ng lahat.

Click!

"Hahaha!" hagalpakan ng tawa ng lahat.

"Sa akin naman, wacky!" sigaw ni Vette. Kanya-kanya naman kami ng kalokohan pose.

Click!

"Hahaha!" tawanan ng lahat ng makita namin ang hitsura ng bawat isa sa phone ni Vette.

"Guys, the peaches are coming," bulong ni Ayi na nagpahinto sa aming kasiyahan.

"Bakit kaya?" nakataas ang kilay na tanong ni Athan.

Locket by enjellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon