Chapter 18 - Sunday Special

140 15 6
                                    

Angela

Late man kaming natulog pero lahat ay gumising pa din ng alas otso ng umaga para makapagsalo-salo sa almusal. Ang linggo ay nilalaan namin sa oras ng pampamilya kaya hanga't maaari ay pinipilit naming makauwi ng mas maaga sa pananghalian.  We all kiss, say goodbye and say take care to each other and see yah on Monday, kasi yun na ang araw ng orientation namin sa GGH.

Excited na ako sa first day! Come to think of it, since Friday laging nagku-krus ang landas namin ni Papa Al. Ang dami niyang sinabi sa akin na hanggang ngayon ay hindi ko pinaniniwalaan, tingin ko lasing lang yon, oo tama lasing lang yon! pangungumbinse ko sa sarili ko. Sana naman next time huwag naman siya masyadong malapit sa akin, kasi ang hirap kiligin!!!

Dumistansiya ka sa akin Al, kasi baka humilagpos ang kilig ko, eh marindi ka sa kilig ko! Hahahaha.  

Dumaan muna ako kay Tatay Pabling. Hindi ko siya tunay na ama, pero nung araw na makilala ko siya ay tinawag ko na siyang Tatay. Pinapasyalan ko siya isang beses sa isang linggo. Nakatirik ang bahay niya sa mataas at mapunong bahagi ng kagubatan. May lihim na lagusan papunta sa lugar niya pero hindi halata sa mga dumaraan. Sa taas ng lugar na yun ang kapatagan na napapalibutan ng mga puno, damo, ligaw na bulaklak at mga halaman. Simple lang ang bahay niya, bungalow style na yari sa bato, katamtaman ang laki at minimalist ang design. Kung gaano kaliit ang bahay niya, siya naman lawak ng lupain na kanyang nasasakupan.

"Tatay Pabling!" sigaw ko. Mabilis kong iparada si Speed. 

Lumabas siyang nakangiti. "Oh Ann, halika at pumasok ka."

"Ayaw ko po sa loob, dito ko gusto sa duyan." masayang sabi ko. Tumungo ako sa duyan at mabilis akong humiga habang hinehele ang sarili ko. Ito ang favorite spot ko. Masarap ang simoy ng hangin, payapa at kahali-halinang matulog dahil sa ganda ng kalikasan.

Hinayaan niya lang akong umidlip ng mga labinglimang minuto at maya-maya ay nilapitan na niya ako. Alam din niyang hindi ako magtatagal dahil hahabol ako sa pananghalian sa bahay. "Mayroon akong nilupak diyan gusto mo?"

Alam niyang paborito ko yon, pero tinatanong pa din niya! "Oks po, pabalot na rin ako para kay Nanay at patimpla ng kape please!!!" sigaw ko habang papasok na siya sa loob at nakita ko pa ang pag-iling niya.

Mga ilang minuto ay dumating na siya bitbit sa tray ang order ko.

"Oh halika na Ann at kumain ka na muna." inilapag niya ang tray sa mesa sa labas ng bahay niya at umupo sa bakanteng upuan. Tumayo na ako at nang malantakan ko na ang paborito ko.

"Tatay Pabling kamusta naman ang negosyo natin, malaki ba ang kita?"

"Maganda naman Ann, maganda ang kita ng convenience store ko sa Almond Beach Resort lalo na kapag maraming turista na napunta. Mapagkakatiwalaan ko din ang mga staff doon.Medyo tutumal na ngayon kasi magtatag-ulan na pero ayos pa rin naman. May mga reservation for company outing, wedding, binyag at ibat ibang okasyon na panigurong magbibigay ng benta sa negosyo."

Hindi naman ako kasosyo talaga, pero ayaw lang niyang kumontra kasi hahaba ang usapan. Ang Almond Beach Resort ay sa kabila pang bayan, at doon niya pa ninais na magbusiness kaysa sa sarili naming bayan.

"Bakit hindi po kayo magtayo malapit sa Gracia Grand Hotel?"

"Hahahaha, saka na lang Ann."

"Baka po kasi ang hinahanap niyong babae ay wala sa kabilang bayan, malay niyo nasa bayan pala natin!" masayang sabi ko.

Napatigalgal siya! "Hayaan ka na namang bata ka, nanunukso ka na naman!"nanunulis ang nguso niya at nakakunot ang noo.

Locket by enjellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon