Chapter 8- Malling with Friends

148 23 2
                                    

Angela

"Wow, ang sarap ng food dito boi! Thank you... Lalo na sa pang o-okray mo kay Sheva hahaha. Ang angas ng dating mo eh, tiklop siya agad!" ngiti kong sabi kay Che.

"Etchuserang frog lang yun kaya sinopla ko agad. Di siya uubra sa akin!" mataray na tugon ni Che.

"Hay naku, Inggit lang yon sa friendship natin!" wika ni Joy.

Ayi holds my hand and sincerely looked at me and said "Best, we will always protect you at alam kong ganuon din ang gagawin mo sa amin."

I smiled at her and to the rest of the group. "I thanked God for having you all as my true friends!"

"Wahhhh! emote emote din pag may time he, he, he." sabi ni Vette.

"Bicthes ang mga Peaches!!!" nakangiti pero nakataas na kilay na sabi ni Joy. We called Sheva and Ria as Peaches.

"Ang sweet natin!" wika ni Athan ngumiti siya habang nakatingin sa aming lahat.

"Oh paano, tama na ang emote at mag malling na tayo! Tutal mukhang di natin makikita ang Al ni Anj dito." sabi ni Athan. Na-guilty ako sa sinabi niya, tsk nakita ko na kasi eh!

"Ang pangarap mo boi, pangarap pa rin hanggang ngayon! Ha, ha, ha!" napatingin ako kay Vette dahil sa pang-aasar niya.

"Pangarap ka na lang ba, oh magiging katotohanan pa. Bakit may mahal ka ng iba," emote na emote na kanta ni Che habang nakatingin pa sa akin.

"Ngunit di bale na. kahit mahal mo siya, mahal mo naman si Al, ooohhhh...." dugtong naman ni Joy at binago ba ang dulo ng lyrics habang itinuturo ako ng kamay niya.

Tsk, ang lalakas talaga mang-inis ng mga ito, wika ko sa sarili ko.

"Ahaha, guys tama na ang asaran please. Baka pag kayo ang inasar ni best mapikon kayo! Warning ko lang at mukhang nagbabalak na siyang gumanti!" lumingon si Ayi sa akin at ngumiti.

Ayi knows me well. I'm already ready to say crazy things!

Athan look at the girls and immediately stopped them. "Opsss, stop it! Wala nang mang-aasar kay Anj. Tignan niyo at nakakaloko na ang ngiti niya!" sabay tingin niya sa akin. "Nasisiguro kong talo tayo sa asaran dahil pinakamagaling siyang mang-asar at nasisiguro ko ring ako ang pinaka kawawa sa huli!"

"Ahahahahaha!!!!" we laughed in unison.

"Ok halika na sa mall girls." masayang anyaya ni Che.

All started to prepare to go. Athan stands first and the rest follow. Suddenly Athan quickly gathered us and I have no idea why.

"Oh my gawd! Si Mr. Andre, nanduon sa kanan natin!!!"

All the girls looked on the direction pointed by Athan. They are all shocked, all the while they don't know that Al is here. They giggled and laughed and teased me.

"Oh my gawd, Anj ang pagsintang pururot mo andito!!!" kinikilig na wika ni Che.

Lumingon ako sa tinitignan nila at nakita ko si Al. Grabe ang pogi! Hais di ko matagalan ang mga titig niya! Haisss. Mabilis kong binawi ang mga mata ko. Nagkibit lang ako ng balikat. Tsk, alam ko na kasi eh na andito siya kanina pa! Hehe nakalimutan ko na lang. Awkwardness naman tong mga friends ko. Nauna na akong lumabas para mag sinunod na sila.

Locket by enjellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon