Angela
Nagkita-kita kami ng gang sa parking lot ng hotel kinabukasan, pagkakataon na naming makapag-update sa isa't isa.
"Hayan na siya, sa wakas!" natutuwang sabi ni Che, excited much ang boi sa balita ko.
"Naku, naku, ano ang pasabog Anj, bilisss?" nakangiting sabi ni Athan.
Bumaba ako kay Speed at isa-isa silang binigyan ng halik sa pisngi.
"Ang saya-saya ng bruha, nag-uumapaw ang kaligayahan, hay kailan kaya darating ang sa akin?" nakalabi pang sabi ng emoterang si Vette.
"Oh my gawd, oh my gawd, Anj what happen on your lunch date yesterday and Al's first visit to your place? Yiii excited ako Anj, tara na--" sinenyas niya ang kamay niya na nag-aaya sa akin, "kuwento na!" huling hirit niya.
"Hahahaha," tawanan ng gang kay Joy at maging siya ay humalakhak sa pagmumuwestra pa ng kamay niya sa akin.
"Best I know everything went well yesterday especially when Al meets Nanay Flora," magiliw at mahinahong sabi ni Ayi.
Masaya akong tumingin sa kanilang lahat at nagsimulang magkuwento tungkol sa lunch date namin maging ang pagpunta ni Andre sa bahay sa gabi, kumpleto at wala akong isinekreto. We all agreed to call Al on his real name, Andre.
"Oh my gawd, do you think Nanay Flora likes Andre?"
"Oo, gusto niya si Andre. Hindi siya tutol sa panliligaw ni Andre, pero maraming kondisyon ang hiningi niya siyempre. Tulad ng hayaan akong makatapos muna, suportahan sa pipiliin kong trabaho, sa bahay lang ako liligawan at hindi sa kalye, at higit sa lahat walang pre-marital sex."
"Wow, award winning talaga ang speech ni Nanay Flora, pang best actress talaga! The best actress award goes to, tentenenen... Nanay Flora!" bonggang bongang sigaw ni Che.
"Hahahaha!" tawanan nilang lahat.
Napatawa na rin ako dahil nakakahawa talaga ang sayang idinudulot nilang lahat sa akin. Sa isang banda naiintindihan ko rin naman ang punto ng Nanay ko.
"Ang kulit mo Che, siyempre protective lang si Nanay Flora kay Anj no," hampas ni Joy kay Che. Umilag pa si Che pero hindi pa rin matigil ang paghagikgik niya.
"Wika nga, 'Mother knows best' kaya alam ni Nanay Florang malinis ang hangarin ni Andre sa iyo kaya hindi siya tumututol sa panliligaw nung tao. At alam din niyang katakam-takam si Andre mo at katakam-takam ka din kaya baka hindi niyo mapigilang magkatakam sa isa't isa eh-- binalaan ka na niya agad. Remember, 'Mother knows best', hmmmm!" nakapamewang na sabi ni Athan habang ang kanang kamay niya ay nakataas na nakaturo sa akin habang ang hintuturo ay gumagalaw-galaw pa.
"Hahahahaha!" malakas na tawanan ng lahat.
"Does Nanay Flora ask anything about Andre when he left your place?" Ayi asked me.
"Oo, ang daming tanong eh."
"Oh my gawd, Anj eleborate please," pangungulit ni Joy.
"Boi, faster! Kuwento na," susog naman ni Vette.
"Mga hendot letse, paano makapagsimula ang babaeng ito kung entra kayo ng entra!" pagpipigil ni Athan sa gusto pang magsalitang si Che.
Napatakip si Che ng bibig at napahalakhak naman kaming lahat.
"Sorry naman diyan!" natatawang sabi ni Che.
"Ganito kasi yon," paninimula ko.
Flashback
BINABASA MO ANG
Locket by enjell
RomanceAng tunay na pag-ibig ay hindi nasusukat sa agwat ng edad, sa lahi, sa kaanyuan, sa antas ng buhay na kinabibilangan sa lipunan o maging sa layo ng kanilang distansiya sa isa't isa, kung hindi ito ay nakasalalay sa dalawang taong tapat at buong-puso...