Part 4

9.7K 222 2
                                    


NAGISING si Jeg. Maaga pa pero gusto niyang panoorin ang sunrise sa islang iyon kaya bumaba na siya ng kama at nagtungo sa banyo. Dalawa ang kuwarto ng cottage na ipina-reserve ni Keith at ang pinto sa banyo ang nagsisilbing connecting door sa dalawang kuwarto. Siniguro niyang naka-lock ang pinto sa side ng kuwarto ni Keith.

She did her morning rituals. Magsesepilyo na siya nang bigla siyang natigilan. Nakita niya ang toothbrush niya na katabi ng toothbrush ni Keith sa iisang lalagyan. Marahil ay si Keith ang nag-ayos niyon nang nagdaang gabi. It was no big deal. But why she was thinking of something so intimate at the sight of a toothbrush? Something so intimate like kissing...

Here you go again, Jeg!

Natatandaan niya na pinangko siya ni Keith hanggang sa tuluyan siyang makatulog sa likod nito nang nagdaang gabi. Hindi na niya namalayan na nakauwi sila sa cottage. Naalimpungatan na lang siya nang kinukumutan na siya ni Keith. He gave her a good-night kiss and then she fell asleep.

Pagkatapos niyon ay nagpalit siya ng sleeveless top at shorts. Ipinusod niya ang kanyang buhok gamit ang rubber band. Kumuha rin siya ng tuwalya at isinampay iyon sa balikat niya. She planned to jog around the island.

Lumabas siya ng kuwarto niya at nagpunta sa silid ni Keith. Kakatok na sana siya nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto nito. Sa hitsura ni Keith ay kagigising lang nito. Sa katunayan ay nakapikit pa ang kanang mata nito na parang nasisilaw sa liwanag. Maluwang na T-shirt at boxer shorts lang ang suot nito. His hair resembled a bird's nest and yet he was a sight to behold.

"Good morning, Keith! Tara, jogging tayo," yaya niya rito.

Sumimangot ito.

Naaliw siya sa hitsura nito kaya tumaas ang isang sulok ng mga labi niya.

"Hindi ko na kailangang mag-jogging para magbawas ng calories sa katawan, Jeg. Goodness! Hanggang ngayon ay nananakit pa rin ang likod ko sa pagkarga ko sa 'yo kagabi. Sa bigat mo, kahit yata ilang araw akong hindi mag-exercise, eh, okay lang!"

Natawa siya. "Eh, di sana iniwan mo na lang ako roon kagabi. Hinayaan mo na lang sana na sa dalampasigan ako makatulog. Some stranger might see me, kiss me right then and there, and if he's attractive enough, I might return his kisses, and then we'll end up—"

Biglang dumilat ang kanang mata ni Keith na nakapikit kanina. Mabilis nitong tinawid ang distansiya sa pagitan nila, pagkatapos ay itinakip ang isang palad nito sa bibig niya kaya hindi niya natapos ang gusto niyang sabihin.

"Don't say bad words," sabi nito na nanlalaki ang mga mata. Agad din nitong tinanggal ang kamay nitong nakatakip sa bibig niya. "Hintayin mo ako. I'll just change my clothes, sasama akong mag-jogging."

Hindi na siya nakasagot nang dali-daling pumasok si Keith sa silid nito. Natatawa siya habang papunta sa sala para doon hintayin si Keith.

Hindi na mabilang ni Jeg kung ilang beses na siyang nakasakay sa likod ni Keith. Madalas mangyari iyon noong mga bata pa sila kapag inaabutan siya ng antok o pagod. Nang maging binata at dalaga na sila ay madalang nang mangyari iyon. Sa pagkakatanda niya ay ngayon na lang naulit iyon.

"Let's go," yaya ni Keith pagkaraan ng ilang sandali. Halos pareho sila ng suot nito—sando, shorts, at rubber shoes. Maayos na ang buhok nito na halatang sinuklay na.

Lumabas sila ng cottage. She smelled the crisp air. Sariwang-sariwa at napakalamig niyon. Pinuno niya ng hangin ang kanyang baga, saka tumakbo nang mabagal. Umagapay si Keith sa kanya.

"Keith, natatandaan mo pa ba kung kailan ako huling nagalit sa 'yo? I mean, nagalit na ba ako sa 'yo nang todo kahit noong mga bata pa tayo?"

"Never kang nagalit nang matindi. Pero parang ganoon din 'pag nagtatampo o naiinis ka sa akin. You have this way of making me feel guilty. You're always getting on my nerves. Ikaw lang yata ang nag-iisang tao na kapag nagtampo, hindi na ako mapalagay. Bakit kaya, 'no?"

Lihim siyang napangiti. Alam niya ang bagay na iyon. Bata pa lamang siya ay nasanay na siya na sinusuyo ni Keith kapag nagtatampo siya. They were often teased by their elders. Sila raw ang magkakatuluyan. Kapag naiisip niya iyon noon ay natatawa lang siya. Pero ngayon ay tila may nag-iba sa pakiramdam niya. She felt somewhat peculiar, like there were butterflies in her stomach. "B-because I'm your best friend." Iyon na lamang ang naisagot niya.

Bumilis ang takbo ni Keith at nauna ito sa kanya. Pagkatapos ay humarap ito sa kanya at saka tumakbo nang patalikod para makausap pa rin siya.

"I guess so. And I can't imagine my life without you, Jeg."

"Ako rin. I always wonder what my life would be if I didn't have you as my best friend. Bakit kaya tayo pa ang naging mag-best friend, 'no? I mean, bakit hindi babae ang naging best friend ko? And you, why don't you have a boy for a best friend? Hindi kayo magkaedad ni Kuya Redd pero puwede naman na kayo ang naging best friends 'di ba?"

"I don't know. Maybe because we're meant to be,"

We're meant to be... Tila umalingawngaw iyon sa pandinig ni Jeg.

Tumigil sa pagtakbo si Keith kaya tumigil na rin siya. Tumingin sila sa silangan at doon ay nasaksihan nila ang natatanging kagandahan ng pagsikat ng araw.

Niyakap siya ni Keith mula sa likuran. He rested his head on her shoulder. Inabot nito ang mga kamay niya at isinalikop iyon sa mga kamay nito.

Napapikit si Jeg. A warm feeling enveloped her. It wasn't the first time that Keith did that. Sa katunayan ay normal sa kanila ang magyakapan, pero iyon ang unang pagkakataon na may nadama siyang kakaiba sa closeness nilang iyon. His body heat was making her think of things that she shouldn't. And why was her heart beating a little faster than normal?

"Te amo, Jeg," bulong nito sa tainga niya. Keith had Spanish blood pero sa tuwina ay "Te amo" lang ang naririnig niyang sinasabi nito sa wikang Espanyol. At palagi iyong sinasabi ni Keith sa kanya kahit sa text messages lang nito. Hindi niya kailangang itanong kung ano ang ibig sabihin niyon. He loved her as his best friend and so did she.

"Te amo, K-Keith," sagot niya pero hindi niya alam kung bakit nautal siya.

Pinagmasdan nila ang araw hanggang sa tuluyan nang sumikat iyon. It was a magical moment. Pagkatapos ay umalis na sa likuran niya si Keith at saka humarap sa kanya.

"Watching the sunrise is more fun in the Philippines," sabay nilang sabi. Nagkatinginan sila, pagkatapos ay sabay na napahalakhak.

Nagkasundo sila ni Keith na kakain muna ng almusal pagkatapos ay maliligo sila sa dagat.

Te Amo, Forever And Ever (Completed!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon