Part 7

8.9K 248 5
                                    

NILINGON ni Jeg ang kinaroroonan ni Keith. Hindi siya sigurado kung nakatingin ito sa kanya dahil nakasuot ito ng shades. Gayunman ay kumaway siya rito. To her surprise, Keith waved back at her. Ngumiti siya bago itinuloy ang paglalakad sa dalampasigan habang bitbit sa kamay ang mga tsinelas. Marahang umiihip ang hangin kaya bahagya ring inililipad ang kanyang buhok.

She was thinking again. Inaanalisa niya ang mga pagbabago sa kanyang damdamin. The feeling was strange, and yet it felt just right. Ang problema lang ay hindi pa rin siya makabuo ng konklusyon kung ano talaga ang nararamdaman niya. It was new, wala siyang mapagkomparahan. Ngayon tuloy niya naisip na iba pa rin siguro kapag may malapit siyang kaibigan na babae na puwede niyang pagsabihan ng mga damdaming gumugulo sa kanya ngayon. Pakiramdam kasi niya ay isa iyon sa mga bagay na hindi niya puwedeng sabihin kay Keith.

Ano ang gagawin niya ngayon? Should she call her mother and ask for some advice? Pero ano ang sasabihin niya gayong siya mismo ay naguguluhan din?

"Hi."

Ang tinig na iyon ang pumutol sa pagmumuni-muni ni Jeg. Nilingon niya ang pinanggalingan ng tinig. Sa accent pa lang ay masasabi niya na dayuhan iyon. Hindi siya nagkamali dahil isang Amerikano ang nalingunan niya.

She gave him a friendly smile. after all, Filipinos were known for being hospitable. "Hello," ganting-bati niya.

Tila naman ikinasaya nito ang kanyang friendly gesture. "You're very pretty and you're all alone. So, I supposed you might need some company."

Gustong uminit ng ulo ni Jeg nang mapansin niya ang ginawa nitong paghagod sa kabuuan niya, lalo na nang tumagal ang mga mata nito sa kanyang dibdib. She was only being polite but this man thought otherwise. Alam din niya kung anong "company" ang nais nitong ipakahulugan.

Pig! Ngalingali niyang bulyawan ito. Hindi naman ito kaguwapuhan.

"'You need something from my wife?" tanong ng isang tinig na sigurado siyang kay Keith. Pumulupot ang braso nito sa baywang niya, bago siya hinapit palapit dito. Ramdam niya nang umigting ang ekspresyon ni Keith na para bang sinasabi nito na hindi nito nagustuhan ang paglapit ng lalaki sa kanya. Nasa mukha rin nito ang paghamon sa lalaki. Malaki ang kaha ng katawan ni Keith kaya alam niyang dapat din talaga itong pangilagan.

"Oh, I'm sorry," hinging-paumanhin ng foreigner bago nagmamadaling umalis.

Hinarap niya si Keith at humahagikgik na hinampas ang braso nito. "You scared the hell out of him, Keith. But thank you. He's a chauvinist."

Naging alangan ang ngiti niya nang parehong pumulupot ang mga braso ni Keith sa baywang niya. She could almost feel the heat of his body travelling in her every vein. Nagpapakabog din sa dibdib niya ang mga emosyong nagsalimbayan sa mga mata nito. For a moment, she thought she could read the expression in his eyes, but she was wrong.

"K-Keith..."

"Yes?" sagot nito. His voice almost sounded like a whisper. Hindi nito inaalis ang tingin sa kanya.

Bago pa siya nakasagot ay binuhat na siya ni Keith at dinala sa tubig. "Remember what we used to do kapag nasa dagat tayo?" nakangising sabi nito. Nakikita niya sa mga mata nito na may kalokohan itong gagawin.

"Keith, huwag mo akong itatapon sa dagat. Lagot ka sa akin kapag nakainom ako ng tubig!" pagbabanta niya. Madalas iyong gawin ni Keith sa kanya noon. Binubuhat siya nito at itinatapon sa dagat. Madalas ay nakakainom siya ng tubig-alat kaya iniihit siya ng ubo. Pagkatapos niyon ay susuyuin na siya ni Keith.

Ngumisi si Keith. Patuloy ito sa paglalakad papunta sa malalim na parte ng tubig. Nabasa ang katawan niya kahit karga siya nito.

"Keith! Hindi ako marunong lumangoy! Baka nakakalimutan mo na hanggang sa mababaw na parte lang ako ng dagat?!" nagpa-panic na sabi niya. Hindi siya marunong lumangoy kahit na may swimming pool sa bahay nila. Nakita kasi niya noon ang nalunod na aso niya na lumulutang sa swimming pool nila kaya hindi na siya naligo roon kahit kailan. Hindi naman siya nagkaroon ng phobia pero hindi na talaga siya natutong lumangoy.

"Jeg, puwede ba, relax. Hindi kita pababayaan, okay? Kaibigan mo ako, don't you trust your friend?"

Nangunyapit siya kay Keith. Mas matangkad ito sa kanya nang limang pulgada kaya nakalitaw pa ang mukha hanggang leeg nito. Jeg wrapped her arms around his neck. Hindi iyon sapat kaya wala siyang nagawa kundi ipulupot rin sa katawan nito ang kanyang mga paa. She was practically hugging him while his hands were on her back.

"Keith, hindi na ako natutuwa, ha. Dalhin mo na ako sa mababaw na parte ngayon din!" paggagalit-galitan niya. Kailangan niyang itago ang pagkailang na nararamdaman niya. Sino ba ang hindi maiilang? Para siyang linta na nakakapit dito. And the soft flesh of her breasts were crashing against his hard chest. God, ramdam kaya nito na tumatambol ang dibdib niya? At hindi siya sigurado kung ang pagtambol ng puso niya ay dahil sa kaba o dahil sa excitement. Whatever it was, apektado siya sa pagkakadikit nila. Hindi naging hadlang ang tubig-dagat para maramdaman niya ang init ng katawan ni Keith. Sa maliit na distansiya sa pagitan ng mga mukha nila ay kitang-kita niya kung gaano ito kaguwapo.

Keith stared at her. "Jeg, you're very beautiful, do you know that? Any man would fall in love with you. Kinatatakutan ko kapag dumating 'yong sandali na mai-in love ka sa iba. Masyado akong nasanay na nasa akin lang ang atensiyon mo," sabi nito sa tonong halos hindi niya maunawaan. Nalalanghap niya ang amoy ng alkohol sa hininga nito pero tila gusto niyang malasing sa kakaibang pakiramdam na idinudulot nito sa kanya. Keith's hands were slowly stroking her back and damn, it was giving her different sensations all over her body.

"E-eventually, it'll come, Keith. M-mai-in love ako at kapag dumating ang sandaling iyon, hindi na puwede ang closeness natin. I don't want him to get jealous of you. I-I might as well start looking for him now."

Lalo siyang hinapit nito palapit dito. "Damn! Wala pa man, nagseselos na ako!" angil nito at nabasa niya ang katotohanan sa likod ng pangungusap na iyon. Bumaba ang tingin nito sa kanyang mga labi at ganoon din ang ginawa niya. Kung hindi niya napigil ang sarili ay siguradong tataas ang kamay niya para haplusin ang mga labi nito.

Goodness, Keith! Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit bigla ay gusto kong haplusin ang mga labing iyan?

"Don't find love, Jeg. Let love find you. That's why it's called falling in love 'cause you don't force yourself to fall, you just fall..."

Te Amo, Forever And Ever (Completed!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon