Part 6

9.1K 230 0
                                    


Nagkuwentuhan sina Jeg at Keith habang naglalakad papunta sa restaurant at katulad ng dati ay nakasunod na naman sa kanila ang mga matang humahanga kay Keith. Nakasuot ito ng Lacoste shirt at white shorts. Sipit na tsinelas ang suot nito sa mga paa. His hair was brushed up and the only accessory he wore was his diver's watch. Pero kung tingnan ito ng mga babae ay animo isa itong Greek god na kulang na lang ay sambahin ng mga ito.

"Kailan ka nasanay sa mga ganyang tingin, Keith?" tanong ni Jeg. Sa isang iglap ay tila naging interesado siya kung kumportable ba ito na pinagtitinginan nang ganoon.

"Anong tingin? 'Yong parang hinuhubaran nila ako at sa isip nila ay minomolestiya ako?"

Naramdaman niya ng pag-iinit ng mga pisngi niya, "Must you have said that?"

Keith chuckled. "Blame the genes of my ancestors. Hindi ko kasalanan na guwapo ako."

"Conceited!" buska niya rito. "Sometimes, I don't want you to talk like that, Keith." Kunsabagay, tama naman ito. Hindi nito kasalanan na nakuha nito ang magandang genes ng mga ninuno nito.

Lalong lumakas ang halakhak ni Keith. "Eh, ikaw? Manhid ka ba? Bakit hindi mo mapansin o maramdaman ang mga matang ayaw nang umalis ang tingin sa 'yo? Tulad ngayon, you're wearing that little dress na halos yumakap sa katawan mo. Don't you know you've got the attention of both men and women?"

"At least, I'm not taking advantage of them."

Narating nila ang restaurant. Kahit may waiter na nakaantabay roon ay sumenyas si Keith na ito na ang magbubukas ng pinto.

"And what do you mean by that, lady? Why did it sound like sarcasm?"

Napili nila ang mesa na nasa sulok. Ipinaghila siya ng upuan ni Keith at saka siya nagpasalamat dito.Um-order muna sila ng pagkain nila bago niya ito sinagot.

"Hindi ko pinaglalaruan ang damdamin nila."

"At ako, naglalaro ako ng damdamin ng mga kabaro mo? Iyon ba ang gusto mong ipakahulugan?" tanong ni Keith na nakataas ang isang sulok ng mga labi.

"Hindi nga ba, Keith?" hamon ni Jeg dito. Hindi niya alam kung bakit niya nasabi ang mga bagay na iyon. Siguro dahil naisip niya ang babaeng lumapit dito kanina.

Tinitigan siya ni Keith. "Don't fish for information, Jeg. Alam ko na alam mong hindi ako gano'n."

Bumuntong-hininga siya. She was just provoking him but he didn't take the bait. "Curious lang ako at puwede mong sagutin o hindi ang tanong ko."

"Jeg, bakit sa dinami-rami ng manliligaw mo, wala ka pang sinasagot?" biglang tanong nito sa kanya.

"Para namang hindi mo alam na hopeless romantic ako. Ayokong pumasok sa isang relasyon na hindi sangkot ang puso ko."

"At wala pa rin ba iyon, Jeg? I mean, that particular feeling, hindi mo pa ba 'yon nararamdaman hanggang ngayon? Kahit hindi sa mga manliligaw mo. Let's say, kahit sa isang kakilala mo lang, o sa isang kaibigan..."

Jeg felt a knot in her stomach. Tutok na tutok ang mga mata ni Keith sa kanya na para bang wala itong nais ma-miss sa magiging ekspresyon niya o sa isasagot niya.

"S-so far, w-wala pa naman." Liar! akusa ng kanyang isip.

Hindi sigurado si Jeg sa nakita niya pero tila nanlumo si Keith. Nawala ang kislap ng mga mata nito at bahagyang nalaglag ang mga balikat. Pinaglalaruan lamang ba siya ng kanyang mga mata?

Mabuti na lang at naihain na ang mga pagkain nila. Nawala ang tila kahungkagan na unti-unting bumalot sa paligid. Ipinaglagay siya ni Keith ng mga pagkain sa kanyang plato pagkatapos ay magana silang kumain. Plano nilang gumawa ng bonfire sa gabing iyon at mag-stargazing.

GOODNESS! nausal ni Keith sa kanyang isip. He couldn't help but admire Jeg's beauty from a distance. Jeg was really beautiful. No, she was gorgeous.

Mula sa kinauupuan niyang outdoor bar na malapit sa beach ay kitang-kita niya ang kagandahan ng dalaga. Nakasuot ito ng pulang two-piece swimsuit na kung puwede lang ay huwag na niyang ipasuot dito. Why, she was a head-turner in that attire. Jeg had perfect curves and her waistline was noticeable. Hindi rin maikakaila na agaw-pansin ang mabilog na pang-upo nito. Everything about her was just perfect. Her posture and the way she carried herself were outstanding. Pinatingkad lalo ng pulang swimsuit na iyon ang makinis na kutis nito. She walked barefoot along the shore. Ang buhok nito ay mabining inililipad ng hanging-dagat. She was like a water nymph. If he could only take her away from the guys who were straing at her.

Jeg was one special girl. She had this presence na tipong ihalo man ito sa karamihan ay mangingibabaw pa rin ito. She was tough, smart, and brave at her own right. Gustong-gusto niya kung paano ito makipag-argumento sa kanya. Hindi ito natatakot na isatinig ang nilalaman ng isip nito. Marami silang pagkakapareho at isa na roon ang pagiging hopeless romantic nito dahil siya mismo ay hindi papasok sa isang relasyon kung hindi sangkot ang puso niya.

"Hopeless romantics are only hopeless in the eyes of those who don't believe in romance." Natatandaan niyang sinabi iyon sa kanya ni Jeg at sang-ayon siya roon.

Huminga siya nang malalim. If only Jeg knew how he truly felt for her.

Teamo, Jeg. Te amo... he thought before drinking his wine    

Te Amo, Forever And Ever (Completed!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon