Part 5

9.1K 220 1
                                    


CHAPTER THREE

JEG LOOKED at her diver's watch. Dalawang minuto na ang nakalilipas mula nang sumisid si Keith sa dagat pero hindi pa ito muling lumilitaw. Hindi siya nag-aalala na ganoon na ito katagal sa ilalim ng tubig dahil alam niyang kaya nitong tumagal nang ilang minuto kahit walang breathing apparatus na sumusuporta rito. Keith loved the waters in all its forms at kaya nitong pabagalin ang vital signs nito para tumagal sa ilalim ng dagat—isang bagay na hindi niya matutuhan.

Tinamad na siyang maligo kaya mula sa divan na nalililiman ng puno kung saan siya nakaupo ay pinanood na lang niya si Keith sa paglangoy nito. Kinuha niya ang telescope at itinutok sa dagat. "There he is," sabi niya nang lumitaw ang ulo nito. May-kalayuan din pala ang narating nito.

Ikinampay ni Keith ang mga kamay nito at nagsimulang lumangoy palapit sa dalampasigan. Kahit sino ang makakita rito ay iisipin na isa itong professional swimmer. He did the freestyle and the butterfly stroke and he did it with elegance.

There it was again, ang kakaibang pakiramdam na iyon. Dati pa niyang nakikita si Keith na naka-swimming trunks pero kailanman ay hindi niya naramdaman ang kakaibang pakiramdam na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Was it physical attraction that she felt towards her best friend?

Tumigil si Keith sa paglangoy nang nasa mababaw na parte na ito. Naglakad na lang ito paahon. And oh, God, he looked so magnificent as his body slowly came up from the water. Napigil niya ang hininga nang tuluyang lumitaw ang kabuuan nito mula sa tubig. Keith was only wearing his trunks and oh boy, was he so sexy! He stood tall and magnificent. His chest and stomach were well-defined as if there was no room for excess fat. His biceps were firm, nagpapakita iyon ng katatagan. Tila ito hari ng karagatan habang matikas na naglalakad at tumutulo pa ang tubig mula sa buhok at katawan nito.

Hindi nakaligtas sa kanya nang gumawi ang tingin ng kababaihan dito. Admiration was in their eyes. Napailing siya nang mapansing bahagya pang nakaawang ang mga labi ng ilan. Walang duda, malakas talaga ang appeal ni Keith. His presence didn't go unnoticed.

Napatuwid siya ng upo nang may isang babae na lumapit kay Keith. Maganda ito at nag-uumapaw ang self-confidence. She wasn't that naïve pero gusto niyang mailang sa suot nitong swimsuit. It was skimpy na tila ayaw nitong magtira para sa imahinasyon ng kalalakihan. They had a little chitchat and Keith must have enjoyed talking to her because he was laughing. Lalong naging kaaya-ayang pagmasdan si Keith habang tumatawa ito. Ngayon lang niya napagtanto na hindi lamang basta guwapo ang kaibigan niya. Keith was way more than "handsome." He was gorgeous from head to toe.

Umakto siyang normal nang makalapit ito. Inihagis niya ang tuwalya rito. Isinampay ni Keith ang tuwalya sa balikat nito pagkatapos punasan ang katawan. Tumabi ito sa kanya sa kinauupuan niyang divan.

"Jeg, look what I found," masiglang sabi nito habang inilalahad sa harap niya ang palad nito. Nakita niya roon ang dalawang kulay-pulang shell. Hugis-puso ang mga iyon.

"Wow, ang ganda! bulalas niya. Ngayon lang ako nakakita ng ganyang shape ng shells. Kulay-pula pa. Patingin nga." Kinuha niya ang mga iyon at pinagmasdan. Napagtanto niya na magkadikit ang dalawang shell. Isa lamang iyon ngunit nahati sa dalawa.

"May naisip akong gawin diyan," sabi ni Keith. Kinuha nito ang mga gamit niya at niyaya siyang umuwi sa cottage nila. Tutal ay wala siya sa mood maligo kaya sumang-ayon na rin siya.




"Keith, kakain ba tayo sa restaurant o magpapa-deliver na lang?" tanong ni Jeg.

Nakapag-shower na si Keith at nadatnan niya itong kinukutingting ang mga shell na nakuha nito. Tila seryosong-seryoso ito at nakatuon lang ang atensiyon doon.

"Done!" bulalas nito na hindi lumilingon. "Natapos ko rin."

Tumayo si Keith bitbit ang pinagkaabalahang shell. Nakita niyang ginawa nitong kuwintas ang mga iyon. Mababakas sa mukha nito ang excitement nang lumigid ito sa likuran niya at ikinabit ang isang kuwintas sa leeg niya.

Napangiti siya bago hinawakan ang shell na siyang pinaka-pendant niyon. Nasorpresa siya nang makitang may mga salitang nakaukit sa likod niyon: For my best friend.

"Thank you, Keith." Namasa ang mga mata niya dahil sa mga luha. Isa sa mga pinakagusto niyang ugali ni Keith ay ang pagiging sweet at thoughtful nito. Hindi nito nalilimutang bigyan siya ng mga simpleng bagay na pinagpaguran nito nang husto.

"Nagustuhan mo?"

"I love it." Sa sobrang galak niya ay niyakap niya ito. "Keith..."

"Hmm?"

"Thank you," sabi niya habang nakayakap pa rin dito.

"You're welcome. Pero kailangan mo akong ilibre ng dinner, okay?"

Natawa siya, saka lumayo na rito. "No problem. Teka, nasaan ang kalahati ng shell? Ginawa mo ring kuwintas mo? Patingin kung ano'ng nakaukit."

"It's not mine. Para sa isang espesyal na tao 'yon. Sorry, hindi mo puwedeng basahin ang dedication," nakangiting sabi nito. "Tara na, ginutom ako sa paggawa niyan."

Sino ang espesyal na tao na tinutukoy nito? Binale-wala na lang niya iyon at nagpatianod na rito.

Te Amo, Forever And Ever (Completed!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon