JEG OPENED her eyes. Matinding sakit ng ulo ang naramdaman niya. Umungol siya at dumapa para ibaon ang mukha sa malambot na unan. Sa pagkakataong iyon ay hindi lamang sakit ng ulo ang naramdaman niya. May munting kirot din siyang nararamdaman sa kaibuturan ng kanyang pagkababae. Napabalikwas siya dahilan para mawala ang kumot na tumatabing sa kanyang katawan. Nanlaki ang mga mata niya at nakaramdam ng panlalamig ang buong katawan niya. She was naked under the sheets.
"God! What happened?!" hysterical niyang tanong. Napasandal siya sa headboard ng kama. Paggalaw niya ay nahila niya ang kumot dahilan para tumambad sa mga mata niya ang nangingitim na mantsa sa puting bedsheet. She cried in disbelief. May nangyari sa kanya, she knew it. Pero paano siya napunta sa lugar na iyon. Sinabunutan niya ang kanyang buhok hanggang sa maramdaman niya ang sakit. Noon mismo ay bumalik sa isip niya ang nangyari nang nagdaang gabi. Nagalit siya kay Keith kaya nilunod niya ang sarili sa alak. And then there was this man na hindi niya maalala kung ano ang pangalan. He gave her a drink and then suddenly her libido rose. There was a fire inside her and the need consumed her. Iisa lang ang nasa isip niya, she needed to release that tension. Pagkatapos ay biglang sumakay ang lalaking iyon sa kotse niya at—
Her eyes grew wide in horror. "God! May inilagay sa inumin ko ang lalaking 'yon!" she concluded. Hindi niya naawat ang sarili niya at tila naging bukal na ng luha ang kanyang mga mata. She'd been raped! Iyon ang masakit na katotohanan na kailangan niyang pagdusahan. She wanted to scream but she was too shocked to do it. Namalisbis ang mga luha sa kanyang mga mata.
Dali-dali siyang pumasok sa banyo at kinuskos ang lahat ng bahagi ng kanyang katawan habang walang tigil sa pag-agos ang mga luha sa kanyang mga mata. Naroon ang pandidiri. Pakiramdam niya ay napakarumi niya.
"Oh, God!" paghihinagpis niya habang nanghihinang napaupo sa malamig na sahig habang direktang tumatama sa kanya ang malamig na buhos ng shower. Umiyak siya nang umiyak pero patuloy na nagsisikip ang dibdib niya. Patuloy na nadudurog ang pagkatao niya tuwing naiisip niya ang mga nangyari. Nananakit na ang lalamunan niya pero ayaw pa ring lumabas ng kanyang tinig. Ang lupit naman ng kapalaran para dalhin siya sa sitwasyong iyon. She was a good daughter, for Christ sake! She heard the mass every Sunday. And she did her share of charity work. Pero bakit ganoon? Bakit pakiramdam niya ngayon ay pinarurusahan siya ng Diyos?
Nakaramdam siya ng ginaw pero mas nangingibabaw ang sakit ng kalooban niya. Kung puwede lang na ituring niya iyong isang masamang bangungot. Pero alam niya, mula sa araw na iyon ay magbabago na ang buhay niya. She was tainted, that was the sorry truth. Ano pa ang puwede niyang ipagmalaki? Humagulhol siya nang humagulhol pero kahit ano ang gawin niya ay hindi magawang hugasan ng mga luha niya ang masakit na katotohanang iyon.
Nakabalot ng tuwalya ang katawan na lumabas siya ng banyo. Tulala at nanginginig ang katawan niya dahil sa pinaghalo-halong sakit ng kalooban at ginaw. Umupo siya sa kama at pinakatitigan ang nangingitim na mantsang iyon. Muling bumukal ang mga luha sa kanyang mga mata. All her life, she had taken care of herself. Bata pa lang siya ay mahilig na siya sa fairy tale at sa mundo ng mga prinsesa at Prince Charming. She had hoped to find her prince someday and live with him happily ever after. Nang magdalaga siya ay iyon pa rin ang pangarap niya—to find her Prince Charming to whom she would offer her everything. But now, her dream was ruined. She was ruined.
Sa nanlalabo niyang mga mata ay napansin niya ang kanyang mga kasuotan na maayos na nakatupi sa isang mesa. Tumayo siya at nilapitan ang mga iyon. Nakita niya na bukod sa mga damit niya ay may pagkain na naroon. May pumpon ng mga bulaklak, at naroon din ang susi ng kanyang sasakyan. May gamot din doon na nahihinuha niyang pantanggal ng hangover. Muli siyang napahagulhol. Kung sana ay gamot na kayang burahin sa isip niya ang bangungot na iyon ay baka nagtatalon pa siya sa tuwa.
Lumuluhang kinuha niya ang kanyang mga damit at isinuot ang mga iyon. Kinuha niya ang susi at ipinasyang lumabas na. Hindi maganda ang alaala ng silid na iyon pero hindi niya napigilang muling igala ang paningin sa kabuuan ng silid na naging saksi ng pagkawasak ng pagkatao niya. Nagtagal ang paningin niya sa bedsheet. Muli ay gusto na naman niyang mapahagulhol. Nilapitan niya ang kama. Kinuha niya ang bedsheet at itinapon iyon sa basurahan pagkatapos ay naghanda na siyang umalis.
Nakayuko ang ulo na lumabas siya ng silid. Nanliliit siya, pakiramdam niya ay napakababang uri niyang babae nang mga oras na iyon. Mabuti na lang at wala siyang nakasalubong na tao sa lobby. Nakarating siya sa kotse niya na tanging ang dalawang babaeng nasa reception area lamang ang nakita niya. Nagkukuwentuhan ang mga ito kaya nakahinga siya nang maluwag dahil hindi rin siya napansin ng mga ito.