Kabanata 2.

10.4K 518 38
                                    


Mandy:

Nagising ako sa sariling pawis na tumutulo mula saking katawan. Minulat ko ang aking mga mata at madilim parin ang aking nakikita.

"Hmm." Ilang oras ba akong nakatulog sa ganoong posisyon at nananakit ang aking likuran. Malamig na rehas, yan ang nilalamas ko simula umaga dahil nangangapa ako. Hindi parin ako sanay sa ganito kadilim. Walang kahit ano sa loob kundi ako lang. Ako lang.

Nagsimula nanamang tumulo ang aking mga luha. Pilit kong pinipigilan ang pag gawa ng anumang ingay sapagkat baka marinig ako ng halimaw. Oo halimaw siya. Halimaw na maamo ang mukha. Halimaw na walang sungay. Demonyo. Demonyong naninirahan dito sa lupa.

"D-Dad." I miss my dad. Kailan ba matatapos ang paghihirap ko? Alam kong pinapahanap na niya ako. Alam kong hinahanap ako ng mga sundalo ng Daddy.

Be brave Mandy. Hindi ikaw ang klase ng taong susuko. Hindi ikaw ang klase ng taong nawawalan ng pag asa.

Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ko ang pagkalam ng aking sikmura. Napalunok pa ako ng ilang beses at naramdaman ko ang tuyo kong lalamunan dahil sa wala ng laway na mailunok.

"I'm hungry." Bulong ko sa sarili ko ng biglang bumukas ang bumbilya ng ilaw. Napapikit ako sa labis na hapdi ng aking mga mata. Ang sakit sa mata ng liwanag. Para bang kay tagal ko sa dilim nanirahan.

Nakita ko ang rebulto ng tao. Taong nakatungkod at kubado. Hindi ko nga lang maaninag ng maayos ang kanyang mukha dahil sa nanlalabo parin ang aking paningin.

Bumukas ang bakal na pinto at pumasok ito sa loob para iabot sakin ang isang buong tray na puno ng pagkain.

"Kumain ka lang ng kumain hija. Wag ka lang gagawa ng anumang ingay." Sabi nito sakin. Nakikinig naman ako sakanya habang isa isa kong nilalantakan ang pagkain. Halos mabulunan na ako at hindi lahat magkasiya kasiya sa lalamunan ko dahil sa walang tigil kong pag subo.

"Ikaw pala ang kaisa isang babae sa angkan ng mga Amulet." Sabi ng matandang lalaki kaya napatigil ako saking kinakain at napatingin dito.

Sa henerasiyon kasi namin ay tama ito. Bukod saking Ina ay ako nga lang ang kaisa isang babae. Puro lalaki ang mga pinsan ko at kapatid ng Daddy.

Nilunok ko lang ang pagkain at magsasalita na sana ng natakot ang matanda.

"Hija wag ka ng magsalita. Ayaw na ayaw ng Lord na magsalita ka kahit anong salita." Nakagat ko ang aking dila ng maalala ang nangyare kagabi. Nagalit nga sakin ang lalaking yon ng madinig nito ang boses ko. Para bang kahit pag hikbi ko'y kinakukulo na ng kanyang dugo.

Napakagat labi naman ako at napatingin sa ibaba. Hindi ko nanaman mapigil ang pagpatak ng aking mga luha. Ano nga ba ang nangyayare? Wala akong kaalam alam.

"Sige na tahan na. Babalik na ako at baka hanapin ako." Pagpapaalam sakin ng matandang lalaki. Aalis na sana ito ng lumingon muli.

"Tata Selo ang pangalan ko hija." Sabi nito at ngumiti bago tuluyang lumabas ng aking kulungan. Inilagay ko ang tray sa gilid at nagsumiksik muli sa gilid. Pinatay na niya ulit ang ilaw kung kaya nama'y puro kadiliman nalang ang makikita ko.

Mas mabuti pa nga kung pumikit nalang ako at matulog dahil wala din naman magbabago kung dumilat pa ako dahil para lang din akong nakapikit. Mas mabuti pa nga na matulog nalang ako dahil nagbabasakali akong sa panaginip ay maganda ang makikita ko. Sa panaginip ay may makita ako.

...

Habang tulog si Mandy ay nasa labas lamang ang binatang si Lance at pinagmamasdan ang dalaga. Nabuhay muli ang galit dito ng makita ang inosenteng dalaga. Gusto na niyang tapusin ang buhay nito pero alam niyang gagawin lang niya yon sa harap mismo ni Conrado. Wawakasan niya ang buhay ng dalaga sa harapan mismo ng lalaking sumira ng buhay niya.

Ford Series 1: Stolen by the First SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon