"CASSIDY anak ano ba ang problema? Hindi mo kinakain ang paborito mong sinigang na salmon." Nakakunot ang noo ng inang si Sari habang ino-obserbahan ang unica hija. Sa halip na mag salita ay dinampot naman ng dalaga ang tinidor at tinusok ang parte ng isda. Tahimik naman ang ama nitong si Stephen na nakatitig lang sa bawat galaw ng anak."I'm okay mom. Marami lang ginagawa sa kompanya." Pinilit na ngumiti ni Cassidy upang mapanatag ang nag aalalang ina.
"I'm done. Cassidy sasabay ka ba sa 'kin sa kompanya?" Sabi ng ama nito habang nagpupunas ng bibig. Nag-angat naman ng tingin si Cassidy at tumango. Maagang nahubog ang kaalaman nito sa negosyo ng kanyang mga magulang.
"Honey, dadalaw ako sa hospital. Bibisitahin ko si Ate Ellen balita ko kasi ay sinugod nanaman ito." Pagpapaalam ni Sari. Tumango naman si Stepen.
"Mom dadalaw ako mamayang gabi kay tita. Gusto ko na ngang isama si Lance pero lately ay magmamatigas siya." Sabi ni Cassidy. Hindi alam ng kanyang mga magulang ang pag-ibig na nararamdaman nito para kay Lance na kanyang pinsan.
"Ano ba naman tong si Lance. Matagal nang patay si Reid. Bakit ba hindi niya bisitahin si Ate Ellen ang kanyang ina para naman matuwa ito." Sabi naman ng ina nitong si Sari. Nasabi lamang niya ang katagang iyon dahil si Ellen ang kauna-unahan na naging pamilya niya. Si Ellen na parang tunay na kapatid at kadugo.
"Sari enough. Hindi na dapat natin kuwesiyonin si Lance. Alam naman natin ang trahedya na nangyare sa mga Ford at ang traumang bumaon sa isipan ng bata."
Natahimik naman si Sari at nagsalita.
"Nag-aalala lang naman ako. Alam mo naman kung gaano kahalaga sa akin ang Ate Ellen." Huminga naman ng malalim si Stepen at hinawakan ang kamay ni Sari.
"I know honey I understand you. Hayaan na lang natin ang mga Ford. Hindi naman na bata si Lance." Hinalikan nito ang noo ni Sari at tumayo na. Tahimik lamang na nakikinig si Cassidy. Sa murang edad ay minulat ito ng kanyang ama kung anong buhay ang kanyang kinabibilangan. Sagana man sila sa yaman ngunit magulo ang buhay ng mga Ford at Delfonso.
Si Stepen Delfonso, isang Mafia Boss at pang-apat sa ranggo. Pinsan niyang buo si Reid Lewis Ford na siyang pinaka mataas sa larangan ng Mafia. Hindi madali para kay Stepen ang pagkasawi nito kahit pa hindi nila mahanap ang katawan ni Reid. Alam niya sa kanyang sarili na kailangan niyang proteksyunan ang mga naiwan nito dahil iyon ang bilin ni Reid bago ito mawala.
Sumakay na sa itim na ferrari si Stepen kasama ang anak na si Cassidy. Nagsimula namang paandarin ng driver ang sasakyan at habang sila'y nasa daan ay tahimik niyang inoobserbahan ang anak. Madaling basahin si Cassidy tulad ng ina nitong si Sari. Mabilis na nakita ni Stepen ang kakaibang pagtingin nito para kay Lance ngunit pinipilit niyang iwaglit iyon sa kanyang isipan dahil alam nitong hindi tama.
Mahaba ang trapiko sa edsa. Habang pula pa ang stop light ay naiinip namang napatingin si Stepen sa bintana. May dalawang itim na sasakyan agad ang pumagitna sa kanila at kakaiba ang naramdaman nito. Huminga ng malalim si Stepen at tumingin sa rear mirror. Nakita nito ang kakaibang titig ng driver na para bang hindi mapakali. Sa bawat segundong lumilipas ay naging mapanuri ang mga mata nito. Kinuha niya ang kanyang phone para kontakin ang personal bodyguard na dapat ay nakasunod ang kotse ngunit hindi ito sumasagot. Alam niyang may kakaibang nangyayare at hindi tama.
"Cassidy." Kampanteng tawag nito sa anak.
"Yes Dad?" Lumingon naman ito nang bigla na lamang umulan ng bala.
"Get down!" Mabilis na pinayuko nito ang anak at sa kabutihang palad ay isang bala lamang ang tumagos sa bullet proof window ng kanilang sasakyan. Nagsimula namang mag wala ang mga sasakyan sa labas dahil sa pangyayare. Ang driver naman na kanina pa balisa'y humugot ng baril at patatamaan sana nito ang anak na si Cassidy ngunit mabilis na sinipa ni Stepen ang likuran ng upuan. Kaagad na kinuha nito ang seat belt at ipinilipit sa leeg ng driver. Doon ay nakita niya ang kakaibang tattoo na sumisimbolo na isa itong sindikato.

BINABASA MO ANG
Ford Series 1: Stolen by the First Son
General FictionLance Raze Ford [Ford Series #1] Paghihiganti ang nabuhay sa dugo't isipan ni Lance sa murang edad pa lamang. Bata pa lang ay nasubok at nahasa na ang kaalaman ni nito sa mundo kung saan siya nabibilang. Sa mundo na para sakanya'y hindi kailangan an...