Kabanata 3.

9.2K 490 44
                                    

Cassidy:

"Mam Cassidy san po kayo pupunta? Kabilin-bilinan po ng Daddy at Mommy niyo na wag po kayong palabasin pag dis oras na po ng-"

"Kaya ko na ang sarili ko." Kinuha ko ang mini pouch ko at nakahanda ng umalis ng harangan ako nito.

"Mam baka mapagalitan kami ng Daddy niyo." Nag aalala siya.

"Manang Pinay ngayon lang naman. Please I really have to go." Hindi ko na pinatapos ang sasabihin pa nito. Kailangan ko ng umalis dahil kailangan ako ni Lance.

"Mam! Wag po matigas ang shhdiagdhdjsnsbhdska" Hindi ko na nadinig pa ang mga sinasabi ni Manang dahil pinaharurot ko na ang sasakyan. Tumingin ako sa wrist watch ko. It's 11:53 pm. Ilang minuto nalang midnight na.

Mas binilisan ko pa ang mamaneho hanggang sa marating ko ang bar kung nasan si Lance. Thanks to Lloyd ang kaibigan niya at tinawagan ako para sunduin ito.

...

"Cas! Over here!" Nakita niya agad ako ng makapasok na sa loob mismo ng bar.

"What happened Lloyd? Wala ba sila Lawrence?" Hanap ko at nagbabakasakali kung alam ng mga kakambal nito ang nangyayare sakanya.

"No, hindi ko na tinawagan si Lawrence. Nasa hospital pa sila bantay kay tita Ellen." Ina nila lang ang tinutukoy ni Lloyd.

Matalik na magkaibigan ang Mommy at si Tita Ellen. Magpinsan naman ang Daddy at si Mr. Reid Ford ang ama nila Lance kaya pinsan ko sila. Yes, We're related in blood.

Apat silang magkakapatid. I mean apat silang magkakambal. At nag asawa na ang dalawa niyang kapatid na si Lawrence at Lerwick. Si Lance nalang at si Liam naman ay binata pa. Liam is a womanizer. Sa magkakapatid siya ang pinaka matinik sa babae while Lance is different. Sobrang lamig nito makitungo sa tao. Ilan lang yan sa katangian ng dalawa kaya siguro hanggang ngayon ay mga binata pa.

"Ako ng bahala sakanya." Sabi ko kay Lloyd at isinabit ang braso ni Lance sa batok ko.

"You're so heavy asshole!" Inis na sabi ko.

Wala na ba siyang malay? Nakayuko nalang to at hindi na nagsasalita.

"Tulungan na kita." Mabuti nalang at nandiyan si Lloyd at tunulungan akong akayin ang patay na si Lance ng dahil sa alak papasok mismo ng kotse ko.

"Hey wala siyang dalang kotse?" Tanong ko.

"Ako ng bahala sa Porsche niya. Susunod nalang ako sayo." Napatango nalang ako at inistart na ang makina ng kotse ko. Nakita ko naman ang kulay pulang Porsche ni Lance sa may likurang banda kung saan ako nag park kaya nagsimula na akong magmaneho. Nakasunod naman si Lloyd samin pauwi ng mansion.

...

"Salamat Lloyd ako ng bahala sakanya." Sabi ko dito bago siya mag paalam. Napahinga naman ako ng malalim habang pinagmamasdan si Lance na lunod sa alak.
"Hindi ko na alam kung anong pumasok sa kokote mo para mag lasing." Inis na sabi ko kahit na hindi naman niya ako naririnig.

Sinimulan ko ng tanggalin ang mga sapatos niya pati ang itim nitong mejas. Itinabi ko na yon at nag tungo ako sa banyo para kumuha ng maliit na planggana at maligamgam na tubig.

Pagbalik ko nasa ganong posisyon parin ito. Grabe sobrang lasing. Tatanggalin ko na sana ang botones para punasan ang dibdib nito ng may kumalabog. Napalingon ako sa labas ng pinto at nahagip ng mga mata ko ang babae na tumakbo palayo.

Sino yon?

Iniwan ko muna ang ginagawa ko at sinundan ito. Paglabas ko ng silid ni Lance ay nakita ko ang babae na pumasok sa kulungan niya at ni-lock ito.

Ford Series 1: Stolen by the First SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon