Kabanata 6.

8.1K 360 51
                                    


Mandy:

"Anong gagawin natin sa anak ng Amulet Lord?" Dinig ko ang pag uusap ni Ana at Lance. Tahimik lang akong nakikinig habang nasa kabilang silid. Hindi pa magaling ang mga sugat ni Lance kaya't nagpapahinga pa ito. Hindi ko alam kung bakit ba hinihintay ko kung ano ang isasagot niya.

Napahawak ako sa kapiraso ng aking buhok. Nasa banyo at nakaupo sa inidoro habang hinihintay ang isasagot nito. Nang mag salita siya ay siya namang pag kabog bigla ng aking dibdib.

"Ilayo mo sa'kin. Hindi ko alam kung ano ang pwede kong gawin kapag nakikita ko ang mukha niya. I hate her innocence." Napunit ang puso ko. Bakit ba ako naaapektuhan?

"Hindi ba pakakasalan mo rin ito para pahirapan?" Nanlaki ang mga mata ko sa sunod na tanong ni Ana. Naalala ko ang kontrata na pilit na pinapipirmahan ni Lance. He owned me for a million cost. Ano nga ba ang pinuputok ng butsi mo Mandy?

"Bata siya at sariwa—" Naputol ang sasabihin nito. Napahawak ako sa'king bibig sa labis na pagkagulat. Anong ibig sabihin ng sinabi mo Lance?

"Forget about the wedding Ana. Gusto kong sirain ang buhay ng isang Amulet. Malas niya dahil naging anak pa siya ng tarantadong 'yon." Galit. Walang mababakas sa kanyang pananalita kundi ang matinding galit.

"Lance hindi ko alam kung ano ang binabalak mo hijo. Pero huwag mo sanang kalimutan ang pagpapalaki sayo ni Ellen." Nangunot ang aking noo. Nag iba bigla ang pananalita ni Ana.

Katahimikan ang namayani sa kabilang silid. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayare kaya't tumayo na ako bago pa nila mahuli. Bumalik sa aking silid at duon nag kulong. Nag mukmok ako ng matagal.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising din sa matinding pananakit ng tiyan dahil sa gutom. Kumukulo ito kung kaya't naisipan ko ng lumabas para kumain.

Naabutan ko naman si Ana na nag luluto. Hindi ko namalayang madilim na pala at buong araw akong hindi kumain.

"Gising kana pala. Halika dito at kumain ka. Hindi ka sumasagot sa mga katok ko kanina." Ani ni Ana.

Napakagat labi ako. Naasiwa ako bigla nang tignan ko ito. Wala naman kasi sa mukha ang malaking agwat sa aming dalawa.

"A-Ana? Pwede ba kitang tawaging Tita Ana?" Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko. Bakit ko nga ba naitanong ang bagay na 'yon? Inilapag nito ang pagkain at seryosong tumingin sa akin.

Napakamot ako sa aking batok. "H-Hindi ahm ano? Kalimutan mo na ang sinabi ko hehe." Maya maya pa'y tumawa na ito.

"Ayos na sa'kin ang Ana." Napakagat muli ako sa aking labi at saka biglang tumunog ang aking tiyan. Nanlaki bigla ang mga mata ko at napahawak dito. Mas lalo pa ang hiya at pag init ng aking mukha nang maramdaman ang presensiya ng nasa likuran. Nag lakad lang ito ng tahimik at pumunta ng mesa.

Si Lance! Nadinig niya kaya ang pag iingay ng sikmura ko? Natawa ng mahina si Ana at napatingin sa akin. Saglit akong natigilan at nag dalawang isip. Teka, ayaw nga nitong lumalapit ako sa kanya diba? Didistansiya na muna ako.

Kaagad akong tumalikod para pumanhik ng akyat.

"Don't be silly. Mamamatay ka ng gutom." Dinig kong nag salita si Lance. Napalingon ako dahil sa pagkagulat. Napatingin ako sa seryosong mukha nito habang nakatuon ang atensiyon sa pagkain. Tahimik siyang kumakain na walang pakialam sa paligid.

Nagawi ang aking tingin kay Ana. Nakangiti ito sa akin at sinesenyas na maupo na ako para kumain. Ilang sandali pa ang lumipas at naupo na nga ako sa tapat ni Lance.

"Tsk." Dinig kong naasiwa ito nang mag tapat kaming dalawa. Pilit na iniiiwas ang paningin sa akin at itinuon ang buong atensiyon sa pagkain. Naiwan kami sa ganoong eksena. Umalis kasi si Ana at umakyat. Hindi ko alam kung paano ako kakain nang mag angat ng tingin sa akin si Lance. Masama lang niya akong tinititigan. Bawat kilos ko'y tinitignan nito na nakakunot ang noo.

Ford Series 1: Stolen by the First SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon