HULING nagpunta ang binatang si Lance sa kanyang sariling hospital. Kaagad na na-alerto ang mga doctor at nurse sa pag-sulpot nito."Doc nandito po pala kayo." Bati ng isang doctor na galing sa operating room. Hindi ito kinausap ng binata at sa halip ay hinanap ang kaibigan na siyang gumagamot sa kanyang ina.
"Lance." Lumapit ito habang dala ang ilang mga papeles.
"How is she?" Tanong ni Lance at kinuha ang hawak ng doctora.
"Good." Sabi ng binata nang matiyak nitong nakaka-recover na ang ina sa matinding trauma.
"Lance gusto mo ba siyang makita?" Tanong ng doctora. Tumango naman si Lance at naglakad na. Pinag-titinginan naman sila ng mga tao sa loob dahil sa lamig ng pakikitungo nito. Pag-bukas pa lang ng pinto'y naabutan ni Lance ang pinsan nitong si Cassidy na may maliit na galos sa noo.
"Lance dumating ka!" Kaagad na yumakap ito.
"Kamusta ka?" Tanong ni Lance nang makita ang takot sa mukha ni Cassidy.
"Ayos na ako. Natutulog lang ang Tita Ellen. Galing ang daddy at mommy dito may inaasikaso lang sila at babalik din."
Tinanggal naman ng binata ang mga kamay ni Cassidy na siyang nakapulupot sa kanya. Lumapit ito sa nahihimbing na ina at hinaplos ang buhok. Bakas pa rin ang gandang taglay nito kahit na may malalaki ng mga anak.
Nagkatinginan naman ang dalawa pang tao sa loob na si Cassidy at ang kaibigan ni Lance na ang pangalan ay Francine. Si Francine ang naging kaklase ni Lance simula kolehiyo at hindi maganda ang nararamdaman ni Cassidy para rito. Alam niya na may kung anong ibig sabihin ng mga titig at pagkilos ng dalagang doctora para sa kanyang pinsan.
"Kamusta ka naman Cassidy?" Magkakilala na ang dalawa dahil iisa lamang ang unibersidad na kanilang pinasukan.
"I'm good." Pinilit nitong ngumiti. Ganon din ang doctora at lumapit kay Cassidy. Napatingin ito sa gawi ni Lance at huminga ng malalim.
"Gusto mo bang magkape sa labas?" Aya ng doctora na tila gustong makuha ang loob niya.
"No thank you. Babalik pa ako sa kompanya." Kaagad na pagtutol ni Cassidy kahit na hindi naman talaga siya babalik ng kompanya. Hindi siya papayagan ng ama na lumabas ng hospital hangga't wala ang mga bodyguards nito.
Lumapit naman si Lance sa doctora at nagpasalamat.
"Thank you Francine. I don't know what to do without you." Nag-iba naman ang timpla ng mukha ni Cassidy dahil ang mga salitang iyon ay halatang nagpakilig sa doctora kahit pa alam niyang walang ibig sabihin iyon para kay Lance.
"Lance pwede mo ba akong ihatid sa airport?" Malungkot na tanong ni Cassidy. Kahit ayaw nitong pumayag sa gusto ng ama ay wala siyang magagawa. Hindi ligtas para sa kanya ang manatili sa Pilipinas ng mga oras na iyon.
MANDY:
GABI nang may dumating si Lance. Kaagad ko siyang sinalubong matapos nitong patayin ang makina ng sasakyan. Nakangiti ako habang nakatayo at inaantay ito.
Nang mag tama ang aming mga mata'y ngumiti rin ito pabalik. Ngumiti sa akin si Lance. Napalunok ako nang siya ay papalapit na. Pagod ang mga mata nito at mukhang galing sa mahabang biyahe.
"Bakit gising ka pa?" Bungad nito sa akin.
"Di ba sabi mo gusto mong ako ang unang makikita mo." Ngumiti ito sa sinabi ko at ako'y inakbayan.
"Let's go inside." Nagpatangay naman ako sa kanya. Nang makapasok kami sa loob ay naupo ito sa sofa at itinaas ang dalawang paa.
"Kumain ka na?" Tanong ko. Tumango lamang ito at tinanong ako pabalik.
"Kumain na ako Lance. Galing si Anna kanina at hinatiran ako ng makakain."
"Good." Sabi nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay na Anna lamang ang tawag dito ngunit iyon ang gusto niya, si Anna.
"Gusto mo bang tanggalin ko ang mga sapatos mo?" Tanong ko. Mukha namang good mood si Lance ngayon. Napansin ko rin na hindi na malamig ang pakikitungo niya sa akin. Hindi ito nag salita at sa halip ay hinila niya ang kamay ko.
"Come here." Inupo niya ako mismo sa mga hita niya. Napangiti ako at kumabog ang puso ko. Ito ang unang beses na mapalapit ako nang husto sa lalaki. Kay Lance lamang, sa kanya ko unang naramdaman ang lahat.
"Mandy." Tawag nito sa pangalan ko. Ang sarap sa pakiramdam kapag sa kanya mismo ito nanggagaling.
"Yes?" Nakangiti kong tanong.
"Gusto mo ba ako?" Napatigil ako sa tanong nito. Bakit ganito? Bakit nahihiya akong malaman niya ang tunay kong nararamdaman.
Gustong gusto ko si Lance. Mahal ko siya kung iyon ang tamang salita para sa nararamdaman ko. Handa na rin akong aminin sa kanya ang sinisigaw ng puso ko nang sandaling iyon.
Sasagot na sana ako nang magsalita ito.
"Dahil hindi mo dapat gustuhin ang tulad ko." Ang mga salitang iyon ang bumasag ng puso ko.
Napatayo ako sa sinabi niya. Nakalimutan ko ang totoong dahilan kung bakit kasama ko siya. Nakalimutan kong isa nga pala akong bihag.
"Huwag kang mag-alala wala akong nararamdamang espesyal para sa 'yo." Saglit na natahimik si Lance at maya maya pa'y tumayo ito at nagsimula nanv mag lakad. Hindi niya na ako nilingon simula nang gabing iyon.
Hindi niya nasilayan ang unti-unting pag bagsak ng aking mga luha.
MABILIS na pumasok si Lance sa study room nang iwan nito si Mandy. Ayaw niyang mag-paapekto sa sinabi ng dalaga. Hindi niya mawari kung bakit naiinis siyang malaman na walang nararamdaman ito para sa kanya. Kaagad niyang kinuha ang mamahaling brandy at isinalin ito. Ngayong gabi ay gusto niyang makatulog ng maaga kaya't iinom ito.
Sumandal si Lance sa kanyang swivel chair at inilapag ang baso.
"Isa kang Amulet. Hindi dapat kita gustuhin Mandy." Mga salitang kusang lumabas sa kanyang mga labi. Pumikit ang binata. Hindi mawala sa kanyang isipan ang dalaga. Kung bakit nga ba sa dinami-rami ng babaeng pwede niyang gustuhin ay bakit sa isa pang anak ng Amulet.
Saglit siyang natigilan. Ano ba ang nararamdaman niya? Bakit apektado siya sa kung anuman ang nararamdaman ng dalaga. Napailing si Lance at mukhang magbubukas pa ng panibagong bote. Mapaparami ang inom niya ngayong gabi upang makalimutan pansamantala ang pag-ibig.
Ang pakiramdam na unti-unting sumisira sa sistema niya.
ITUTULOY....
PLEASE VOTE AND COMMENT:) MAG-BABASA AKO HAHA PANG MOTIVATE. SALAMAT^^
![](https://img.wattpad.com/cover/162471498-288-k468794.jpg)
BINABASA MO ANG
Ford Series 1: Stolen by the First Son
Fiction généraleLance Raze Ford [Ford Series #1] Paghihiganti ang nabuhay sa dugo't isipan ni Lance sa murang edad pa lamang. Bata pa lang ay nasubok at nahasa na ang kaalaman ni nito sa mundo kung saan siya nabibilang. Sa mundo na para sakanya'y hindi kailangan an...