Prologue

59 6 0
                                    


Ako si Gylle Chavez.

Nag-aaral ako sa simpleng school o tinatawag nilang public school. Hindi ako mahirap at di rin mayaman para pumasok sa ganitong paaralan, naisipan lang talaga ng mga magulang ko.

Masaya ako kahit nasa public school. Naglilinis ng classroom bago magstart ang klase at bago umuwi. Maraming kaibigan.

Pero nabago ang lahat ng nagtransfer ako sa isang sikat na PRIVATE SCHOOL- ang PRINCE ACADEMY.

Iba't ibang uri ng tao ang nasasalamuha ko, mga mayayaman, mga magaganda at gwapo pero mataas kung tumingin sa sarili. Akala ko mas sasaya ako sa paaralang iyon dahil nga private, pero hindi. Dahil nakilala ko lang naman ang tinaguriang THE FOUR PRINCE.

Isa si Zedd sa The Four Prince.

Nagbago ang lahat ng paniniwala ko sa buhay ng pumasok ako sa private school at makilala si ZEDD. Si Zedd Mendoza na kilala bilang Bad Prince. Si Zedd Mendoza na malas ng buhay ko. Si Zedd Mendoza na walang ibang ginawa kundi pagtripan ang buong araw ko.

PRINCE ACADEMY.

THE FOUR PRINCE.

Makakaya ko kayang mabuhay dito? O kailangan ko na naman lumipat?

Ano kaya ang magiging buhay ko dito kasama si Zedd?

Dating The Bad PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon