PUNISHMENTGylle POV
Hahahaha tama lang talaga sa kanya ang ginawa ko kahapon. Nakakatawa yung mukha nya pati na rin yung tatlong kasama nya hahaha pwede na talaga ako mag artista, ang galing ko umacting.
"Ayos diba Jenna? Sabi ko naman sayo magwowork yun."
Napatitig ako kay Jenna na tahimik lang na kumakain at wala sa sarili.
Nandito kami ngayon sa Cafeteria, Lunch break. Natagalan pa kami umorder kanina dahil mahaba yung pila para sa counter.
"Hoy Jenna bat ang tahimik mo?"
"Eh kasi naman po Gylle kumakain yung tao."
pabarang na sagot nya."Di ka naman ganyan kumain ah"
I mean, di naman kasi sya ganyan ka tahimik kumain nung last time."Naisip ko lang si Lucas."
"Sino si Lucas?"
"Isa sa The Four Princes"
"Huh? Asan dun?"
"My god! Di mo pa ba kilala? Yung naka eyeglass kahapon na katabi ni Prince One."
Katabi ni Bad Prince? So katabi ni Zedd...
"Ahh-- Teka bat mo sya iniisip? Don't tell memmpppppp!!!"
Di pa ako tapos sa sinasabi ko tumayo na sya at tinakpan ang bibig ko. Mmm I smell something.
"Wag kang maingay. Oo crush ko si Lucas ok? Wag mong ikalat lagot ka sakin!"
"Don't worry bes di ko ikakalat na crush mo si Lu--"
"GYLLE!!!"
Biglang sigaw ni Jenna habang namumula ang pisngi. Hahaha may crush crush na pala tong nalalaman."Ok di na haha"
"Lagot ka sakin! Ayy by the way di yata pumasok si Prince One kanina diba?"
"Di ko nakita bakit?"
"Pinapatawag kasi sya ni Dean kanina pero di ko mahanap."
"Bah malay ko dun!"
Di ko naman kaano ano yung para ipaghanap sakin.
Matapos kaming kumain, dumaan muna kami sa library dahil may kukunin daw syang book bago kami pumunta sa room.
Pagdating namin sa room nahagip agad ng mata ko si Zedd. Di ko talaga bet na tawagin syang Prince One, Bad Prince bagay pa sa kanya. Akala ko ba di to pumasok, matapos lang na mapag-usapan namin kanina ni Jenna biglang sumulpot.
Nakasandal sya sa upuan nya habang nakasabit sa leeg nya ang headphone nya. Sa araw araw na nakikita ko sya dito, yung headphone nya talaga ang di nawawala eh, pabida masyado.
Teka, bat ko ba sya tinitingnan. Erase Gylle! Kaaway mo sya!
Dumiretso nalang ako sa upuan ko at umupo.
Sa gitna ng discussion may kumatok sa pinto at pinapatawag daw ako.
Sheytt anong nagawa ko?"Ms. Chavez pinapatawag ka ng principal."
"Hah? bakit po sir?"
"I don't have any idea. Puntahan mo nalang."
Tumayo na ako at lumabas ng classroom.
Bat ako pinapatawag nila wala naman akong ginawang masama. Di kaya grounded ako? Luh bat naman ako magogrounded di naman ako tumatakas dito sa school.
Nagdalawang isip pa ako pagdating ko sa principal office. Kakatok ba ako o papasok nalang? Hayy bahala na.
Matapos kong kinatok ng tatlong beses may narinig akong boses mula sa loob. Kaya dahan dahan ko na itong binuksan at pumasok.
Nawala ng bahagya ang kaba ko ng nakita ko ang principal. Bat ganon? para akong nakakita ng angel. Ang ganda nya sobra parang nasa mid'20s pa sya.
Wait...parang may kamukha sya.
"Ms. Chavez are you ok? You may take your sit."
Sa kakatitig ko sa kanya nakalimutan ko ng umupo. Nakakahiya naman.
"You're staring at my face?"
"Aahhhh may kahawig lang po kayo."
"Oh really? Sino artista ba?"
"Hehe di po..ano.. Pareho lang po kayo color ng eyes."
"Ayy ganon ba, akala ko artista haha"
"By the way ma'am pinapatawag nyo raw po ako?"
"Ahh anyway, There's someone reported you yesterday."
"Huh? bakit po?"
"You know Ms. Chavez, sa school na to bawal ang trouble maker at kung sino man ang mahuli ay makakatanggap ng punishment."
OMO!!! Dahil ba to sa ginawa ko kahapon?? Dahil kay ZEDD THE BAD PRINCE NA YUN??
Talagang nireport pa ako ng walang hiyang yun! Oohh shttt nakalimutan ko anak nga pala yun ng may-ari shtt!!
Napayuko nalang ako. Nakakahiya naman kabago bago ko may record na agad. Siguro kung hindi si Zedd ang nagsumbong, Isa sa mga fans nya.
Sofia Mendoza?
Yan ang pangalan na nakalagay sa table nya. Bat parang familiar yung last name? Nakalimutan ko na naman kung sino yun. Ang dali ko talagang makalimot. Napaangat naman ako ng tingin ng nagsalita sya.
"Don't worry Ms. Chavez, I won't give you hard punishment."
"Talaga po? Ano po yun?"
"After your class, proceed to the school bodega nandon na lahat ng kailangan mo. Exactly 7pm dapat tapos ka na. Understood?"
"Ok po Ma'am"
"You may go"
Parang ayaw tumayo ng mga paa ko. Sheyytt lang!! simple ba yung paglilinis ng bodega para sa kanya??! Kainisss!!!!
BINABASA MO ANG
Dating The Bad Prince
De TodoThis is a work of FICTION. Names, characters, places and events are FICTITIOUS. Any resemblance to real person, living or dead, actual events is purely coincidental. On-going and still editing