PROJECTGylle POV
"Good Morning Class!" masayang bati ni Teacher Osie na Economics teacher.
Ito na naman ang napakaboring nyang discussion na sobrangggg haba. Mas gugustohin ko pa ang mathematics naeenjoy pa ako sa solving kesa sa napakahabang sulatin.
Natapos ang discussion nya ng wala man lang akong naintindihan. Next subject is English. Mas bet ko pa to.
"Ok class. Dahil nawala ako ng 1 week dahil sa seminar, kailangan nating makahabol sa lesson so basahin nyo nalang yung page 96-104 para sa quiz natin bukas." paliwanag ni Teacher Kathy habang may inaabot na paper sa folder nya.
"And by the way class I will assign two person for this special project that will be pass next week, sino ang willing?"
Natahimik ang buong class ng i-mention ni Teacher Kathy ang project. Basta project wala talagang willing na humawak dyan.
Kasalukuyan akong nakayuko ng lapitan ako ni Teacher Kathy.
"Ms. Chavez I will assign this project to you."
"P..Po?"
"I will assign you this special project and Mr. Mendoza will be your partner. Is it ok to you?"
"Ahhmm..Ok lang po"
Ok lang talaga. Ok lang talaga Teacher Kathy promise! grrrr....Nakayuko na nga ako, ako pa yung nakita. Wait si Zedd ba partner ko? Sheytt sa dinami dami ng pwede kong maging partner bat sya pa!
Nilingon ko si Zedd pero tulog at walang pakialam sa mundo, nakayuko sa arm chair nya.
"Good to hear that Ms. Chavez." nakasmile na sagot ni Teacher Kathy bago bumalik sa teachers table.
"Ms. Chavez and Mr. Mendoza will be exempted on this coming first quarter exam, so you two better do your project."
Pano ko gagawin ang project kasama ang Zedd na yan.
"Gylle ok ka lang?"
Nabaling ang atensyon ko sa kaharap ko. Nasa cafeteria ako ngayon naglalunch kasama si Jenna.
"Ok lang ako, medyo naisip ko lang ang project kanina haha."
Fake laugh.
"Haha malas mo yata bes, yung ultimate enemy mo pa talaga partner mo."
"Ewan ko ba Jen, namalas yata ako dito sa Prince Academy na to!"
"Hahaha di bale na, masaya naman dito."
"I wish"
Pagkatapos namin kumain bumalik na din kami agad sa classroom. May tatlong subject pa kami sa afternoon.
Jenna POV
Kasalukuyan akong palabas ng library ng nakatanggap ako ng text galing kay Gylle. Nauna na daw sya umuwi kasi masakit ang ulo nya.
Nakwento nya sakin ang nangyari kagabi na nastuck daw sila sa bodega ni Zedd. Kinilig ako ng konti don haha. Di na ako mabibigla kung magkadevelopan silang dalawa. Advance ba ako masyado?
"HEY! MS. NAKA HEADBAND!"
Well nakikita ko na silang dalawa sa future haha.
"MS. NAKA BAGPACK!"
Nginaa naman tong sigaw ng sigaw nakarindi-
"MS. JENNA"
Ako ba yung tinatawag nila? Lumingon ako sa pinaglalaban ng boses para makita ko ang tatlong artista este prince..
Wait PRINCE??Naglalakad palapit sakin ang tatlong prince na sina Josh, Calix at Lucas. Ang member ng The Four Prince.
OMO!! B..BAKIT NILA AKO TINATAWAG??!
"Ahh so Jenna pala name nya." dinig kong sabi ni Calix kay Lucas habang papalapit sakin.
"Aamm.. hi? I'm...I'm Jenna, Gylle's bestfriend." pakilala ko sabay lahad ng kamay.
Tinanggap naman nila ang kamay ko isa isa. Lagot ako sa mga pangirls nito.
"Aahh so ikaw ang bestfriend ng babaeng yun."
"Ah Oo, sorry nga pala sa nagawa ni Gylle."
"Bat ka naman nanghihingi ng tawad, di naman ikaw ang may kasalanan." sambit ni Lucas.
"Oo nga. Mabait ka naman masyado."
Napatawa nalang ako sa sinabi ni Calix. Mabait ba kamo? Ewan."Idol ko na nga yun kasi sya lang ang babae na lumaban kay Zedd diba Calix?" tanong ni Josh kay Calix.
"Well except dun sa isa. By the way mauna na ako may gagawin pa pala ako. Nice to meet you Jenna." paalam ni Calix bago lumakad palayo.
"Babae na naman yun." biglang sabi ni Lucas habang nakatingin parin kay Calix na ngayon ay nasa gate na.
"Di naman siguro yun nauubusan ng babae." sagot ko kay Lucas.
"Sinabi mo pa. Left and right ang babae nun. Nga pala Jenna bat ka nag-iisa nasan si Gylle?"
Napalingon ako kay Josh. Sht bat ang gagwapo nilang lahat!
"Nauna ng umuwi masama kasi ang pakiramdam." sagot ko nalang.
"Anong nangyari sa kanya?"
tanong ulit ni Josh na parang nag-aalala."Ahh di sinabi eh."
Napatango tango nalang si Josh tsaka may kinuha sa kanyang bulsa.
"Jenna pauwi ka na ba?"
Ito na naman si Lucas sa tanong nya. Tapos yayayain na naman ako nito na sasama sa kanya.
"Oo."
"Tamang tama pauwi na rin kami ni Josh, baka gusto mong sumama?"
Confirmed. Yayayain na naman nya ako. Nakakahiya kaya!!! Sikat ang mga kasama mo tapos ikaw unknown girl lang.
"Wag na!"
"Ano ka ba Jenna ok lang." yaya naman sakin ni Josh.
Nyeta anong nakain ng mga to para bigla akong yayayain.
"M..may pupuntahan pa naman ako inutusan ako ni Mama kaya thank you nalang."
"Sige next time nalang siguro. Mauna na kami."
Naglakad na sila palayo sakin. Bat bigla nila akong napansin?? Dahil ba to sa nagawa ni Gylle? Sa tagal ko dito finally nakita na nila ako ayieeee. Lalo na si Lucas waaaahhhhhh sa wakas napansin na ako ni Kwass!!!
~~~
BINABASA MO ANG
Dating The Bad Prince
RandomThis is a work of FICTION. Names, characters, places and events are FICTITIOUS. Any resemblance to real person, living or dead, actual events is purely coincidental. On-going and still editing