Chapter 15

4 0 0
                                    

PICK UP BOY

Jenna POV

"Jenna! Gumising ka na!"

Nagising ang diwa ko ng marinig ko ang sigaw ni Mommy mula sa labas ng room ko. Nakapikit pa ako, ayokong gumising ang sarap pang matulog eh. Naramdaman kong bumukas ang pinto at pumasok sya.

"Jenna anak gising na." Niyugyog nya ako pero nakapikit parin ako.

"Hhhmmm...."

"ANO?"

Bigla kong naimulat ang mata ko at napatayo bigla sa sigaw ni Mommy. Ano ba yan, nagising na tuloy ang diwa ko.

"Mom it's Saturday! Wala pong pasok!"

Bumalik ako ulit sa kama at umupo ng nawala na ang pagkabigla ko. Kung makasigaw naman kasi!

"I know it's Saturday."

"Then why did you woke me up so early?"

"Anong so early, aba it's already 2pm! Kailan ka gigising kapag gabi na?"

Kinuha ko ang cellphone ko only to see 2pm.

"Bumaba ka na dyan at kumain."

Pinikit pikit ko ang mata ko at humiga sa kama.
"Last one hour mom."

"No! Bumaba ka na."

"Pls mom." Nagpacute na ako sa kanya kaya sana epektib to.

"Stop that! Di ko na ako madadala sa ganyan."

"Mommy naman oh. Hindi po kasi ako nakatulog kagabi."

"And why?"

"Mommy you're getting stress early in the morning."

"Yes and that's because of you. And it's not morning anymore, Tanghali na kaya bumangon ka na."

"Ok." walang ganang sagot ko.

Paglabas nya sa pinto ay humiga ako ulit. Ang sarap pa talaga matulog. Ang bigat pa talaga ng katawan kong bumangon eh. Anong oras nga ba ako nakatulog kabagi? I think 3am or 4am? Basta and that's because of Lucas!

Flashback

I was combing my hair when my cellphone beeps. Katatapos ko lang maligo.

1 message from Lucas

Aba anong nakain nito at nakipagtext sakin.

"Hi"

"Hello?" -sent

"Musta?"

Wow parang kanina lang naman ang uwian ng klase eh, kung makamusta akala mo ilang taon hind nagkita.

"I'm fine." - sent

"Anong ginagawa mo?"

Ok. Gusto mo palang makipag-usap Lucas. Go ako dyan. Pumunta ako sa kama at humiga.

"Nothing. Why?" - sent

"Just askin'"

"Anong nakain mo at nakipagtext ka?" - sent

"Boring kasi dito."

"Ok. bat ako yung itinext mo?" - sent

"Bawal ba?"

"Of course not. Nagtaka lang." - sent

"Haha kumain ka na?"

And so on and so fourth......

End of Flashback

Yan! Yan ang dahilan kung bakit late ako nakatulog kagabi. Yang Gwapong Lucas na yan na hindi ako tinatantanan sa kakatext.

At ito pa talaga ang nagpabulabog sa pagtulog ko kagabi eh!!! Hindi mawala wala to sa isip ko.

"Meralco ka ba?"

"No. Bakit?" - sent

"Hindi ko alam pero kasi may sparks sa tuwing ngumingiti ka"

See? Sino ang makakatulog kung sasabihan ka ng ganyan? At yung kras mo pa ang magsasabi! At ako naman si kinilig na todo ang tili tsk. Wait...Ito pa nga pala

"Ini-SMALL ka ba nila?"

"Ano na naman?" - sent

"Huwag kang mag-alala Jenna dahil sakin inii-BIG kita."

See? Hindi ako tinantanan ng isip ko dyan kagabi kaya pupukpukin ko talaga ng martilyo ang Lucas na yun kapag mag kakaeyebags ako. Pinakilig ako ng todo eh nanggigigil na naman ako.

Pagkatapos kong magwild sa kwarto bumaba na ako. Naligo na rin ako at kumain. Mahirap na kapag masermonan nu Mommy. Ayaw kasi nya na nakakamissed ako sa pagkain.

Lance POV

"Good morning Ma."

"Wow Ganda yata ng gising ah."

Nakangiti akong lumapit kay Mama at yumakap dito.

"Of course Ma. Kayo agad kasi nakita ko sa morning ko." pasweet kong sabi habang nakayakap parin sa kanya.

"Bola na naman."

"Ma totoo."

Bumitaw naman sya sa yakap ko at humarap sakin na nagtataka.

"Aba! That's new."

"Ang alin?"

Hinawakan nya ang balikat ko at pinag-aaralan ang mukha ko. Tiningnan ko naman sya ng nagtataka. Ok. Alam kong pogi ako Ma kahit hindi pa naliligo.

"Ma? What?"

"You're blooming! Are you INLOVE?" nakangising tanong ni Mama sakin. Tumawa naman ako ng malakas at umupo sa dinning table.

"Anong blooming! Hindi pa nga ako naliligo blooming na? Ano yun magic?" Pero sabagay hindi ko talaga mapigilan ang kapogian ko every morning.

"You're inlove son"

"Ma! Anong inlove hindi ba pwedeng masaya lang."

Pailing iling naman sya bumalik sa ginagawa nya.

"Suss I know you Lucas."

"Bahala ka Ma. Think what you want to think."

"Sus deny pa. O sige, Nakatimpla na ako ng gatas mo."

"Asan?"

"Over there. Inlove na ang baby boy ko haha."

"Ewan ko sayo ma."

Lumabas na ako ng dining room pero naririnig ko parin ang tawa ni Mama. Seriously? Ako inlove? Kanino naman. Tsk.

~
Thank you sa nagbabasa at babasa pa lang. Sa mga nag-aabang sorry minsanan lang ako nakakaupdate kasi busy sa school.
-Gashinarnia

Dating The Bad PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon