ILYSM3

97 3 0
                                        

NANA's P.O.V

okay... relax ka lang nana kaya mo to, nandito na ko sa gubat kinakabahan ako baka bigla niya kong tuklawin...tuklawin? diba taong ahas nga? baka matuklaw ka. aishh tumigil ka nga. ano ba yan nag kokontra pa ang isip ko.

mamaya lang may mang re rape sakin. pero hindi niya syempre yun itutuloy kasama sa plano yun e. nung nasa kalagitnaan na ako ng gubat feeling ko may nakamasid sakin para bang gusto akong kainin nakakatakot, ayoko na yata.  help!!!!

naramdaman kong may humila saakin at sinusubukan na kong halikan sa leeg.

"ahhh wag please!!! tulong! tulungan nyo ko parang awa niyo na!!!"-ako.  naiyak ako shems naman ohh bakit wala pa yung taong ahas? kinikilabutan na ko dito. tsaka parang tinototoo na nitong lalaking to yung ginagawa niya. no!!

"ano ba! umalis ka sabi!!! tulong!!-ako

"wag kanang maarte. ang kinis mo oh, tsaka ang bango mo"-jonathan (yung inutusan ni mayor)

"akala ko ba biro lang to? bakit mo-"

"ang ganda mo, tuloy nalang natin to hayaan mo na sila mayor paliligayahin kita"'-jonathan.     shit! hindi to pwede..

"wag please... wag.." nanalalabo na yung mata ko kakaiyak. ayoko na suko na ko, ano ba tong napasukan ko? jhoanne tulong ayoko na..

naramdaman kong nawala yung lalaking si jonathan at napa upo ako, nakita ko na may bumubugbog kay jonathan. nanlaki yung mata ko kasi parang wala ng buhay si jonathan kaya napa takbo ako sa bumubugbog sa kanya. at dahil naka talikod yung lalaki sakin niyakap ko nalang siya para tumigil.

"t-tama na po " nanginginig pa yung boses ko.

tumigil naman yung lalaki tapos tinanggal yung yakap ko sa kanya tsaka siya humarap sakin. lalong nanlaki yung mata ko. eto ba yung sinasabi nilang taong ahas? bakit ang gwapo? ahh erase..erase.. nagulat ako nung nag iba yung kulay ng mata niya. naging green tapos matang ahas talaga tapos yung parehong gilid ng mata niya balat ng ahas at nagkaroon ng matutulis na ngipin.

ewan ko ba pero na aamaze pa ko sa naakikita ko, akala ko matatakot ako pero hindi. nangunot yung noo nung taong ahas. tinaas ko yung isang kamay ko at nilapat sa pisngi niya papunta sa gilid ng mata niya. grabe kahit ganoon yung mata niya parang ayokong tanggalin ang mga titig ko sa kanya. naramdaman ko yung labi ko sa labi niya. OO hinalikan ko siya napa pikit pa ko. asar naman oh ano bang nangyayari sakin?

may narinig kaming kaluskos kaya dahan-dahan kong tinanggal yung labi ko sa kanya. naka tingin lang siya sakin. ganoon pa din ang itsura niya matang ahas. grabe nagawa ko talaga yon? ahh kailangan ko ng tapusin to.

"im sorry... and thankyou"-ako

"bago ka lang dito noh? alam mo bang bawal ang tao dito sa lugar ko? alam mo ba ang kasunduan namin ni mayor?"-taong ahas

"kasunduan?"- bakit parang and daming tinatago ni mayor?

"oo. nagkasundo kami na walang pwedeng maka pasok dito sa lugar ko. ang sino mang pumasok may karapatan akong patayin siya. pero pag ako ang lumabas dito sa lugar ko pwede nila kong patayin"- ano daw? wala namang sinabi si mayor na ganoon sakin. may tinatago talaga si mayor dapat siya ang imbestigahan.

"p-papatayin mo na ba ko?"- ako

ngumiti siya. hala? ano namang nakakangiti? may saltik ata to e. tsk

"bago ka lang dito kaya hahayaan na kitang umalis dito. tsaka gabi na wag na wag kanang babalik dito."-taong ahas

"s-sige.." lumapit sakin yung taong ahas at pinunasan yung pisngi ko. may luha pa pala ko. ngumiti ako sa kanya.

"aalis na ko, salamat ulit" tumalikod na ko sa kanya. teka? saan ako dito dadaan?  naramdaman kong niyakap ako nung taong ahas napa pikit ako kasi parang anlabo na paningin ko.

"dumilat kana"-taong ahas.   dumilat naman ako, whoa nasa tabi na ko ng labas sa gubat.

"salamat ulit" lalakad na sana ko kaso may naisip akong gawin. humarap ako ulit sa taong ahas at mabilis ko siyang hinalikan sa labi. mga 5 seconds lang naman. wahhh landi ko. hahaha anyare? tapos tumakbo na ko ng mabilis pauwe.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

hello :)

vote? comment?

_AC~

I love you? Snake man?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon