SCENE 10: STAR SAVING

337 11 1
                                        

SCENE 10: STAR SAVING

Habang nasa kalagitnaan ng mga nagkakagulong Star sa pagsasaya ay wala sa loob na napatitig si Kris sa ligayang-ligayang si Juno. Iba kasi ang ngisi nito walang halong paglalaro, walang halong kagaguhan masaya lang talaga na umabot pa sa mga mata nito. Ang ningning sa mga mata ni Juno ay kasing kinang ng hikaw na nasa kaliwang tainga nito.

Matapos ang pages-sexy dance nito ay tumalikod na ito at tila lalabas ng classroom. Nawala naman ang pasimpleng ngiti ni Kris saka kunot-noong tinawag si Juno...

“Juno, saan ka pupunta?” tanong niya na sinuklian naman nito ng ngiting hindi niya alam kung bakit hindi niya nagustuhan. May iba kasi...

“Magbabanyo lang.” simpleng sagot nito na mas lalo pang nagpakunot sa noo ni Kris. Hindi kasi siya sanay sa ganoong sagutan ni Juno. Hindi siya sanay na walang halong kayabangan ang mga salitaan nito.

Isang ngiti muli ang binigay nito kay Kris bago tuluyang lumabas. Ang ngiti nito ay nagpalakas sa kabog ng dibdib ni Kris, hindi sa kilig o kung ano pa mang dahilan kungdi sa kaba.

'Juno.'  Napahawak pa si Kris sa dibdib niya habang nakatanaw pa din sa pintong nilabasan ni Juno... ‘Ano ba ‘to?’ hinaplos haplos ni Kris ang dibdib niya dahil hindi talaga ito makali.

HINDI pa din mapakali si Kris, ang tagal kasing bumalik ni Juno. Ganoon pa din ang siste ng puso niya, hindi mapakali at tila gusto ng lumabas sa lakas ng kabog.

‘Something is wrong!’

Sa pagkayamot ni Kris sa pag-iintay ay hindi na siya nakatiis at sinundan na niya si Juno. Walang nakapansin sa paglabas niya dahil masayang-masaya pa din ang lahat sa mini party na naganap sa classroom nila.

Nang marating ni Kris ang CR ng lalaki ay nag-intay lang siya sa labas nito. Wala siyang pake-alam kung pinagtitinginan siya dahil hindi na talaga siya mapakali hangga’t hindi nakikita si Juno.

Pero lima na ang pumapasok at walo na ang lumalabas pero wala pa din ang taong gusto niyang makita… Ilang minuto pa siyang nag-intay muli ng may lumabas… kamukha pero hindi siya.

“Nakita mo si Juno sa loob?” tanong ni Kris kay Jocco, pero hindi ito sumagot at tinitigan lang siya.

“Aish!” ubos na ubos na ang pasensiya ni Kris. Yamot na yamot na siya kay Juno dahil sa pag-papaalala na ginagawa nito sa kanya, kaya wala ng pagdadalawang-isip na pinasok niya ang CR ng lalaki kahit na alam niyang marami siyang makikita. Pinigilan siya ni Jocco pero iwinaksi niya ang kamay nito. Nagtatanong kasi siya ng maayos ay hindi siya sinasagot nito.

“Ay, ano ba yan?”

“CR ng lalaki to, anong ginagawa mo dito?”

Kanya-kanyang tago ng mga 'kanila' ang kalalakihan na naabutan ni Kris sa loob, pero inirapan lang sila ni Kris at hinanap ang pakay niya.

“Kristianne?” nagtatakang pagtawag sa kanya ng classmate niyang si Kyte.

“Nakita mo si Juno?” tanong niya dito.

“Nakasalubong ko siya kanina sa pinto, palabas na siya noong papasok ako dito, wala pa ba siya sa room?”

“Wala! Shit!” mas lumala ang kaba at pag-aalala ni Kris. Lumabas na siya ng banyo, hindi rin naman niya kasi kinaya ang amoy, napakabaho!

“Nasaan naman kaya iyon?” Naisipan na lang ni Kris na bumalik ng classroom dahil baka nagkasalisi lang sila, yun ang gustong paniwalaan ni Kris na nagkasalisi lang sila. Kahit na sigurado siyang hindi dahil iniisa-isa niya ang mga nakakasalubong niya.

“Tss! The eff, Hilander! You are making me crazy!” yamot na bulong niya at naglakad na pabalik.

Nadaan siya sa CR ng mga babae kung saan may tatlong babaeng nag-uusap-usap, wala na sanang pake-alam si Kris na nilagpasan ang mga ito kung hindi niya lang narinig ang pinag-uusapan ng mga ito.

CLASS-10: STAR SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon