SCENE 26: G10W-DAY 5 (PART 2)
*** Questions and some answers are not mine, credits to the real owner po. Yung iba ay mula sa Miss Q and A po, question lang tas yung iba ay mula kina Kristine Abby Manaran and Nurhana Kadil, tapos yung ibang sagot naman ay mula kina Vanessa Joy Bongon, Christine Yoonsic, and Jessie Mae Jimenez Romances (Thank you din sa pagamit ng name.) Maraming thank you po sa tulong ninyo. Malaking bagay talaga. Kayo ang bumuo ng scene na ito. Salamat, salamat! Love ko kayo all.
***
"My gahd! Ang gigilas lang din talaga ng Grade 10 ah! Surprise Talent portion na iyon pero mga may laban pa din. Congratulations to all of our candidates, all of you deserves to win." ngiti ng host. "But as of now we must proceed to the most awaited portion of the competition, the question and answer. A round of applause, please as we call in again, the six candidates wearing their pageants' formal attire."
Sunod sunod na pumasok ang candidates mula kay Yumiko hanggang kay Chaiser.
"As for our first candidates to answer the question, please move forward Miss Yumiko Winlei." nakangiti namang sumunod si Yumiko, pumwesto siya sa gitna kung nasaan ang mic stand. May lumapit sa kanyang isang assistant na may dalang fish bowl para pabunutin siya ng ng judge na magtatanong sa kanya.
"Your question will be from Miss Shamaia Angeles." anunsiyo ng host.
"Hi. For my question, it somehow has something to do with my personal life. So sorry but at your age, I guess you can relate with this... Oh yeah enough for the talk. My question is ... Kaduwagan bang umatras sa labang alam mong hindi mo maipapanalo?" sa pagbato niya ng tanong na iyon ay ramdam na ramdam ang lungkot at sakit. Bahagya pang natigilan si Yumiko, hindi niya kasi inaasahan ang tanong na iyon. Pero mabilis naman din siyang nakabawi at saka malapad na ngumiti.
"The question brings a heavy feeling in my heart but still thank you for that. To answer the question, it is a big no! No po para sa akin, hindi kailanman magiging kaduwagan ang pag-atras sa laban. Kasi sabihin na natin na hindi mo siya maipapanalo pero at least you have the guts to take a risk. In fact, you are brave enough knowing na dehado ka but still you choose to fight for it... so hindi kaduwagan ang umatras kasi ang ibig sabihin lang nun narealize mo na may mas mahalaga ka pang bagay na dapat higit mong ipaglaban kaysa doon sa hindi sigurado. Isa pa, ang paglaban naman ay inilulugar din, baka mamaya panay ka pa laban tapos yung inilalaban mo pala ay matagal ng isinuko ang sarili niya sa iba. Dapat marunong din tayong manimbang, huwag puro laban dahil minsan matagal na nilang tinapos ang laban at ang pagsuko mo na lang talaga ang hinihintay. Hindi mo masasabing duwag ang isang tao kung mas pinili niyang itigil na ang laban na alam niya din lang siya ang magiging talunan mas matapang nga sila dahil sa pagsuko nila nagawa na nilang harapin ang sakit at katotohanan na pilit nilang tinatakbuhan. So ayun, para sa akin hindi kaduwagan ang pagsuko bagkus ito ay isang patunay ng wagas na pagmamahal. That would be all, thank you." confident na confident ang pagkakasagot ni Yumiko maging ang ngisi nito. Napapalakpak naman din ang lahat dahil talaga naman may dating ang pagkakasagot nito. May epekto nga iyon kay Miss Shamaia, naiyak kasi ito.
"Woaw. Medyo mabigat ang katanungan at kasagutan." sambit ng host. "Kaya wag na nating patagalin pa, let's all have our second candidate Mr. Charlie Quizon."
Wala na namang paganap si Quizon basta na lang itong bumunot at inabot sa host. Binasa naman nito ang judge na nabunot ni Charlie na si Mr. Ceedrick Bengmilton iyon.
"Adi diba ninong mo iyong artistang iyon?" bulong ni Kris.
"Ouhm." balewala namang sagot ni Adi. Hindi niya ito malapitan dahil madaming bodyguards na kasama, magbebless sana siya baka sakaling madagdagan baon niya.

BINABASA MO ANG
CLASS-10: STAR SECTION
Ficção AdolescenteCLASS-10: STAR SECTION (A story about friendship, family, school happenings, bullies, life and love.) Written By: Ginniebee Genre: Teen-fiction, Rom-Com DATE STARTED: July 10, 2018 DATE ENDED: No. OF SCENES: STAR SECTION or Last Section minsan nga W...