SCENE 42: THAT FEELING

356 12 4
                                    

SCENE 42: THAT FEELING

BIYERNES NG HAPON. UWIAN.

Habang papalabas ng iskwelahan ay nagkukulitan lang silang tatlo. Buong maghapon ay panay ganoon lang ang ginagawa nila kasama ang mga kaklase. Sinusulit nila ang bawat araw na ipinagkakaloob sa kanila.

Sa sobrang abala sa pakikiisa sa mga kaklase ay ngayon lang naalala ni Adrianne na silipin ang cellphone niya.

36 missed calls.
11 messages.

Lahat ay mula lang kay Andeng. Pagkakita pa lang doon ay hindi malaman kung anong mararamdaman ni Adi. Bigla siyang kinabahan na hindi niya maipaliwanag. Pero isa ang sigurado siya hindi lang iyon dahil magagalit si Andeng. May iba pa eh.

Binuksan niya ang text messages mula kay Andeng. Nagpapaalam ito.

'Nagpapaalam.'

Napahawak si Adi sa dibdib niya. Hindi niya alam kung bakit pero ang bilis ng tibok ng puso niya.

Ayon sa text ni Andeng ay papunta na itong airport. Ngayon nito aasikasuhin ang problema ng mga Sere. Nauna siya kay Ceedrick dahil may mga scene pa ito na kailangang i-shoot pero susunod din ito agad.

Kanina pa ang text kung hahabol siya ay hindi na siya aabot. Traffic pa dahil sa uwian na nga ng mga estudyante.

Naiiyak siya. Gusto niyang makita si Andeng. Gusto niyang marinig ang boses nito. Hindi niya alam kung bakit, nasanay naman siya na umaalis si Andeng para mangibang bansa pero iba ang pakiramdam niya ngayon eh.

Sinubukan niyang tawagan ito pero cannot be reached na ang phone nito.

Hindi na napigilan ni Adi ang luha niya. Ang bigat talaga ng dibdib niya pakiramdam niya ay kapag nagpigil siya ng iyak ay hindi siya makakahinga. Gusto niya talagang makita si Andeng bago ito umalis.

"Hala, mukhang tanga ka na naman Adi. Ba't bigla-bigla kang umiiyak?" kahit na ganon ang naging salitaan ni Kristianne ay bakas pa din ang pag-ahon ng pag-aalala sa mukha nito. Bigla lang kasing umiyak si Adi.

"Adrianne, bakit ka umiiyak may masakit ba?" nag-aalala ding tanong ni Justine. Nilapitan niya si Adi saka pinakatitigan.

Umiiling lang naman ito habang patuloy sa pag-iyak. Mas lumakas pa nga iyon saka tumalungko na si Adi sa gitna ng daan kung saan napakaraming estudyante ang dumadaan.

"Adi, ano bang iniiyak mo? Kanina lang tawa ka ng tawa eh." kinakabahan na si Kristianne kaya nai-text niya tuloy si Juno.

"I-text mo si Kluster, Kris." pakisuyo ni Justine habang inaalo si Adi.

"Nasa meeting iyon eh." iyak ni Adi.

"Tss. Eh ano? Ano ba kasing iniiyak mo? Kinakabahan kami sayo eh. Nababaliw kana ba?!" malapit na ding maiyak si Justine dahil sa pag-aalala. Sobra kasi ang pag-iyak ni Adi sa hindi nila alam na dahilan.

Ilang minuto pa silang nanatili sa ganoong sitwasyon sa gitna ng daan. Madaming pansin ang natawag nila pero wala silang pake-alam. Si Adi lang ang iniitindi nila.

Hindi naman nagtagal ay nakita na nila ang mga kaibigan. Sabay sabay ang pagtakbo ng mga ito. Sina Juno, Chaiser at Seb ay mula Kaliwa, sa labas ng gate ay pumapasok si Silla, sa kanan ay ang barkada nina Dexter na natyempuhan lang ata sila, at si Kluster na mula pa sa Area ng Grade 10.

"Anong nangyari?" tanong agad ni Kluster na nilapitan si Adi. "Shh. Bakit? May masakit ba sayo?" niyakap niya si Adi saka inalo.

"Bat ka andito? May meeting ka."

"Wala akong pake-alam, Adrianne! Tang'na! Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?!" sobra-sobra ang pag-aalala ni Kluster. Ayaw nga niyang nakikita si Adrianne na umiiyak lalo pa ngayon na hindi naman nila alam ang dahilan.

CLASS-10: STAR SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon