SCENE 18: AYAYAY ANG PAG-IBIG
Bago maghiwa-hiwalay kahapon ay nagkabatukan muna sila para mabalik sa mga wisyo at matanggal ang mga sumpong. Kaya 'Sana' maging normal na araw naman ito para sa kanila.
"Uyy, nakita ko yung post mo sa IG, Seb. Ang ganda ng lugar. Saan iyon?" salubong ni Aqua Celis kay Seb ng umagang iyon.
"Sa Bulacan." simpleng sagot naman ni Seb.
"Gusto ko din makapunta doon. Magkano ang rent kapag buong place?" napa-ingos naman si Seb. Nagyayabang na naman kasi itong si Aqua eh. Panay pera lang naman ang pinapagana, hindi yung utak. "Kasama ninyo si Silla, sponsored niya ba iyon?" nangmamata ang ngisi nito, na siyang naabutan nina Kris at Jus.
"Hindi pinaparent iyon, may scanner doon kapag maganda ka in and out makakapasok ka pero pag hindi chupi ka." ngisi ni Kris dito at saka nagdadabog na umupo sa table nito. Wala kasi siya sa wisyo dahil nayayamot talaga siya.
"Bitch!" irap naman ni Aqua kay Kris.
"Don't call your own name, you look stupid." balik ni Kris.
"Sus, aga-aga eh." singit ni Jus saka nagtuloy na din sa upuan niya.
"Pres!" nabaling na ang atensyon ni Aqua kay Kluster na papasok pero mas natuon ang atensyon niya sa kabuntot nito.
"Kluster, ano na nga kasi?" ungot ni Adi, hila-hila niya na naman ang laylayan ng uniform ni Kluster.
"Wala nga kasi iyon." natatawang sagot ni Kluster, bitbit niya pa ang bag ni Adi.
"Maupo ka na, kasunod na namin si Teacher." sabi niya pa sa nadaanang si Aqua na natigilan.
"Upo kana." inayos niya pa ang pagkakalagay ng bag ni Adrianne sa upuan matapos niyang punasan ang table and chair nito.
"Wala pa sila Juno at Chaiser?" tanong ni Adi sa mga kaibigan.
"Wala pa. Nandoon si Juno sa gate iintayin niya daw yung shota niyang Grade 11." natatawang sabi ni Jus.
"Kaya pala mukhang tae si Kris." asar ni Adi.
"Ikaw naman amoy tae." sagot naman ni Kris.
"Oy, naligo ako ahh!"
"Dapat lang naman." irap nito, saka nagbuklat na lang ng libro niyang nakabaligtad. Shunga din si Ate Kris minsan eh.
"Hayaan mo na siya." nakangiting sabi ni Jus kay Adi.
"Si Chaiser pala?"
"Oh? Bakit sa akin mo tinatanong? Saka lagi namang wala iyon sa first----" natigil si Jus ng isang makatigil mundong pagbubukas ng pinto ng naganap.
"Ayan na." tawa ni Adi. Alam niyang si Chaiser na iyon kahit walang tingin-tingin.
"Napaka-agaw atensyon talaga eh." bulong ni Jus.
Kasunod naman na ni Chaiser si Teacher Jane kaya natahamik na din ang lahat.
"Sinong absent Kluster?" tanong ni Teacher pagkalapag na pagkalapag niya ng Attendance record niya.
"Ansa, Vigo po."
"Aha."
"Davis, Dexter."
"Ok--- Daiquiri, Chaiser?" kunot noong nagtaas ng tingin si Teacher sa pwesto ni Chaiser. "You're already here? Ayos ah." ngumiti ito saka kumuha ng correction tape. Advance kasi si Teacher mag-isip laging may marka na ang pangalan ni Chaiser wala pa man.
"Sino pa?"
"Hilander, Juno po."
"Talagang pasaway ang Hilander na iyon. Kanina lang ay nagkasalubong kami at bumati pa sa akin. Tapos ngayon ay hindi papasukan ang klase ko? Iba talaga ang section niyo, Tsss." nag-ayos pa si Teacher sa table niya habang panay ang panenermon. Iniisa-isa nito ang magagaling sa Special Class.
![](https://img.wattpad.com/cover/161768233-288-k891016.jpg)
BINABASA MO ANG
CLASS-10: STAR SECTION
Ficção AdolescenteCLASS-10: STAR SECTION (A story about friendship, family, school happenings, bullies, life and love.) Written By: Ginniebee Genre: Teen-fiction, Rom-Com DATE STARTED: July 10, 2018 DATE ENDED: No. OF SCENES: STAR SECTION or Last Section minsan nga W...