SCENE 11: BATTLE OF THE GANG

329 11 0
                                    

SCENE 11: BATTLE OF THE GANG

"Laban na!" sigaw ng magkabilang gang... binging-bingi naman ang mga Star dahil napapagitnaan sila.

"Laban agad? Wait lang, diba sa unang pagkikita may 'Introduce yourself' pang paganap, easyhan lang natin aba! Ang ha-hot n'yo ehh!" anas ni Adi, dahilan para matigilan sa pagsugod ang magkabilang gang.

"ADRIANNE HUDOU!" sabay-sabay namang sigaw ng mga Star sa pagka-takaw sa atensyon ni Adi.

"Bida-bida din itong batang ito ahh!" mabilis na hinila ng babaeng miyembro ng Lions si Adi, hawak niya sa leeg si Adrianne.

"Adrianne." tutulungan sana ng Stars si Adi pero marami ang humarang sa kanila. Mananapak na sina Arkid, Juno, Kluster at Chaiser pero ang kalmado pa ring boses ni Adi ang nagpatigil sa kanila.

"Kalma lang." sambit ni Adi, ang tingin niyang nasa mga kamay ng babaeng lion na nakasakal sa kanya ay dahan-dahan niyang iniangat diretso sa mga mata nito.  Nginitian niya ito... "Ipakilala mo ang sarili mo..." angas niya dito dahilan para manggigil lalo ito sa kanya.

"Ako si Haley!" pakilala naman nito at isang unat kili-kiling sampal ang padadapuin nito sa pisngi ni Adi... pero dahil takot si Adi na magasgasan dahil uuwi siya sa friday baka makita ni Andeng at bawasan pa ang 70 niyang baon na sobra sobra niyang tinitipid... iniwasan niya ito at hinayaang dumapo ang sampal nito sa hangin... muntik pa itong magkalabog kung hindi lang nasambot ni Adi sa braso...

"Nakahuli ka ba ng langaw?" asar niya pa... "Sorry, pero kasi kailangan kong makalabas dito ng wala ni isang gasgas dahil papatpatin na talaga ako ni Andeng kapag nagkataon, pasensiyahan na lang tayo ahh! Pero paglabas namin dito labas na kami sa gulo niyong mga gago!" hinila niya palapit sa kanya si Haley, tinuhod ito sa sikmura at hinagis pabalik sa mga kasama nito. Bumalik din siya sa mga kasama...

Nasa gitna sila habang nasa magkabilang gilid ang mga gangster. Naka-triangle sila sa madaling salita.

"Ang angas mo, Adi." malakas ng hinampas pa ni Juno sa balikat si Adrianne.

"Aray ko! Unggoy ka talagang Juno'ng sabog ka!" sabay na hinihilot ni Adi ang siko at tuhod niya.

"Adi, bakit suot mo ang short ko?" kunot noong tanong ni Kristianne, nakita niya kasi ito ng tinuhod ni Adrianne si Haley.

"Hala? Short mo ba ang naisuot ko? Kaya pala ang sikip eh! Sorry, akala ko sa akin eh." nginitian niya na lang si Kris, hila lang kasi siya ng hila sa sampayan eh. Hindi niya alam na hindi pala kanya.

"Labhan mo iyan ahh!"

"Oo na!"

"Aish! Tigilan niyo nga yan, mas isipin niyo kung paano tayo makakalabas dito ng buhay!" inis na turan naman ni Jus. Natatakot na talaga siya, kahit naman magaling sa pisikalan ang mga kasama nilang lalaki ay mga gangster pa din ang kaharap nila.

"Psh! Yayariin ko ang batang iyan!" yamot na sigaw ni Haley na na kay Adi ang turo. Natawa naman ang grupo ng mga lions sa tinuran ng kasama nila.

Si Kluster naman ay hinawakan sa pulsohan si Adi... "Huwag mong ibubuka ang bibig mo Adrianne! Huwag ka ding hihiwalay sa akin. Naiintindihan mo?" tinignan niya ng masama si Adi na nakanguso lang. "Makinig ka sa akin kahit ngayon lang Adrianne! Kahit ngayon lang bilang Presidente ng Star Section kung saan ka nabibilang. Lalabas tayo dito, makakalabas tayo ng maayos kung ititikom mo ang bibig mo at wala kahit isang salitang lalabas diyan!" tumango tango naman si Adi, ikom na ikom ang bibig niya! Kailangan niya kasi talagang makalabas dito ng walang sugat, 70 pesos na baon niya ang nakasalalay dito at ang ulam niya sa weekends! Ayaw niya ng sigarilyas!

CLASS-10: STAR SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon