SCENE 04: THE STARS OF STAR SECTION

394 13 1
                                    

SCENE 04: THE STARS OF STAR SECTION

Nauna ng pumasok sina Kris at Jus dahil sobrang tulog mantika ni Adi, naiintindihan naman nila na pagod ito dahil kung ano-anong ginagawa nito nung weekends. Hindi kasi ito umuwi sa probinsiya nila.

"Sarado na ang gate, shit! Alas diyes na din pala." napatingala si Adi sa mataas na punong sinisilungan niya, nakadikit ito sa pader ng school.

Napangisi siya sa naisip, lumingon-lingon siya sa palagid at nang masiguradong walang taong dumadaan ay walang pagdadalawang isip na aakyatin na niya ang puno ng may biglang humila sa manggas ng uniform niya!

"Oo-oyy!" angal niya. "Chaiser?"

"Anong gagawin mo?" seryosong seryoso ang mukha nito habang nakapamulsa ang kanang kamay at may nakasalpak na namang earphone sa kanang tainga nito.

"Aakyat?" alanganin niyang sagot. Parang tanga naman kasi, asking the obvious. "Kailangan kong makapasok, pag nag-absent ako mapapalo na talaga ako ni Andeng." nakangusong paliwanag niya.

"Are you wearing shorts underneath your skirt?" nanlaki ang mata ni Adi sa naging tanong nito, ang out of the blue naman kasi.

"Sira----"

"Tss! Your skirt is too short! Kapag umakyat ka diyan masisilipan ka ng mga dumadaan baka nga tumambay pa ang mga iyon sa ilalim ng puno. Gusto mo ba yun? Sabagay, titingalain ka naman." mapang-asar ang boses nito, pero hindi na pinatulan ni Adi dahil tama naman din ito.

"Papasok ka din ba?" tanong na lang niya.

"Obviously." sagot naman nito at walang kahirap hirap na umakyat ng puno, tatalon na sana ito pakabila ng tinawag ito ni Adi.

"Hoy, Daiquiri! Pakisama naman oh, tulungan mo naman ako dre." may paawa effect pa ang mukha ni Adi. "Sige na, please?"

"You look like a cat!" Chaiser stated, emotionless.

Napasimangot naman si Adi sa sinabi nito. 'Sira-ulo talaga ang hinayupak na ito eh! Sarap konyatan ng dos! Yari to sa akin kapag nakapasok na ako.' hindi bumubuka ang bibig pero nakangiting sambit ni Adi.

Nabawasan naman ang yamot niya, dahil bumaba muli si Chaiser. "Wear this." sabi nito saka inabot ang jacket na suot nito kanina, bilang magandang masunurin, sinuot nga ito ni Adi, hinagis niya pa ang bag niya kay Chaiser para hindi siya mahirapan pero ang damuho hindi sinalo, ayun tuloy kumakalapak ang bag niya sa semento!

"Bakit hindi mo sinalo?" yamot na namang tanong ni Adi.

"You haven't told me to catch it." natatangahang saad ni Chaiser.

"Aba---"

"What will you do?" putol nito sa kung ano mang sasabibin ni Adi.

"Isusuot malamang." sigaw niya saka isinuot na sa kaliwang kamay niya ang jacket pero hinila-hila naman ito ni Chaiser.

"Not like that! Are you always this stupid or you are making an extra effort today?!"

"Aba'y sira-ulo..."

"Dito nga kasi!" bahagyang natigilan si Adi ng yumakap sa kanya si Chaiser, muli lang siyang natauhan ng maramdaman niya ang mahigpit na pagkakabuhol ng jacket nito sa beywang niya! "Like that! Kagulo ng utak kasi, kasing gulo ng buhok mo!" yamot na saad ni Chaiser. Saka siya itinalikod at tinulak tulak palapit sa puno at walang ano-ano'y hinawakan siya sa beywang at binuhat paakyat!

'Shutangibles na Daiquiri! Ang mga galawan, makatigil oras ehh!'

"Catch!" sigaw nito sa mula sa baba, pero wala naman ito sa tyempo kaya ang bag na hinagis nito ay nasalo man ni Adi ng mga kamay niya ay nauna namang naglanding sa mukha niya. 

CLASS-10: STAR SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon