"Nathan, di ko na kaya..."Tinignan ko ang lalaking minahal ko at minamahal, tinitignan ang kaniyang magiging expression sa aking sinabi.
Nangunot ang kaniyang noo tila nabigla na nagtataka...
"Ashlyn..."Tawag niya sa aking ngalan.
"Nathan, alam mo na gusto kita at alam ko na gusto mo ako. Hindi ako feeler dahil nararamdaman ko yun. Sa mga panahon na ang impormasyon na yun ay nasa aking isipan ay nalaman ko sa aking sarili na nahuhulog na ako. Ngunit alam ko din na hindi pede, dahil hindi mo kaya. Dahil wala kang panahon." Pagaamin ko sa kaniya ng katotohanan, tinignan ko siya at ngumiti ng mapait.
"Nathan, masakit magmahal kung alam mong wala kang pinanghahawakan kaya ito ako ngayon titigil. Titigil sa kalokohan ko. Pasensiya ka na Nathan, alam mo na magaling ako sa debate, palagi kog pinaglalaban ang aking punto ngunit..." Tinignan ko siya, naramdaman ko na may isang luhang nakatakas at lumandas pababa ng aking pisnge.
"I won't fight for something not worth fighting for." Sabi ko.
Hinalikan ko ang lalaking minahal at minamahal ko ngayon sa pisnge bago umalis at simula noon...
nakalaya ako sa masaklap naming katayuan, ang pagiging MU...