7, she deserve better friends

42 1 0
                                    

"Yieieie September na eek eek!" Parang ewan na nagtitili ang kaibigan kong si Darchell.

"Himala ata at wala kayong training?" Na sabi ko na lang, mula sa gilid ng mata ko kitang-kita ko kung paano mapatawa ng palihim si Beverly.

Bakit nga ba di na lang ako sumama sa barkada niya? E mas tanggap pa nila ako at mas kaclose ko pa kesa sa tatlong ito.

"Wala e, anyway di mo ba kami namiss?" Nagpacute naman si Jilian, wangyang babae ito.

"Sanay na akong wala kayo," pabiro ang tonong ginamit ko para hindi halata, narinig ko naman kung paano umubo si Bev.

"May ubo ka Bev?" Tanong naman ni Krisha, himala buhay pa pala at nakakapagslita ang babaitang ito ahaha.

"Wala wala, wag niyo na akong intindihin," sabi naman ni Bev, tinignan niya naman ako kaya nagkibit-balikat na lang ako na siyang ikinailing niya.

"Bev! Tara bili tayo snacks!" Yaya sa kaniya ni Sasha.

"Uy Ashley, available yung favourite mong Moo Melon and breadpan. Sama ka? Mamaya di pa sapat sayo yung bibilhin namin AHAHA," napa-pout na lang ako, ang harsh nila ah.

"Since when mo pa naging paborito ang Moo?" Napatingin naman kami kay Darchell.

"Since nakilala ko si Ashley fav niya na yun, ano Ash tara?" Si Kira naman ang nagaya ngayon.

"Sige tara, bili lang kami," paalam ko kila Drachell, tinalon naman ako ng akbay ni Nella.

"Tara na pards!" Napatawa naman ako, ganito talaga si Nella ahaha.

Madali lang kami sa canteen dahil wala namang pila. Bumalik na ulit kami sa classroom at nakita kong busy sila Darchell.

"Tara, dito ka na lang sa amin Ashley. Pagusapan na din natin yung presentation natin and of course chikahan time," napatawa naman ako sa sinabi ni Jade.

"Ano kayang meron? Ba't buglang di pumasok si sir?" Tanong bigla ni Sasha, binatukan naman siya ni Nella.

"Loko ka! Malamang dahil malapit na ang foundation day!" Sigaw naman ni Nella napatingin pa nga sa amin mga kaklase namin e.

"Ay! Oo nga pala! Guys botohan daw kung ano gagawin natin for foundation day," sabi ng president namin, haha nakalimutan na naman niya.

Nagbotohan na sila at lahat lahat, halos makipag sapakan nga si Nella para lang Maid Cafe ang gawin namin. At since nga gusto rin nila ng Cosplay Booth edi meron din noon. Bale pipili yung customer kung sino ang gusto niyang mag-serve sa kaniya Maid, butler, anime, etc.

Isa ako sa mga magc-cosplay, angi-cosplay ko ay si Violet Evergarden. Madami naman kaming class funds dahil sa mga pakulo ng Vice Pres namin na si Finn, mukhang pera pa naman yun ahaha. Pero at least yumaman kami.

"Ako magm-make up sayo Ash!" Sabi naman ni Jade.

"Nuks naman!" Sabi naman nila Sasha kahit kailan talaga ahaha.

Nasa gitna kami ng pagt-tawanan ng biglang lumapit sa amin sila Darchell. Akala ko ba busy sila.

"Akala ko ba pupunta lang kayo ng canteen? Bakit di ka na bumalik sa amin," seryosong sabi ni Darchell habang nakatingin sa akin, tumahimik naman ang klase.

"Busy kasi kayo at lagi niyo namang ino-op si Ashley e. Kaya sinama na namin siya," mataray na sabi ni Sasha.

"Hindi ikaw ang kausap namin," sabi naman ni Jilian.

Hala...

Papalag na sana si Sasha kung di ko lang siya inilingan. Siguro ito na yung time na sabihin ko sa kanila.

"Can we talk outside?" Yaya ko pero nagmatigas sila.

"Bakit sa labas pa? Para ba hindi makita ng lahat kung gaano ka walang kwenta mong kaibigan?" Nasampal ko naman si Darchell sa sinabi niya, never did it cross my mind na ganyan siya...

Nagsisinghapan naman sila at gulat na gulat si Darchell sa ginawa kong pagsampal sa kaniya.

"Ako ba talaga?" Mapait na ngiti ang nakaguhit sa aking labi habang nagsasalita.

"I wonder sino yung nagmukhang tanga sa mall habang hinihintay kayong tatlo for 3hrs. tapos biglang magt-text na hindi pala tuloy yung lakad," pagsisimula ko.

"I wonder who was the person who looked like a loner when all of you had training,"

"I wonder sino yung naghintay na matapos ang training niyo para lang malaman na WALA naman pala talaga kayong training,"

"Sino nga ba yung laging feeling outsider?"

"Sino nga ba yung laging wala sa mga post?"

"Sino nga ba yung kulang na lang ipagsigawan niya na nandoon siya kasama niyo para lang mapansin niyo siya?"

"Oh right ang pangalan niya pala si Ashley. Si Ashley na WALANG KWENTANG KAIBIGAN DAW. Si Ashley na OUTSIDER."

"Hindi ako kulang sa pansin, hindi ako magaastang girlfriend niyo para mag demand ng time niya dahil sawangsawa na akong laging nagd-demand ng time sa mga taong alam kong di nila kayang ibigay sa akin. Pero kasi hindi lang naman kawalan ng time ang pinapamukha niyo sa akin, which is okay lang naman sa akin. But you three made me feel worthless. You three made me feel like I'm an outsider. Para bang di niyo ako tanggap, na may sarili kayong mundo at di ako kasama doon," tutulo na sana ang luha ko kung di lang ako niyakap ni Bev.

Nakatalikod na ako ngayon kila Jilian. Nanatiling tahimik yung classroom.

"She deserve better friends," sabi naman ni Bev.

MUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon