Semestral break namin ngayon at nandito kami ngayon sa rest house. One month na ang nakalipas simula ng magkita kami ni Nathan.
"Ashley! May naghahanap sayo!" Tawag ni mama agad akong pumasok sa loob at bumaba sa kitchen, nasa veranda kasi ako.
"ASHTON!"sigaw ko at tumalon sa pinsan ko na galing states.
"Here." Sabi niya sabay abot ng chocolates pati isang set ng notebook and pen.
"Yyiiee!! You still remembered!" Sabi ko naman.
"Of course!" Sabi naman niya.
"O sige, sige na at magusap na kayong dalawa." Sabi ni Tita May.
Agad akong hinila ni Ashton palabas ng bahay at papunta sa may swing sa may malapit sa dagat, hindi masyadong mainit kaya nags-swimming yung iba kong pinsan.
"Soo...kamusta?" Tanong niya sa akin.
"Ayun, lutang pa rin." Sagot ko, alam ko naman kasi na ang tinutukoy niya ay yung puso ko.
Umakbay naman siya sa kin.
"Ash, alam mo kasi. Dapat kasi nilinaw niyo sa isa't isa kung ano ba talaga yun. Kung mahal niyo ba ang isa't isa or crush lang. Para malinaw." Sabi naman ni Ashton.
"Ashton, malinaw sa aming dalawa na gusto namin ang isa't isa okay! Kaya nga MU eh kaya lang. Hindi kami mag boy friend, girl friend. Tapos magkaibang schools pa. Kaya lang naman lumabo is noong nakikita ko yung post ng mga kaklase namin. Pagnagyayaya ako palagi daw siyang busy pero makikita ko naman na may kasamang babae."kwento ko kay Ashton.
Kung titignan wala akong karapatang magselos o kaya ay mag-demand ng time niya, dahil sa una pa lang wala naman talagang commitment sa kung anong meron kami. Siguro nga, mas mabuti na lang siguro noong di na lang nag-aminan. Oo nga mutual feelings, pero para saan naman yun kung wala namang naging kami. Ang gulo nga e, ano ba talaga ang ginusto namin? Ano nga ba yung point noon?
Para sabay kaming maghintay para sa oras namin? Pero parang mas lalong lumabo... Or lumabo lang ba ng maging demanding ako? Ng umakto na may kami e ang totoo na sa waiting stage pa lang kami? Pero ang malala niyan, sana di na lang kami naging magka-MU at naging matatag for a year. Kasi dahil doon mas lumakas yung feelings, e kung tumigil kami e di sana it stoped with the mere 'i like you' and didn't painfully end with an 'i love you'...
"I know that look Ash, you're regretting again. Naiisip mo na naman ang mga what if's. Wala ng magagawa yan Ash. Always remember na di kasalanan ang magmahal, nahulog ka. Nasaktan ka, may mga pagkakamali ka. But that's part of life. Na sa sayo na lang kung anong sunod mong gagawin and that move you're going to do, make sure you'll keep on going," napatingala naman ako sa mga ulap.
Ano nga ba ang sunod kong gagawin? All these years I've been avoiding it, tinuon ko sa pagaaral ang attention ko. Pero kung titignan paano ako makaka-move on? I did set myself free, masaya din naman na siya sa buhay niya but why am I stuck? Ba't ako na stuck sa isang bagay na ako na nga mismo ang tumapos?
"Ash...hayst. Basta ngayon na nandito na ako you can always cry or talk to me okay. Wag mong sinasarili." Sabi ni Ashton niyakap ko naman siya.
"Salamat, dahil alam ko na nandiyan ka para sa akin. Ikaw talaga ang the best cousin in the whole universe!"Na sabi ko na lang, God knows how lucky i am to have Ashton, kung pede nga siya na lang jowain ko e ahaha kidding.
"Hmph! Sinasabi mo lang yan para meron ka pang maraming notebooks and pens sa akin eh." Sabi naman niya kaya agad ko siyang hinampas at sabay kaming nagtawanan.
Maybe I won't mind it again, di ko na lang papansin. Dahil alam ko naman na pag wala kang pinanghahawakan mawawala din, I guess it just needs time. Pero hanggang kailan?