2, estado ng aking puso

200 2 0
                                    

"Ashlyn, may group project tayo bukas. Alam mo naman bahay ko diba, punta ka lang doon ng mga 2pm." Paliwanag ng isa kong kaklase, tumungo naman ako at nagbasa na ulit ng libro.

Nandito ako sa garden magisa, may mga training yung mga kaibigan ko and besides hindi ko na rin sila feel.

Yung feeling na parang walang friendship sa pagkakaibigan niyo.

Hayst, bakit kaya ganoon siya pa rin ang iniisip ko makaraan ang 3 taon.

Grade 10 na ako ngayon at sigurado ako na siya din, wala na akong communication sa kaniya pagkatapos ng gabing yun.

Tumayo na ako sa pagkakaupo at umuwi na.

Paguwi ko naghanap agad ako ng libro para basahin ng makita ko ang paborito kong libro.

Binuklat ko yun at sakto na may nahulog na litrato.

Pinulot ko yun at agad na naginit ang mata ko, ito yung stolen pic namin na may hawak siyang libro habang ako nakasandal ang ulo ko sa balikat niya at pareho kaming tulog.

"Ang ewan mo talaga Ashlyn, bakit ba kasi ganyan ang estado ng puso mo. Bakit mahal mo pa rin siya? Bakit pagkatapos ng lahat MAHAL mo pa rin siya?!"Naiinis na bulyaw ko sa sarili ko.

Pero ng tignan ko ang likod ng litrato ay napakunot ang noo ko.

"Look for the box under your bed the key is the necklace I gave you."

-Nathan

Sinipit ko ulit ang litrato sa libro at naglakad sa drawer ko at kinuha ang jewelry box ko at kinuha ang necklace na sinasabi niya.

Pumunta ako sa kama ko at kinapa ang box.

Ng makapa ko kinuha ko yun at pinagpagan.

"Handa ba ako? Handa na ba ako makita ang laman ng box na ito na maaaring mag pagulo na naman sa sistema ko?" Tanong ko sa sarili ko.

Handa na ba akong baguhin ang estado ng puso ko?



MUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon