"Nathan, hehe kamusta ka?"
Wag kang iiyak, wag kang iiyak!
"Ash, umiyak ka ba?"Tanong niya.
"Ako? Haha bakit naman ako iiyak haha." Tawa ko.
"Tumatawa ka kapag nagsisinungaling ka." Sabi niya, seryoso ang mukha niya.
"Hehe...a-ano...bakit di mo kasama yung girl friend mo..."Nakatungong tanong ko.
"Kakabreak lang namin." Sabi naman niya.
"A-Ah okay...sige alis na ako..." Sabi ko bago pumihit paalis pero nagulat ako ng hilain niya ako at niyakap.
"Nathan..." Gosh naluluha na naman ako.
"Ash...I'm sorry..." Sabi niya.
"B-Bakit ka ba nags-sorry? Hindi mo naman kasalanan na hindi ako eh, na hindi ako tumagal sa puso mo..." Naiiyak na sabi ko.
"Nathan, Minahal mo ba ako? O sadyang feeler lang ako?" Tanong ko sa kaniya.
"Minahal kita Ash..." Sabi niya at mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin.
"Sadyang wala lang akong time."Sabi niya...
"Walang time? Pero sa mga babae mo meron?" Natatawang sabi ko.
Humiwalay siya sa akin at tinignan ako.
"Wag mo itanggi...nakita kita kasama yung babaeng sinasabi ng lahat na parang ako..."
-flashback-
"Ash! Ano hindi na naman sisipot si Nathan?" Tanong ni Beverly.
"Busy eh, marami daw projects." Sabi ko naman.
"Busy? Eh bakit siya nandoon? Di naman ata gumagawa ng projects eh." Napalingon naman ako at nakita ko si Nathan na tumatawa kasama ang isang babae.
"Diba si Sam yun? Yung sinasabi ng mga classmate mo dati na parang ikaw?" Comment ni Beverly at tumungo naman ako.
-end of flashback-
"Samantha right?" Sabi ko naman.
"Ash...."
"Ikaw na rin nagsabi Nathan. Minahal mo ako, MINAHAL mo ako. Okay na yun sa akin, di naman kita pinipilit na gustuhin ako. Sa totoo lang wa akong karapatan na magselos eh, pero masisisi mo ba ako? Mahirap magmahal Nathan, kung para sayo biro lang ang pagiging boyfriend para sa akin hindi. Akala ko lang talaga noong time na yun na ako na..." Umiiyak na sabi ko.
"Ikaw ang bumitaw." Sabi naman niya.
"Bumitaw? Hindi ako bumitaw Nathan, dahil sa simula pa lang ay wala na akong pinaghahawakan. MU nga diba. Feelings change, pero yung akin hindi pero yung sayo? Hindi ko na alam Nathan..."
"Ash..." Halatang wala siyang masabi, siguro di niya naisip na ganoon kalalim yung nararamdaman ko.
"It's nice to know that you're happy and doing great. Take care of yourself."sabi ko bago tumalikod at umalis.